Zyron's POV
"Hmm, depende." sabi ko at sumulyap sakanya.
"Ano naman?" tanong niya.
May naisip na ko na kapalit o pinaka offer pero natatakot pa akong sabihin sakanya. Wag muna. Maybe at the right place ko sasabihin.
Nag kwentuhan lang kami, pinag-usapan ang buhay ng isa't isa at mga nakakadiring pangyayari na nangyayari samin, hanggang sa maka-uwi kami. Tinulungan ko lang siya na i-akyat ang mga gamit niya at iniwan na siya na mag isang mag-ayos ng mga dapat niyang ayusin.
In the other hand, inasikaso ko na yung kay Tita Rachel na email request confirmation para sa deal at pati na 'dun sa ibang naiwan ko kanina. Lumipas ang ilang minuto ata at oras na nakafocus lang ako sa ginagawa ko 'di ko namalayan na mag 2 am na. Tapos na siguro si Kiana sa pag-aayos niya ng gamit.
2:34 nang matapos ako sa ginagawa ko at nakaramdam ng uhaw kaya balak kung bumaba para uminon saglit.
Pababa na ko ng makita kong bukas pa ang ilaw at na kaawang ng kaunti ang pintuan sa guestroom na tinutuluyan ng magaling kong bisita.
Anong oras na 'di pa siya tulog? Baka hindi pa siguro tapos sa pag liligpit niya.
'Nahiya naman ako na gising pa diba?' sabi ng utak ko.
Pagkapasok ko kita ko siya na nakadapa na sa pag kakahiga. Siguro sa sobrang pagod nakatulog agad at nakalimutang patayin at ayusin ang sarili niya kaya ganan.
Lumapit ako sa kanya at inayos ko ang pag kakahiga niya at kinumutan. Masama ba na may nararamdaman agad ako sa taong kakikilala ko lang?. Hindi basta nararamdaman na as friend lang kundi parang alam niyo 'yun yung, type siya agad basta natitipuhan na babae ko siya.
Normal naman siguro 'yun kahit bakla ako. We do fell inlove with a woman pa rin naman siguro diba?
Pagka ayos ko nang pagkakakumot sa kanya pinakatitigan ko siya saglit.
Iba yung ganda niya eh. May halong kakyutan na 'di ko maipaliwanag 'di naman siya pandak o kung ano man pero. Iba talaga eh.
Pinatay ko muna ang ilaw bago umalis sa kwarto niya. At pumanhik sa kusina upang kumuha ng tubig at dinala sa kwarto. Masaya't mahimbing siguro ako makakatulog ngayon? Sabay ngiti . Baliw na ata ako at feel ko nagbabago ang sexuality ko agad, babalitaan ko agad sina Mage at Andy.
Let's go with the flow na lang siguro ako sa nararamdaman kong ito.
----
Umagang umaga. Nagising ako sa malakas na kalabog. Ano na naman 'yun. Maganda naman ang gising ko pero 'di ko parin maiwasan na mag-alala, baka nahulog na sa hagdan ang magaling kong bisita.
Lumabas ako at kita ko si Kiana na nag-ayos ng mga damit na nahulog siguro sa Cabinet na nandun. Kita kong nasira ang pinaka sabitan ng mga naka hanger na damit.
"Hmm, sorry Zyron, nasira ko ata ang Cabinet na 'to... Mahuna na ata". hinging paumahin niya. Sinadya niyang hinaan ang boses sa huling salita niya pero, rinig ko pa rin.
"Okay lang, pasensya na 'din. Luma na kase yan." saad ko na lang.. Maganda pa naman ang gising ko.
"Kaya pala.." bulong na naman niya pero rinig ko pa rin.
"Angal ka pa, tulungan na nga kita" sabi ko at tinulungan siyang kunin ang mga nahulog na damit.
"H-hindi okay lang ako na". sabi niya at inaagaw sakin ang ibang damit na nadampot ko na.
"Hindi I insist. Ganda naman ng mga trip mong damit"
"A-Ahh O-Oo. Akina 'yan ako na lang ang mag aayos!".
"Hindi, okay lang nga".
"Wag na nga kase at baka makuha mo pa yung--"
Tinaas ko ang two piece na nakuha ko na magkasama pa at mukang kagagamit lang. Maruming damit siguro.
Natigilan siya, maging ako.
"Sabi s-sayo ... eh. Ako na lang ang mag-aayos!"
Hinigit niya sakin yun at napatikhim na lang ako at nakailang lunok. Amoy ko pa ang bango ng bagay na 'yun. Nakakapanindig. Kalmahan mo self.
'Nakakahiya ka Zyron!'
"Hmm., sige maiwan na kita...maghahanda na ko ng almusal"
Tumango lang siya at kita ko ang pamumula sa mukha niya. Kyot naman.
Pag tapos kong mag-luto at mag-ayos ng lamesa tinawag ko na 'rin siya para makakain na kami.
"May pasok ka na ba ngayon?"
"Oo at okay na 'rin na mag simula ka ngayon. Sumabay ka na sakin para mapa aga ka at para narin hindi sayang oras mo!"
"Okay, salamat ulit"
Tumango lang ako at tinapos na ang pagkain at pumunta agad sa kwarto para maligo. Nagbihis at ready to go na. Nagpakalma na 'rin.
Pag kababa ko kita ko agad siya na nag hihintay sakin.
"Bakit ganan ang suot mong damit? Seriously?" paangil na sabi ko. Ano ba naman kasing klaseng damit 'yan
"Bakit hindi?" tiningnan niya ang sarili niya. "Diba formal attire naman 'to, kase accounting department naman 'yun gaya ng sabi mo?" paliwanag niya.
"Okay, tara na".sabi ko na lang.
Sino bang hindi mabibigla sa suot niya? Naka maikling skirt at may kaunting slit pa 'yun. Samahan pa nang polo niya na bukas ang dalawang butones kaya medyo kita ang cleavage niya at talagang agaw pansin 'yun. Kung ako nga na distract agad sa itsura niya, pano pa kaya ang ibang lalaki na makakakita sakanya.
This is too frustrating, huh?
Nang makarating kami sa parking lot tinignan ko ulit siya. Ano bang pakiramdam 'to. Siguro hindi naman siya mababastos, right?
Nang makababa kami pumanhik na agad kami papunta sa ground floor elevator.
Agaw pansin talaga siya. Kanina ko pa kita na tingin ng tingin ang mga lalaking nakakasalubong namin at talagang malagkit ang tingin nila. Nayayamot ako!
Nang makapunta kami sa office ko, agad kong kinuha ang schedule niya at humarap sa kanya.
"Si Ms. Gonzela ang mag aasist sayo team leader mo sa department niyo at.."
Lumapit ako sa kanya at binutones ko ang dalawang butones na bukas kanina at pinilit kong mas ibaba ang palda niya.
'Di siya kumokuntra sa ginagawa ko.
"Sa susunod ayusin mo ang suot na ginagamit mo para hindi habol tingin sayo ang ibang mga lalaki. Inaagawan mo pa ko!" sabi ko nang malumanay kahit kinakabahan talaga ako sa ginawa ko.
"O-Okay s-salamat... u-una nako... salamat ulit" sabi niya at aalis na sana ng pigilan ko siya sa braso.
"Hmm, bakit??"
"Sabay ka na sakin mag lunch mamaya"
Nabigla ba siya o namamalikmata lang ako?.
"Ah...Oo.. s-salamat ulit" dahan dahan niyang inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. sabay alis niya.
Masama ba ang ginawa ko ba't feeing ko parang galit siya o nahihiya o ano? Pero concern lang ako eh. At isa pa hindi ko naman siya hinaras e.
............
A/N:
Sabaw nanaman ata?. Hmm, sowwyyy namen. Nakikinig ako nang HIGA by Arthur Nery in this part asa taas paki play na langss ahihi. Basta ang hot na parang cuddle yung pinupunto ng song e. Try niyo.
VOTE PALA KAYO. Kahit 'yun na lang masaya na ako mga love!
Sensya sa late UD at sa maunting ud. Babawi ako next week pramis ahhihi. Module langsss ahhhh. Kakayanin natin 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/291102985-288-k899723.jpg)
BINABASA MO ANG
Am I Still straight?
Любовные романы"Am I still the person I once knew?" - Zyron Morzilla, a stunningly handsome gay man grappling with the labyrinth of his own sexuality. A drop-gorgeous gay man who was still confused about his sexuality. "Maybe atleast, I know you?" A woman who does...