C H A P T E R 18

50 3 0
                                    

FIRST YR HS


Last day ng class bago mag-Christmas break.


"San mo balak pumunta mamaya?" biglang tanong sa akin ni Zac.


"Edi uuwe. Manunuod ako ng movies buong magdamag. Ikaw?" I asked him.


Parang nalungkot siya. "Hindi ko nga alam eh. Gusto ko pa sanang gumala kasama ka eh." parang kinilig pa nga ako sa sinabi niya. "Eh kaya lang hindi pala ako kasama sa plano mo."


Pinalo ko siya sa braso. "Ang drama mo! Edi gumala tayo mamaya. Isama natin sila ate Jas."


"Ano? Wag na. May lakad yun eh." sabi niya. "So, anong gagawin natin mamaya? Manunuod ba tayo ng cine?" para siyang excited na bata kung magtanong.


"Tinatamad akong lumabas ngayon. Tatapusin ko pa yung pinapanuod kong series na kinaaadikan ko tapos---" huminto ako sa pagsasalita kasi hindi na nakikinig si Zac sa akin. "Ano bang problema mo ha?"


"W-Wala. Nakalimutan ko palang magreview baka may quiz teka lang." kinuha naman niya yung bag niya at nagbabasa ng kung ano ano. Imposibleng hindi siya nagreview. Kahit naman ata hindi siya magreview makakapasa pa rin siya.


"Zaaaac." kahit anong tawag ko sa kanya, o kahit anong kulit, hindi niya ako pinapansin. Kala mo naman GC siya kung makaaral wagas. "Wala naman tayong quiz."


Hanggang mag-lunch break eh hindi niya talaga ako pinansin. Lumabas na nga kaagad siya ng room at hindi manlang ako hinintay. Grabe talaga! Pagkalabas ko ng room nagkita kami ni Ate Jas. Hinanap niya sa akin si Zac pero hindi ko alam kung saan nagpunta yun.


"Mukhang matagal tagal ata kayong hindi magkakasama ni Zac dahil sa break ha. Hindi mo ba siya mamimiss?" biglang tanong ni ate.


"Ah, hindi ko alam. Pero sa ngayon hindi ko pa naman siya miss." sabi ko.


She smiled. "Nasanay kang kasama mo siya parati baka manibago ka kapag hindi mo na siya kasama." she said pero humindi lang ako.


Natapos ang buong araw ng hindi ko na nakausap si Zac. Hindi na nga rin siya tumabi sa akin nung last subjects. Pero nung aalis na siya, hinabol ko siya at pinigil.


"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. "Bakit bigla kang hindi namamansin?"


He looked at me. "Wala. Nagmamadali lang ako umuwe."


"Kanina lang niyayaya mo akong lumabas tapos ngayon nagmamadali kang umuwe?" pagtataray ko sa kanya. "Sabihin mo lang kung galit ka dahil--"


"Hindi ako galit okay?" he said then aalis na sana siya pero hinila ko yung kamay niya.


When A Meets ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon