C H A P T E R 2 0

49 3 0
                                    

Parang unti-unting bumabalik ang mga ala-ala niya sa isang tingin lang. Bakit sa lahat pa ng iskwelahan dito pa siya nag-aral?

"Wow so hanggang kailan kayo magtititigan diyan ha?" Asar ni Lucas sa amin.

Natauhan naman ako at tinapos ko na yung sinusulatan ko.

"Let's go." Sabi ko kay Lucas.

"Madami pa naman tayong oras pwede naman dito muna tayo malamig dito." Inaasar ata ako ni Lucas. Kaming tatlo lang kasi ang andito sa loob ng office. "So magkakilala pala kayo ni Ana, Zeke." Kinausap ni Lucas si Zac.

"Ah, oo." Malungkot niyang sabi.

Naiilang naman ako sa pinag-uusapan namin.

"Mabuti pa iwan ko muna kayo-" pinigil ko si Lucas sa binabalak niya.

"Lucas, ano bang pinagsasabi mo?" I asked him.

"May boyfriend ka na kaya ayos lang yun, ano ka ba." Pagkasabi ni Lucas lumabas na siya ng office at iniwan kami sa loob.

"May boyfriend ka na pala." Sabi niya.

"Ah, oo. Ikaw, may girlfriend ka na?" I asked him.

"Hindi ako maka-move on sa first love ko pano ako magkaka-girlfriend?" Nailang naman ako sa sinabi niya. Ako ba yung tinutukoy niya or ibang babae?

Tahimik nanaman.

"Ah, alam kong sinuntok ka ni Gray noon kaya ako na ang nagso-sorry sa ginawa niya." Sabi ko.

"Naintindihan ko naman siya. Ayaw lang niya na masaktan ka."

"Galit na galit sakin yung ate mo at akala niya ako yung nagpasuntok sayo." Sabi ko.

Nagulat naman siya. "Ha? Sinaktan ka ba ni ate?"

I faked a smile. "Hindi! Ramdam ko lang na ayaw na niya sa akin kaya I think kahit na nasa pareho tayong school dapat-"

"Dapat hindi na tayo magpansinan ganun?"

"Ganun na nga."

"Kung yan ang gusto mo."

Hindi ko naman gusto ito. Pero dapat kong gawin kasi yun nag nararapat. Natatakot din ako na baka bumalik ang feelings ko. Masasaktan ko si Gray, at masasaktan din tayong dalawa.

"So, bye." Sabi ko.

"Ana, can I ask you something?"

"Ano?" I looked at him.

"Kahit konti ba wala kang naramdaman na something sa akin?"

"Zac, bakit mo ba tinatanong yan?" Nainis kong sabi.

"Kasi kahit gustuhin kong magmove on sa'yo hindi ko magawa kasi umaasa ako na may feelings ka din para sa akin." Sabi niya.

Pinigil ko ang sarili ko na umiyak. "Zac, tama na. Siguro landi lang yun. Tigilan na natin ang isa't isa." Sorry. Ayoko ng masaktan ulit tayo. Ayaw na sa atin ng mundo bakit pa natin pipilitin di ba?

Nakita kong lumuha siya. Nasaktan siya sa sinabi ko. I know kasi maski ako nasasaktan din. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.

"Kung sinabi mo sana na mahal mo din ako ipaglalaban kita. Pero naisip ko hindi mo nga pala ako kayang ipaglaban." Sabi niya.

"Zac, ano ba?"

Hindi na niya ako pinansin at lumabas siya ng office. Lumabas na din ako at hinila ni Lucas. Kinwento ko sa kanya yung nangyari at naiyak din ako kaya pinatahan ako ni Lucas.

Nagsimula na yung orientation pero hindi ako nakikinig. Lutang pa rin ako sa nangyari kanina hanggang sa matapos ang araw at sunduin na ako ni Gray.

When A Meets ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon