"Girl, you need to make kwento!" hindi pa nga ako nakakaupo sa seat ko pero umaatake nanaman ang pagka-tsismosa nitong si Fey.
"Ano namang ikekwento ko sa'yo? Hindi naman kami nagkita ni Zac." sabi ko.
"Eto naman? Wala akong paki sa Zac na 'yun! Ang gusto kong ikwento mo ay yung nag-date kayo ni Gray Torres sa Tea House kahapon! Ayiieee~" sabi niya na may kasamang tusok sa bewang ko pang-asar.
Umupo ako sa seat ko. "Anong date? Nagreview lang kami para sa Math Contest." sabi ko sa kanya at nagulat naman si Fey. "Oh my! Siya ang tutor mo sa contest? You're so lucky friend! Isa kaya siya sa mga crush ko dito sa school!" pinagpapalo pa niya yung arm ko.
"Anong swerte d'un? Tsaka bakit ka pa nagkaka-crush sa iba eh may Noah ka na! Dapat loyal ka! Dapat siya lang ang crush mo!" inaway ko siya.
Umasim naman yung mukha niya. "Baka ipagpalit ko siya dun. Mahal ko si Noah, crush ko lang si Gray ano ka ba! Sinasabi ko lang sa'yo na ang swerte mo kung magiging close kayo ni Gray! Balita ko sweet daw y'un eh."
"Sweet? Sweet sa lahat?" I asked.
"Like, kapag nilalamig yung classmate niya dahil sa aircon, pinapahiram niya yung hoodie niya, parang ganun yung 'sweet' na sinasabi ko sa'yo!" she explained.
"Sweet nga siya sa lahat. Kawawa naman yung girlfriend niya kasi parating magseselos." sabi ko.
"Ay sinabi mo pa. Nag-away nga sila n'ung ex-girlfriend niya dahil d'un kaya ayun nagbreak sila. Ewan ko ba kung bakit ganun yung si Gray."
So sweet siya sa lahat ng babae. What if yung kiss na yun wala lang meaning? Duh. Bakit naman magkakaroon ng meaning yun eh sinakyan lang naman niya yung pagkukunwari kong 'babe' niya.
Hindi ko na nasamahan si Fey maghintay kay Noah sa gym dahil sinundo ako ni Gray sa classroom namin nung last class ko na kaya ayun, puro ayiiiieee ang naririnig ko sa kanilang lahat.
"Saan mo gustong mag-aral ngayon?" he asked.
"Any suggestions?" I asked.
"Uhm, at your house." he said. I was shocked pero he's serious. Hindi man lang niya binawi yung sinabi niya! "Didn't you tell your mom about the contest?" he asked.
"Oh, hindi ko pa pinapaalam sa kanila." I said. He said na sabihin ko na daw at ginawa ko nga. Tinawagan ko si mommy and pumayag siya nung marinig pa lang niya ang pangalan na Gray Torres.
Gray smiled. "So that's a yes?" I nodded.
Dumerecho kami sa bahay namin and to my surprise si mommy ang nagbukas ng pintuan! She welcomed me and Gray like mag-asawa na kami! Oh no.
"Your mom told me na ikaw daw ang tutor ni Anabeth sa Math." mom told Gray. He nodded.
BINABASA MO ANG
When A Meets Z
Teen FictionThe story of the beautiful Ana and the not-so-handsome Zac.