Ilang oras ko ng tinititigan yung message ko sa kanya pero di pa rin niya nirereplyan. May nag-message sa akin pero hindi naman si Zac.
From: Gray
I'm so happy nagustuhan mo yung surprise ko sa'yo.
I have to admit na wala akong ganang kausapin siya kasi inaantay kong kausapin ako ni Zac. Pero I don't want to be rude kaya nireplyan ko siya.
Nagreply siya, at nagreply ulit ako hanggang sa di ko namalayan ka-text ko na pala siya at nawala na sa isip ko si Zac.
Someone knocked on my door. "Ana, gusto ka daw kausapin ni mommy." kuya said habang nasa labas siya.
Andito si mommy?
Lumabas kaagad ako ng kwarto ko para salubungin si mommy. Matagal ko na atang di naaabutan siya kapag darating siya.
"Mom!" I said then I hugged her.
"Nice seeing you again my baby Ana." she said and she kissed my cheek. "Galing ako kina Violet at pinapabigay nga pala ito ni Gray sa'yo." she told me and gave me the small box.
I opened it and isang necklace na may pendant na letter A ang nakalagay doon.
"Wow. So cute! Pero bakit naman ako bibigyan ni Gray ng ganito?" I asked myself pero sumagot si mommy, "Hindi ba halata? Nanliligaw na siya sa'yo."
Nagulat naman ako kaya sinarado ko ang box at binalik kay mommy. "Bata pa po ako para sa isang relationship." I told mom.
"Ana, I'm joking. Siyempre gusto ko tapusin mo muna ang high-school bago mo siya sagutin."
"Mom!"
She laughed. "He asked me kanina kung payag daw ba akong manligaw siya sa'yo, and sinabi ko ok lang basta after high school mo siya sasagutin."
Nainis ako na parang nagulat na ewan. "Mom? Parang pinamigay niyo na lang ako. Gusto ko mahal ko yung magiging boyfriend ko balang araw."
Naging seryoso na ang ichura niya. "Alam mo Ana, ang love natututunan yan. Kaya nga binibigyan ko kayo ng pagkakataon na magkakilala pa ni Gray."
Medyo inisip ko lang si Zac at alam kong naramdaman ni mommy yun.
"You don't deserve a guy like Zac, Ana. You can't love him. At kung may butil ng feelings na anjan sa puso mo na para sa kanya, alisin mo. Unlove him Ana."
Natulala na lang ako sa kanya at sumang-ayon kaya natuwa siya.
*
The next day, kasama ko sila Fey at Noah sa canteen nung lunch. Ang saya saya nila at parang naiinis ako na gusto ko silang batuhin ng kung ano. Bakit ang swerte nila? Nahanap kaagad nila ang isa't isa? Bakit walang pumipigil sa relasyon nila?
BINABASA MO ANG
When A Meets Z
Teen FictionThe story of the beautiful Ana and the not-so-handsome Zac.