FIRST YR HS
Pagka-uwe namin nung retreat, tinext ako ni kuya na umuwe na lang muna ako mag-isa kasi ginagamit niya yung car at nasa trabaho pa sila mommy at hindi nila ako masusundo. Hindi ako nagalit kasi niyaya naman ako ni Zac sa bahay nila bago daw ako umuwe sa amin tutal maaga pa.
"Hello my sister Ana." binati ako ni Ate Jas nung pagkabukas niya ng pinto sabay may hug pa.
"Hi ate." bati ni Zac sa kanya.
"Kayo ha, baka hindi ko alam na kayo na pala." asar ni ate Jas sa amin.
"Ay ate, bata pa po kami. Wala pa po sa isip ko yung mga ganyan." sabi ko tapos pumasok na kami sa loob.
Dumerecho kami sa kitchen nila kung saan kumakain si Kei ng cookies na binake daw ni Ate Jas. Tumikim ako and super sarap nga! Nagkwentuhan kami doon about sa retreat namin and napatigil kami nung nasa may kissing scene na. Pero siyempre iniba namin ang story.
"Ate Jas, pwede ba tayong manuod ng movie?" biglang tanong ni Kei sa kanya.
"Ah, aalis ako mamaya baby eh kasi may project kami sa school." paliwanag niya at nalungkot naman si Kei.
"Kei, kung gusto mo kami na lang ni Zac ang sasama sa'yo manuod ng movie." sabi ko kaya natuwa naman si Kei pero nagulat si Zac.
"Yehey! Talaga? Thanks po ate Ana!" sabi ni Kei sabay yakap at kiss sa cheek ko.
"Hindi ka pa ba pagod Ana? Kakagaling lang natin sa byahe ah." sabi ni Zac.
"Uyy concerned siya." asar ni ate Jas. "Oh eto pera, alagaan niyong mabuti si Kei ha. After niyong manuod umuwe na kaagad kayo ha."
Sa sobrang tuwa naman namin ni Kei, nauna na kaming sumakay sa kotse nila. Pagkasakay naman ni Zac parang lutang pa siya.
"Ganito pala kapag naging tatay ka na." biglang sabi niya kaya natawa ako.
"Ang fast forward mo naman mag-isip. Wala ka pa ngang girlfriend tapos asawa kaagad hinahanap mo?" joke ko tapos tumawa si Kei.
"Kuya likes you Ate Ana to be his wife. And I'm your daughter for today." natawa naman ako dun.
Pumila kami ng medyo matagal sa bilihan ng tickets kasi andaming nanunuod ngayon. Hinawakan naming maigi si Kei para hindi siya makidnap. And then, nanuod na kami ng piniling movie ni Kei at dun siya naupo sa gitna namin ni Zac habang kumakain ng popcorn.
Noong natapos na yung palabas, napansin kong tulog na si Kei. Binuhat siya ni Zac at dinala ko naman yung mga pagkaing natira namin. Pagkalabas namin, may nakakita sa aming matanda.
Narinig kong bulong niya, "Grabe naman ang babata pa may anak na."
Natawa ako at sinabi ko yun kay Zac pero mukhang pagod na rin siya kaya nagmadali na kaming nagpunta sa kotse at sinamahan ko si Kei sa likod kasi tulog na siya.
Naramdaman ko na lang na may kumukurot sa pisngi ko. "Gising na."
Shet, pati pala ako nakatulog na. "Oh, sorry." sabi ko at tumayo na ako at tinulungan si Zac na buhatin si Kei.
Dinala niya sa kwarto si Kei ng tulog at sinabi ko sa kanya, "Mabuti pa magpahinga ka na rin kasi mukhang pagod ka na." sabi ko.
"Ihahatid pa kita." he said.
"No need. Kaya ko naman mag-commute tutal isang bag lang ang dala ko eh." sabi ko pero parang hindi naman niya ako pinakinggan at pinasakay pa ako sa kotse.
Hindi na lang ako nagreklamo hanggang makauwe ako. Binigyan ko na lang siya ng chocolate drink bago siya umalis para hindi naman siya manghina.
*
PRESENT
"Ate Jas." sabi ko pero nagalit pa siya.
"Ate? Don't ever call me 'ate'. How dare you come here! Pumunta ka ba dito para mang-gulo?"
Medyo nainis ako at napaisip. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya bakit ganun?
"Nagpunta lang po ako dito para kausapin si Zac." paliwanag ko.
"I don't want you to talk to him. Pwede bang lubayan mo na ang kapatid ko? Wag mo nga siyang gawing tanga! Kung hindi ka aalis dito kakaladkarin kita!" sigaw niya.
Tumalikod na ako naglakad paalis pero biglang may tumawag sa pangalan ko at lumingon ako. Si Zac. Pinigil pa siya ni ate Jas na pumunta sa akin pero nakita kong nagpaliwanag si Zac sa kanya at nagdabog lang si ate Jas at pumasok na lang sa loob ng bahay nila.
"I'm sorry sa ginawa ni ate sa'yo. Ikaw naman kasi bakit bigla kang pumupunta dito?" he asked.
"Sobrang sama siguro ng ginawa ko sa'yo noh kaya ganun na lang ang galit niya sa akin?" I asked.
Naghanap pa siya ng palusot pero alam kong alam ni ate Jas ang mga nangyare.
Bigla na lang may lumabas na babae sa bahay nila at tinawag si Zac. "Babe! Matagal ka pa ba jan? Yung brownies natin mukhang luto na!"
"Susunod na lang ako." he shouted sa babae. "What are you doing here Ana?" he then faced me.
"Ah, yayayain lang sana kita lumabas bilang thank you and congrats sa contest. Pero sige Zac aalis na lang ako. Sorry sa istorbo." sabi niya.
"Wait Ana." I was expecting sasabihin niya na hindi niya girlfriend yung babae pero nagkamali pala ako. "I told you na friends na tayo pero it doesn't mean na ganun na lang kadaling maging close ulit tayo. Can you go home by yourself? Hindi kasi kita maihahatid." he said and nalungkot ako.
I faked a smile. "Of course I can. Sige, bye." I said then I went away.
Bago ako umuwi sa bahay, nagpunta muna ako sa 7-eleven at bumili ng favorite kong chocolate drink. Kailangan ko kasi ng sweetness sa katawan ko na puro bitterness na.
"Ana ikaw ba yan?" Tinignan ko kung sino yung nagtanong at nagulat ako si Troy pala!
Nag-ayos ako kasi mukha akong dugyot. "Ah, Troy!"
Umupo siya sa upuan kaharap ko at nilapag yung mga pinamili niya.
"So iniiyakan mo pa rin si Zac?" he asked while opening a pack of chips tapos inalok niya ako kaya kumuha ako. "Tell me what happened."
Kinuwento ko nga sa kanya na nagkasama kami sa contest at nagkaayos na kami. Hanggang sa akala ko na pwede na ulit kami maging close ng katulad ng dati. Pero nagkakamali pala ako.
"So, nagselos ka nung nalaman mong may gf na siya?" he asked.
"NO. Nagulat lang talaga ako. Ilang months na rin kasi kaming hindi nag-uusap." I said then uminom ako ng drink ko.
"I gave up on you the second I felt na mahal mo si Zac. Nung nandoon tayo sa restaurant at siya yung waiter, sa tingin ko nasaktan din siya. Nagselos. And he concluded na you don't love him kaya naghanap na siya ng iba." he explained.
"I didn't tell him I love him. Hindi ko rin alam kung gusto niya ako kasi he didn't say anything about it." I said then umiiyak na ako.
He held my hand. "You do not need words to tell someone you love them. Action speaks louder than words. The way he acted, I can feel, that he likes you. Kulang na nga lang eh bugbugin niya ako at sabihing, 'Akin to, wag mo agawin.'"
I smiled. "It's too late."
"It's never late kapag mahal ka niya. Pero ang sabi sa akin nila Noah, ayaw ng parents mo sa kanya." he said eating.
Kumuha ako ng chips pero tinamad ako kainin kaya nilapag ko na lang ulit. "Alam mo ilang beses na akong nagtatry mag-move on pero one day makikita ko na lang siya bigla. Gusto kong isipin na tadhana yun, pero sa nangyare ngayon, hindi eh."
"High school ka pa lang naman Ana. Malay mo sa College matagpuan mo na ang lalaking para sa'yo talaga." he said. "Wag mo siyang iyakan, Ana. Hindi pa siya patay. Ang gawin mo, magpaganda ka. Para kapag nagkita kayo ulit, may maihaharap ka."
BINABASA MO ANG
When A Meets Z
Teen FictionThe story of the beautiful Ana and the not-so-handsome Zac.