FIRST YR HS
Nag-ayos na kami ng mga gamit para sa sleep over namin sa rooftop nila. Pinahiram ako ni ate Jas ng shorts niya at si Zac naman pinahiram sa akin yung isang hoodie niya. Siyempre, bra lang suot ko sa loob ng hoodie.
Noong nasa taas na kami, gumawa kami ng camp fire para medyo mainitan kami kasi medyo malamig doon. Si ate Jas nilalaro si Kei at nagbibilang sila ng stars. Goodluck na lang kung mabilang nila lahat yun.
"Zac," lumingon ako kay Zac pero nakatitig pala siya sa akin tapos tumingin siya bigla sa ibang direksyon nung tumingin ako sa kanya. "Oy! Nahuli kita. Ikaw ha." inaasar ko pa siya.
"Ano nanaman?" he asked without looking at me.
"Sabi nung isang kaklase natin nagseselos ka daw kanina kasi hindi ikaw yung partner ko." I lied kasi gusto ko lang malaman kung nagseselos siya.
"Naniwala ka naman?"
Tumingin ako sa stars at iniisip ko kung anong sasabihin sa kanya.
"Ang bilis mo talaga maniwala eh noh. Siguro kung may nag-text sa'yo ng nanalo ka ng isang milyon magtatatalon ka na jan sa tuwa." sabi niya at tinignan ko siya ng masama.
"Kapal mo! Denial king ka pa jan." asar ko tapos kumuha na ako ng marshmallows at nilagay ko na yun sa apoy.
Lumapit sa akin si Kei at gusto din daw niya ng marshmallows kaya binigyan ko siya. And then kain lang kami ng kain hanggang bumaba muna si ate Jas at kukunin daw niya yung laptop niya dahil medyo boring na daw.
"Ate, anong nangyare kay kuya Zac?" tanong ni Kei sa akin at tinignan ko si Zac at ginugulo niya yung buhok niya na parang baliw or naiinis?
"Zac!" tinawag ko siya at binatuhan ng marshmallow pagkasabi niya ng "A--"
"Ano ba?" he said then dinampot lang niya yung marshmallow at kinain. Sayang daw.
Tumatawa naman si Kei. "Ako magshoshoot kay kuya." sabi ni Kei at kumuha siya ng marshmallow at sinusubukan namang saluhin yun ni Zac.
Tawa lang kami ng tawa hanggang mag-react si Zac at ako naman daw yung maging ring. Edi I tried my best para makuha yung marshmallow pero kahit isa wala akong makuha kasi ang harsh nila magbato.
Pero atleast nag-eenjoy kami.
"Ang sweet niyo naman para kayong happy family." sabi niya kaya napatingin kami sa kanya at nagpi-picture na pala siya sa amin.
"Ate Jas! Ikaw naman." sabi ni Kei kaya pinagbabato ni Kei si ate Jas nung marshmallow.
Tawa lang kami ng tawa ni Zac kasi ang cute cute ni Kei. Tuwang tuwa siya! Tapos biglang humatching si Zac at napatingin ako sa kanya at tumawa. Lumabas kasi yung sipon niya eh.
Kinuha ko yung phone ko at pipicturan ko sana siya pero pinigil niya ako kaya inaway ko siya at pinipigil yung kamay niya na makuha yung phone ko. In the end, napicturan ko siya kasi mabilis ang kamay ko.
Tawa lang ako ng tawa bago ko siya abutan ng tissue.
"Sige kung jan ka masaya tawa pa." sabi niya habang pinupunasan niya yung sipon niya.
"S-Sorry. Ikaw naman ang high-blood mo." kinurot ko yung pisngi niya pero napansin kong mainit yun kaya hinawakan ko yung noo niya at napaso ako sa init. "Ang init mo." sabi ko.
He smiled. "I'm hot, I know."
"Baliw. Ate Jas, nila--" tinakpan ni Zac yung bibig ko at bumulong sa akin, "Shh. Kapag sinabi mo na may sakit ako hindi matutuloy itong tent sleep over natin at malulungkot si Kei." paliwanag niya.
"Bakit Ana?" ate Jas asked.
Binitawan ni Zac ang bibig ko. "Ahh, may kukunin lang kami ni Zac sa baba." I said and then hinila ko siya pababa.
Tinanong ko siya kung nasaan yung mga gamot nila at pinainom ko siya ng tablet para gumaling na siya kaagad.
"Asaan thermometer niyo?" tanong ko.
"Grabe ang OA mo ah. Uminom na ako ng gamot kaya gagaling na ako." sabi ko at hinila na niya yung kamay ko at umakyat na kami ulit.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng tent at pinatay na namin yung camp fire at dun na kami sa loob nanuod ng movie. Pinagbaon ko na rin si Zac ng madaming kumot kasi baka lamigin siya.
Naunang makatulog sina Kei at ate Jas. Kinumutan ko si Zac pero binalik lang niya sa akin yung kumot kaya nagalit ako pero in a quiet way. At dahil ayaw niyang sumunod, niyakap ko na lang siya ng mahigpit kaya wala na siyang nagawa.
"Nanananching ka nanaman ha." he whispered. Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya amoy ko yung marshmallow na sunog.
"Just sleep." I whispered and then he hugged me back.
"Body heat." he said and I saw him smiled ng nakapikit.
***
PRESENT
Tinawag kami nila mommy kasi manunuod daw kami ng movie. Inabutan ako ni Pink ng marshmallows at hindi ako kumuha. ayaw niya daw kasi ng popcorn kasi sumasabit sa ngipin. sigh. Marshmallows.
Toy Story 3?
"Mom, pambata naman ata yan?" reklamo ni Pink.
"Maganda daw yan, nakakaiyak." sabi ni tita Violet.
Nakakaiyak? Iiyak nanaman ako? Sawang sawa na ako umiyak. Nag-earphones ako habang nanunuod sila. Nagffb lang ako habang nanunuod sila. And inadd ko na si Zac kasi ayaw niya akong i-add. Pero natapos na yung movie, nag-iiyakan na sila at hindi pa rin niya ako ina-add?
I looked at his profile pero nakalagay: "the page cannot be find"
What? He blocked me? The heck! Friends friends ka pa jan! Sana hindi mo na lang sinabi yung friends na tayo para hindi ako umasa! I started crying.
"Grabe nakakaiyak talaga!" Pink said and I nodded. Buti na lang nakakaiyak itong palabas.
*
Niyaya ako ni Gray maglakad lakad sa may sea shore. Pumayag naman ako kasi kailangan ko ng space para umiyak. Habang naglalakad kami, kinuwento ko na sa kanya yung nangyare.
"Do you really love him?" he asked and napatigil ako sa tanong niya. "Mahal mo na ba siya? Kasi, yang mga ginagawa mo, ginagawa yan ng taong na-broken hearted eh."
Mahal ko na ba si Zac?
"I can't love him, Gray. And hindi ko siguro siya mahal. Nasasaktan lang ako kasi namimiss ko yung samahan namin dati. Naglaho na lang na parang bula." I said and then I cried again. "Gusto kong ibalik yung dati, Gray. Gusto ko siyang makasama ulit."
"You're thinking na friends lang ang turing mo sa kanya pero ang totoo, hindi mo lang maamin sa sarili mo na mahal mo na siya." he said. Tumalikod siya sa akin. "Hindi ka naman magiging affected ng ganyan kung hindi mo siya mahal. I know how it feels."
"I don't love him. Bakit ko naman mamahalin yung asungot na sinungaling na yun?"
"Dahil na-develop ang feelings mo dahil parati kayong magkasama. Ang magagawa mo lang jan eh accept it or reject it. If you accept it, then tell him immediately na gusto mo siya dahil kapag hindi mo yun ginawa baka maunahan ka ng iba. You have to face the truth Ana."
"Madaling sabihin pero mahirap gawin, Gray. I can't just say that I love him. My mom doesn't want him for me. Tapos ngayon, ayaw na din sa akin ng ate niya. Do you think itutuloy ko pa ba ito?" I asked him and he faced me.
"If you love him, ituloy mo. Kung willing kang mag-hintay kahit anong mangyare, ituloy mo. Just don't expect anything." he said.
Kumuha ako ng bato at binato ko sa dagat.
Ano bang problema mo Zac? Ginagayuma mo ba ako!?
BINABASA MO ANG
When A Meets Z
Teen FictionThe story of the beautiful Ana and the not-so-handsome Zac.