The day of the contest came.
"Shet, shet kinakabahan ako!" sabi ko kay Gray. Siya kasi yung pinasama sa akin sa loob kasi bawal ng pumasok yung mga prof.
"Just stay calm. I know you can do it." he said then pinapasok na kami sa loob ng examination room at naiwan siya sa labas.
Sobrang kabog ng puso ko. Pati kamay ko nanginginig. Hindi ko maisulat ang name ko sa papel.
"Ang bata bata mo pa pasmado ka na." bigla akong may narinig na familiar na boses. Tumingin ako sa kanya at tama nga ang hinala ko. Si Zac. "Dalian mo magsulat, madami pang mag-aattendance." sabi niya kaya inayos ko na yung sulat ko.
At dahil magkasunod kaming dumating, magkatabi rin kami sa upuan. Bakit naman ganito? Hindi ko alam kung sinasadya niya or talagang pinagtatagpo lang talaga kami?
"God Bless. Alam kong kaya mo yan." narinig kong bulong niya.
Tumingin ako sa kanya. Mukhang lumalim nga ang eyebags niya. Totoo kayang hindi siya maka-concentrate sa pag-aaral niya? Totoo bang lasinggero na siya ngayon?
"Mas matalino ka sakin." bulong ko sa kanya then he smiled.
"Kung kinakabahan ka dahil feeling mo matatalo kita, don't worry. Hindi ako nag-aral." sabi niya tapos pinamigay na yung mga test booklets.
Nagpaliwanag na ng mga mechanics yung babae sa harap at nagbigay siya ng isang problem na napakahaba. Tama nga si Gray sa last review namin. Buti na lang at nireview niya ako kung hindi nga-nga ako ngayon.
Natapos ang 30 minutes at nakita kong hindi nagsusulat si Zac. Kasalanan ko ba talaga kung bakit naging ganyan na ang buhay niya?
Biglang may nagpasa ng papel niya pero mali daw ang sagot niya. Kinabahan ako kaya bumalik ako sa pag-sasagot ko sa tanong.
45 minutes sa orasan at na-solve ko na yung problem. Tumayo ako at pinasa yung papel ko then dineclare na tama yung sagot ko at ako ang 1st place. Sobrang saya ko! Di nagtagal, tumayo si Zac sa upuan at nagpasa na din. Dahil ba wala na siyang masagot?
"Congrats! 2nd place, Zac Cortez." sabi nung babae at nag-thanks naman si Zac. Whoa, so hindi pa siya nag-aral sa lagay na yun?
"Congrats." sabi niya sa akin at nakipagshake-hands siya. Kinuha ko naman ang kamay niya at nakipag-shake hands para hindi na magkaroon pa ng issue.
"Hindi pala nag-aral ha." asar ko sa kanya at tumawa lang siya.
Lumabas na siya ng room tapos hinabol ko siya. Kaya lang biglang humarang si Gray sa akin at niyakap ako. He said he's so proud of me, na ang talino ko daw, at kung ano ano pang word of praise. Pero ang mga mata ko hinahanap si Zac. And I saw him! He's looking at me. No, he's looking at us! Tinulak ko si Gray para umalis sa pagyakap sa akin.
"Thanks Gray." I said. Nilingon ko ulit si Zac pero wala na siya.
"May hinahanap ka ba?" he suddenly asked.
"W-Wala. Nagugutom lang kasi ako." I lied.
"Oh sige, ittreat na lang kita tutal nanalo ka naman." Gray said then nagpaalam siya sa mga prof na babalik na lang kami mamaya and we went in sa isang restaurant malapit sa school nung contest.
While we're eating, hinahanap ko pa rin kung nasa restau si Zac pero siyempre hindi ako nagpapahalata kay Gray. And nung nakita ko na siya, I lied to Gray na magpupunta lang ako ng CR pero pupuntahan ko talaga si Zac.
"Thank you kanina, Zac." I said and nagulat siya nung nakita niya ako.
"Excuse me? Do I know you?" really? ngayon pa?
Umupo ako sa tabing seat ng inuupuan niya at kinausap ko siya ng seryoso.
"You said I'm a stranger, right?" he said then he sipped at his frappe.
I nodded. "Look, I'm sorry. Hindi ko lang alam ang i-aact ko pagkatapos ng mga nangyare. I said that you're a stranger kasi sinabi mo sa akin noon sa chinese restaurant na pinagtatrabahuhan mo na magkalimutan na tayo."
"Ohh. I see. Pero sinabi ko lang naman yun kasi sinaktan mo ako."
"Hindi ko sinasadyang saktan ka sa mga sinabi ko Zac. Naipit ako noon. I can't let my parents hate me."
"Then binlock mo ako? Kasama din ba yun sa sinabi ng mommy mo?" he said while playing the straw in his frappe.
"No. Binlock kita kasi sinabi mo kalimutan na natin ang isa't isa."
He smirked, "Masunuring bata. Kapag sinabi ko rin bang mahalin mo ako gagawin mo?" Napatigil ako sa sagot niya. "I'm just joking. Bakit ka ba nandito? Baka hinahanap ka na nung boyfriend mo at sabihing tinu-two time mo siya."
Sumimangot ang mukha ko. "What? Wala akong boyfriend noh. Ikaw, bakit hindi mo ata kasama yung girlfriend mong si Bianca?"
Nasamid siya sa tanong ko. "What the? Girlfriend? Excuse me? Hindi ko papatulan yung babaeng yun." Ewan ko bakit ako natuwa sa sinabi niya.
"Sinabi din niya sa akin na naglalasing ka daw gabi gabi dahil sa akin. Sinisi pa nga niya ako na hindi ka daw makareview sa contest eh." I said.
"Talaga? Hindi ko kasi siya kinakausap na nitong mga nakaraang araw. Nagkita lang kami nung isang gabi sa 7-eleven bumibili ako nun ng Cobra dahil nagrereview nga ako para sa contest. Minsan wag kang maniniwala dun kasi feeling ko nababaliw na siya." He's really funny. I miss talking to him.
I was laughing really. "So akala niya beer yung Cobra?"
He smiled. "Siguro. Alam mo nakakamiss ka din palang kausap. Hindi ko matiis na hindi ka kausapin eh."
"So, friends?" inalok ko yung kamay ko sa kanya.
"I-add mo muna ako sa facebook."
I smiled. "Yeah sige i-aadd na kita mamaya at tatanggalin ko na din yung pagkablock ko sa'yo." sabi ko tapos kinuha ko yung isang kamay niya at sinakehands ko sa akin.
"Halika nga dito, alam ko namang miss na miss mo din ako eh." sabi niya sabay yakap sa akin ng napaka-higpit. Shete ka! Kung kailan nagmo-move on na ako sa'yo at saka ganito! Pero wala namang use ang pagmo-move on ko kasi mas lalo ko lang siya namimiss eh.
*
Pinuntahan ko si Gray pagkatapos naming mag-kaayos ni Zac at dumerecho na kami sa school para sa awarding. Tapos nun, hinatid na ako ni Gray sa bahay namin at pumasok din siya sa loob. Pagkapunta ko sa kitchen, biglang may nag-pop na kung ano tapos sumigaw sila ng 'CONGRATULATIONS ANA!'
Aba! Nagpahanda pa pala sila ng surprise gift para sa akin?
"Congratulations Anabeth, oh I mean Ana." mom said then she kissed me. Then Gray's mom hugged me and congratulated me. Then kuya kissed me in my forehead and hugged me.
"Thank you mom, tita and kuya. Pero over naman ata nagpahanda pa kayo." I said.
"Anong over eh pinaghirapan niyo ni Gray ang pag-aaral sa contest. Dapat lang na mag-celebrate tayo." sabi ni mommy.
"Let's just eat Ana." Gray told me and kumain na nga lang kami.
Nagkwentuhan kaming lima sa table habang kumakain kami. And then pumasok nanaman yung issue na bagay kami ni Gray. Hindi ko na lang pinansin yun. And naalala ko si Zac. Sobrang hirap ng pag-aaral na ginawa niya mag-isa pero hindi manlang siya nag-celebrate. Gusto ko man siya i-invite dito hindi ko magawa.
Pagkaalis nila Gray, nagpaalam ako sa mommy ko na pupunta ako kina Fey. Pumayag siya. Pero hindi naman talaga ako kina Fey pupunta kung hindi kina Zac.
I was scared to knock.
Pero ok na naman kami eh kaya I think ok na, so I knocked.
Then Ate Jas opened the door. "What the hell are you doing here?"
BINABASA MO ANG
When A Meets Z
Teen FictionThe story of the beautiful Ana and the not-so-handsome Zac.