C H A P T E R 1 5

67 5 2
                                    

Natapos ang vacation ng mabilis. Actually hindi mabilis kasi nainip lang ako dahil kapag wala akong masyadong ginagawa, parating si Zac ang naiisip ko. Mabuti na yung busy ako para atleast mawala muna siya sa isip ko.

"Oh my Ana! I missed you!" niyakap ako ni Fey nung magkita kami sa classroom. "Shet, alam mo ba nagpunta kami ni Noah at yung family niya sa Bora! Grabe pinagtitinginan si Noah nun tapos alam mo ba nagselos ako pero nung gabi, sinurprise niya ako! Shet bes! Sobrang swerte ko talaga kay Noah!" pinagpapalo pa niya ako sa sobrang pagkakilig niya.

Bawat dating ng prof namin sa classroom may sasabihin silang projects. Pero hindi na ako nainis kasi the more work, the more iwas ang magagawa ko.

Pagkabigay pa lang ng project, ginawa ko na kaagad kapag break time kaya  si Fey, si Noah na lang ang kasama. Mas gusto pa ata niya yun eh kesa third party ako sa kanila.

Hanggang pag-uwe, balak kong gumawa ng mga projects sa bahay kaya dumaan muna ako sa Starbucks para bumili ng coffee. Hindi na sana ako bibili ng coffee nung nakita kong si Zac yung nandoon eh pero magkukunwari na lang ako na hindi ko siya nakita.

Hindi ako tumitingin sa kanya sa pag-order ko at hindi niya tinanong ang name ko ah? It means kilala pa niya ako.

Habang nag-aantay ako sa order ko, umupo muna ako sa isang tabi at sinasagutan ko yung ibang projects ko. 

"Here's your order ma'am." dineliver na lang tuloy sa akin yung order ko kasi hindi ko ata narinig na tinawag na yung name ko? Nag-thank you ako sa lalaki at hindi siya si Zac. Umalis ako doon at dumerecho ng bahay.

Tinuloy ko yung ginagawa ko at nilabas ko yung coffee ko pero napatingin ako sa sticky note na nakalagay doon.

Don't forget to smile. Sige ka papanget ka. Good luck!
- Z

He's acting like nothing happened? Dahil sa inis ko, I crumpled the sticky note and threw it in my trash bin. Pero hindi ko alam kung bakit kinuha ko ulit yun at itinago sa likod ng notebook ko.

"Stop thinking about him, Ana. Ginugulo ka lang niya." I said to myself and then I continued doing my works.

After ilang minutes, bigla akong na-stress kaya nag-instagram muna ako and nagtaka ako bakit may notif sa DM ko? Wala naman masyadong nag-D-DM sa akin sa insta eh kasi may FB naman or twitter. Pero tinignan ko kung sino yung nag-send ng black pic.

FROM ZACZACANNGPOGI:
Ana, sorry sa mga sinasabi sa'yo ni ate kung meron man. Nadisappoint lang siya kasi akala niya tayo na. Don't worry I explained it to her pero hindi ko alam kung nawala na ang galit niya. Seriously, sorry. And hindi ko na ginagamit yung Fb ko kasi pinapakailaman ni ate so dito na lang tayo mag-usap kung may sasabihin ka. 

So it means hindi niya ako binlock?

I typed my reply: I added you on FB and then bigla mo na lang ako binlock. Sumama ang loob ko sa'yo kasi akala ko friends na tayo. And yung sa 'babe' mo, I know na hindi mo siya girlfriend kasi siya yung nililigawan ni kuya and umamin na siya sa amin. Bakit mo ako tinaboy noon? I'm really hurt. :(

I was just staring at my phone waiting for his reply.

"Please reply." I said while holding my phone until I got a reply from him. Sobrang tuwa ko ewan ko ba.

ZACZACANNGPOGI: Hindi na ako gumagamit ng FB ko baka si ate yung nag-block sa'yo. Ohh, I really mean it when I said friends na tayo pero totoo namang hindi natin maibabalik ang nakaraan ng ganun ganun na lang di ba? I have no choice but to call her 'babe'. She's just our friend, now you know. Btw, are you mad at me or something? Hindi ka namamansin kanina sa Starbucks.

When A Meets ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon