C H A P T E R 8

137 11 7
                                    

CHAPTER 8

FIRST YR HS

 

Retreat naming mga First year ngayon and pupunta kaming retreat house namin sa Tagaytay. Noong nasa bus kami, hinila ako ni Zac na tumabi sa kanya doon sa dalawang seats lang pero tumabi naman ako kase siya lang naman ang ka-close ko.

 

“Araw araw kayong magkatabi ha.” Narinig kong sabi ni Bianca. “Baka naman mamaya magtabi din kayo sa pagtulog ha.” Asar niya kaya nagtawanan yung iba naming kaklase.

 

“Baliw ka ba? Bawal kaya magtabi ang lalaki at babae!” sigaw nung isang babae.

 

“Shunga ka talaga! Alam ko! Inaasar ko lang sila. Minsan kumain ka ng utak ng mga animals para magka-utak na naman.” Sabi ni Bianca sa kanya. Harsh!

 

Bawal nga pala magtabi ang lalaki at babae. Paano na lang ako mamaya? Sino ang tatabihan ko sa kanila eh hindi ko naman sila close?

 

“’Wag kang mag-alala. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay.” Sabi ni Zac sa akin. “O baka gusto mo talaga katabi mo pa rin ako?”

 

Pinalo ko siya ng malakas. “Asa ka naman. Baka ikaw lang ang may gusto.” Sabi ko at kumain na lang siya ng baon niyang chichirya. “Bawas bawasan mo nga ang pagkain mo ng unhealthy foods nagkakapimples ka na oh!” sabi ko sa kanya.

 

“Ok boss.”

 

Pagkadating namin sa retreat house, nagtanong tanong na yung adviser namin kung sino ang magtatabi sa mga kwarto. Bigla naman akong hinila ni Bianca at sinabing kami daw ang magtatabi. Kinabahan naman ako kaya napatingin ako kay Zac pero nakikipagkwentuhan siya sa kung sinong lalaki.

 

“Don’t worry, hindi naman kita kakainin. Gusto ko lang maging close tayo.” She said. May magagawa pa ba ako?

 

Pinapunta muna kami ng teacher namin sa mga kwarto namin para ilagay ang mga gamit namin. Bakit parang hindi na ako sanay ng wala si Zac sa tabi ko? Err, nakakainis ha!

 

Pagkadating namin sa kwarto namin ni Bianca eh humiga agad siya sa babang kama. “Sa taas ka na lang ha? Hindi kasi ako sanay matulog sa taas.” Sabi niya. May magagawa pa ba ako? “Or gusto mo tabi na lang tayo tutal malaki naman ‘tong kama.”

 

“Kahit ano okay lang.” I said.

 

“Are you still mad at me?” She asked.

 

“No. Naiilang lang ako.” I said.

 

“I’m sorry. Nagseselos lang kase ako. Dati kase ako lang yung prinsesa nila tapos ngayong dumating ka bigla na lang silang nagbago. Pero wala na yun. Friends na tayo?” she offered her hand and kinuha ko naman yun. “Okay.” I said.

When A Meets ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon