CHAPTER 17

30 2 2
                                    


Enjoy!


THIRD PERSON POV


"ITO na ang inaantay mo Zyron! Ba't nababading ka na naman." pagkausap ni Zyron sa sarili niya hanbang nakatayo sa mismong harapan ng Apartment na sinabi sa kanya ni Chelsea.

He then decided to use his brain.. 'I need a logic explanation or whatsoever para ma overcome ang kabang nafefeel ko'

Love isn't all fun. If being with his favorite person. His love one. Kiana. Maybe, it will be nice. Kaya mas ginanahan siya at nagdoorbell na.

'Ano connect?' pag apila pa ng isip niya.

At hindi nga lumipas ang ilan pang minuto ay bumukas na ang pinto.

It's been a year nga talaga ng masilayan niya ang babaeng nambulabog sa bahay niya, buhay niya at maging sa pagkalalaki niya na ngayon ay parang gustong sumabak sa gyera. Shit... God really challenging him.

Nakatitig lamang si Zyron sa nagbukas ng pinto para sa kanya.

"What?" tanong ni Kiana na parang hele sa pandinig niya ang boses. Isang anghel na nagmula sa langit. Goddess in all God bear with me. OA

Napaka-aga pa para mabuhay ang kalamnan niya dahil sa babaeng nasa harapan niya. 

'Iba talaga ang epekto niya sakin.'

Nagpapanic na boses ang pumutol sa pantasya niya. "F-food?" alok niya at inabot dito ang pagkain na is hawak niya. "I know na magagalit ka lang if roses ang dinala ko. Alam kong sasabihin mong dapat maging practical when it comes to wants and needs." may kalituhan sa boses na turan niya. 

Hindi niya alam kung may connect ba ang pinagsasasabi niya sa sobrang ka panic. Bakit kase ang ganda nito?! 

'At bakit ba parang ambobo ko ngayon?'

"Oh tapos??"tinaasan pa siya nito ng kilay. " Paano mo nalaman ang address ko?" may pigil ang tawa na tanong niya kay Zyron.

That made Zyron silent. "T-tanggapin mo na lang 'to. Babalik na lang siguro ako b-bukas..." may himig na kirot sa boses nitong turan at binalewala ang pangalawang tanong.

(Napaka oa)

"Halatang ayaw mo naman umalis eh." mas niluwagan nito ang bukas ng pintuan. "Hindi namin ito kayang ubusin lahat. Pumasok ka na. Saluhan mo kami." Kiana make sure na casual lang ang pagsasalita niya. Kahit sa loob loob niya ay sobrang kilig na siya. 

'Jusko naman kung ganito ba kabango at kapogi ay bibigay agad siya.'

Minutes later at wala pa ding nakasunod sa likod niya na Zyron. Natanga na naman siguro.

Nilingon niya ang lalaki. "Ano? Ayaw mo ba pumasok?"

Sumunod na ito sa kanya at pareho na silang walang imik habang nasa kusina sila, at si Kiana naman ay pine-prepare ang pagkaing dala ng huli.

It was a hell silence between them when he spoke.

"May kasama ka ba?" tanong nito nang maalalang nabanggit nito kanina na hindi daw nito mauubos ang mga dala niyang pagkain.

Tumango tango naman si Kiana. "Ah oo, anak ko. Kaso tulog pa" 

Hindi malingon ni Kiana ang reaksyon ni Zyron pero alam niyang gulat ang nasa mukha nito.

Sa kabilang banda naman ay ramdam ng binata na mukhang tinakasan siya ng dugo. Namutla siya at hindi agad nakatugon.

'May anak na agad ito? Edi may asawa na ito?  Paano na siya? Pero sabi ni Chelsea pakasalan ko daw? Ambilis naman eh heto ako nag iintay pa din sa kanya. Langya naman. Napaka kupad ko ba? Sheet na buhay 'to nasaakin na pinakawalan ko pa!'

Nagkagulo na ang utak ni Zyron sa mga pinag-iisip niya. Hindi maaring may asawa na agad ang mahal niya.

Wala sa plano niya ang maging mang-aagaw o maging kabit pero kung 'yun lamang ang magiging paraan. Aagawin niya si Kiana. 

"Napaka tagal mo namang mag react?" saad muli ni Kiana sa mas casual na boses. Nag eenjoy siya sa reactions nito. "Saglit lamang at pupuntahan ko ang anak ko. Baka mahulog na sa kama. Feel at home ka muna dito." at pinuntahan nga ni Kiana ang anak niya sa kanilang silid. At duon nga ay hindi na niya pinigilan ang ngiti sa mga labi nang makita ang binata.

Halatang halata sa mukha ni Zyron ang pagkabigla at halo halong emosyon.

Nang makita niya ang binata sa harapan ng pintuan kanina ay hindi niya din alam ang gagawin sa pagkabigla. Pero parang mas malala ang huli dahil higit ilang minuto ito bago makaimik sa kanya.

Habang pinapalitan niya ng diaper ang kanyang anak ay hindi niya mapigilan isipin kung gaano nagbago ang baklang minahal niya.

Mas naging maskulado ito kumpara nuon idagdag pa na nag iba din ang porma nito ng pananamit o kaya dahil casual lang naman siguro na pumunta ito sa kanya.

Isa lang ang alam niya at kumpirmado. Muli nahulog na naman ang panty niya sa kapogian ng baklang nasa kusina nila ngayon.

Nang makalabas sa kwarto nila ay agad niya din na dinaluhan si Zyron. 

She then again wear the mask na parang walang paki sa kanyang bisita. "Tara na kumain" alok niya dito sa pinaka casual na boses.

"Ah oo sige..." walang lingon lingon na sabi na lang nito. Ni hindi man lamang nito nililingon ang anak niya. Bast0s.

Naluluha na si Zyron sa mga naiisip niyang mga posibleng katotohanan na ayaw niyang malaman. Masakit.

Mahabang katahimikan ang namutawi.

"Ano ba'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Kiana na bumasag sa katahimikan nila. 

Pinapakain ni Kiana ang anak niya ng patatas na maliliit na dala ni Zyron. Yun lamang kase ang pwede nitong kainin sa mga dinala ng binata.

Tumikhim ito. "Aangkinin ka sana ulit." wala sa isip na sabi ni Zyron.

Nasamid si Kiana na kamuntikan na ding ikahulog ng anak niya sa bisig niya.

Inabutan siya ng tubig ng binata. "Tangina naman Zyron! Wag ka naman nambibigla ng ganun! Alam na may hawak na bata yung tao e!" mura pa nito. 

"Eh yun naman talaga ang totoo eh. Aangkinin kita ulit. Kung pwede liligawan na kita o kung ayaw mo naman sapilitan na kitang ipapakasal sakin! This time gagawin ko na ang makakaya ko. Lahat lahat. And also, I can be the father of that child... Then gagawin na natin yung sinabi mo na madaming anak." overreacting na sabi ni Zyron.

Nabigla man si Kiana sa mga pinagsasabi nito pero mas nanguna ang pagtawa niya. Hindi lang talaga niya akalain na mas naging open na ang mga salita nito patungkol sa nararamdaman niya.

"Huwag mo naman akong tawanan. Seryoso ako eh. Baka rin mahulog yang anak mo, kakatawa mo." May pag nguso pa itong nalalaman. At nang oras na lumingon din siya ay mas naging pamilyar na ang batang hawak nito na nasa bisig ni Kiana.

"Siya ba yung hawak ni Chelsea kahapon na baby--" 

Natigil lang ang pagtawa ni Kiana at ang mga sasabihin ni Zyron nang may nagbukas ng pinto nila at nagsalita. Alam niya na kung sino ito. Pero hindi niya alam na ngayon ito dadalaw.

"Kiana! Ang baby ko nasaan na? Andito na ang kapatid niya! Para mag play na sila. It's been a month nang makauwi kami. Where is she?" si Atty. Allen habang papunta na sa kanila.

Napamura si Kiana sa kanyang isip. Shit naman na buhay 'to. Ipapakilala ko na sana ang anak namin eh!




----

I'm sorry for the short and slow update.. Love you! Have mercy on me! College life is f*cking so well eh AHAHAHAA

See you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Am I Still straight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon