Kiana' POV
Argh shit ito ang mahirap, eh, pag nag-inom hang over ang kalaban sakit ng ulo ko. Ba't kase binuksan agad ang ilaw. Punyeta naman eh!
Bumangon ako at mumukat mukat pa. Parang ang sakit pa ng balakang ko.
Pagka dilat ko nang mata. Punyemas kaninong bahay 'to? Jusmiyo naman. Asan ba ako? Napabalikwas ako nang mabilis ng may gumalaw sa tabi ko. Putek lalaki? Tiningnan ko agad ang suot kong damit. Shocks iba na! Diba naka jumper ako kagabi? What the hell just happened last night?.
Nag isip ako ng mga nangyari kagabi pero punyemas walang pumapasok sa isip ko. Wala akong maalala. Binugaw na ba ako nina Chelsea? Nag pa bugaw naman ba ako? Ah Ah
"Waaaaaahhh" sigaw ko, 'di ko talaga alam ang gagawin ngayon. Sino tong katabi ko? Nakipag one night stand ba ko? Pero 'di naman masakit ang paa ko? Pati diba sa mga story lang nangyayari 'yun. Nasa real word ako! Duh!
"Ano ba?! Ang ingay mo! Natutulog pa ko 'o." sabi ng lalaking katabi ko at bumalik pa sa pagtulog. Aalis na ba ko? Asan ba mga gamit ko? Takte naman 'o.
Bumalik ako sa kama at ginising yung lalaking mukang tulog na naman. Mag wawala ba ko para masaya at magising talaga siya?
"Hm, hey, mister. Gusto ko na umuwi, pwede mo ba sabihin kung nasan ang mga gamit ko?" tanong ko habang inaalog alog siya. Hindi talaga kumikibo eh!
Mumulat siya at humarap sakin at ngumiti. What the fuck ba't siya ngumiti? Manyakis siguro 'to.
He smirked. "Akala ko ba dito ka na titira at gagawing asawa ako at mag kaka anak tayo ng 8 dahil pinalayas ka sa inyo at wala kang matitirahan ngayon? Dahil nga sa ayaw sayo ng step mom mo at kalilibing pa lang ng daddy mo ba o itay?" he grinned. Mahabang litanya niya at nabigla ako 'dun ng sobra. Sino nag sabi sakanya. Kamag anak ko ba siya?
"Pano mo nalaman?" tanong ko sa pahina nang pahinang boses. At bakit may pa ngisi?
"Actually i don't wanna hear it because i think its really serious matter to you but, ikaw mismo ng nag kwento kaya anong magagawa ko. It's your case at nakinig lang ako. Lasing pa! Kakainom mo 'yan" Pagka sabi niya 'nun tumayo siya at mukang papalapit sa may drawer malapit sa higaan lang. 'Yung mga gamit ko yung kinukuha niya.
I don't know what to say 'din dahil ako naman daw ang nag sabi. Okay lang siguro 'yun. Aalis ba ko? O tanggapin ko na lang din yung offer na ako ata talaga ang gumawa. Kumbaga take apportunity na 'yung sinabi kong yun kagabi. Nahihiya na kase ako kina Chelsea makitira.
"O, ito na yung gamit mo kung aalis ka na. At if ever na aalis ka please paki lock ng pinto. Tutulog ulit ako. And girl. Lalaki din hanap ko e. I'm not into like you duh." saad niya at bumalik sa pag higa.
Nag iisip muna ako bago gumawa ng desisyon. Aalis na lang ba ako talaga? At isa pa advantage din siguro yung pagiging bakla niya para mag stay ako.Bakla ba talaga siya medyo malandi e. Mahirap makahanap ng apartment ngayon at mukang tanghali na at gutom pa ako. Ano bang dapat kung gawin ah. Alam ko na.
Mag hahanap ako ng mga part time job at permanent job tapos babayad na lang ako dito kesa bumalik 'dun sa bahay ng puro masasama ang ugaling tao. Sa bahay ng step mom ko ah maganda sina CHELSEA. Kung papayag lang siya sa magiging alok ko na dumito muna at... "Ano? 'di ka pa ba aalis. GO!" sabat niya sa pag iisip ko.
"Ahm, ano. Pwede bang dito muna ako makitira. Don't worry ako ang mag aayos ng bahay mo at magbabayad ako promise." sabi ko at taas ng kanan kong kamay tanda ng pag panata.
"Sure ka?" tanong niya na may ngisi sa labi. Hala meron pa ba akong nagawang katangan kagabi o nasabi? Iniisip ko, putek wala talaga akong maalala.Dagdag sakit pa sa ulo ko takte naman o. "Diba love, may sinabi ka 'din sakin kagabi na pag andito ka na ipapakilala mo akong asawa mo sa step mom mo para mas maasar siya sayo, love?". sabi niya na may boses na ginagaya ata ako. Ako ba talaga ang may sabi 'nun? Memories are flashing back, shit!
"Pwede bang kalimutan na lang natin 'yung kagabi? Please? Bukod sa 'di ko matandaan parang tangang pina ulit ulit mo pa. PLEASE STOP KASEE!". 'di ko na alam na nag mura na pala ako. Bahala na kung papaalisin talaga ako edi go.
"Love naman, first away ba natin 'to?" asar na naman niya. Okay aaliss na talaga ako. Tatayo na sana ako nang magsalita ulit siya. Nakatalikod na ako sa kanya, "Sige cool ako sa offer mo, kahit mag linis na lang ng bahay ko tutal wala naman akong kasambahay." saad niya na nag pangiti sakin. Nice one baby.
Humarap ako sa kanya with a gorgeous smile. " But i insist na magbayad sayo". sabi ko sabay lahad ng aking kamay. "Kiana Morgan nga pala, gutom na ko kaya mag luto ka na! Linis lang ang usapan, kaya please gusto ko na mag almusal slash tanghalian at tutal hapon na slash dinner na 'rin, love" balik asar ko 'din sa kanya.
"Sige papalagpasin ko yang pang aasar na 'yan. At mag luluto na 'din. Tutal mas mukha ka na mang lalaki sakin, at mas lamang ang ganda ko sayo, LOVE." sabi niya at kumaripas ng takbo papuntang kusina siguro para mag luto. "Ayusin mo yang hinigaan ah. Tas mamaya sa guestroom ka na mag ayos ng gamit mo. At mag lipat ka na mamaya. Sobrang swerte mo naman kung tatabi ka ulit sakin" sigaw niya at rinig kung humagikhik pa siya. Confirmed bakla nga.
Katulad nga ng sinabi niya. Inayos ko ang kama at tinawagan ang kaibigan ko na si Chelsea para makuha ko na ang gamit ko sa bahay nila. Dalawang araw 'din akong nakitulog sa kanila. Dahil nga pinalayas ako ng aking madrastang ina. Parang mala Cinderella story pero, hindi kagaya ni Cinderella na nakakatulog pa rin sa bahay nila at may fairy god mother, ako kase pinalayas.
Hindi ako malapit sa Daddy ko o "itay" minsan ang tawag ko dahil nasanay ako sa lolo ko 'din na pumanaw na kasunod ng lola ko. Namatay naman ang ina ko nung pinapanganak pa lang ako. Wala akong ganung kilalang kamag anak at halos lahat ata ng mga angkan ng mama ko at daddy ko ay mga nasa ibang bansa. Kaya wala talaga akong mahingian ng tulong. Yung shares o pamana na iniwan naman ni Daddy ay kakarampot lang mga 175k na halos kalahati nagastos ko na at ang iba inenvest ko sa online companies na medyo mataas ang palitan. Pinapirma din ako ng step mom ko sa kontrata na sabi niya para sakin daw 'yun pala para mapasakanya ang pera na dapat sakin. Na pera ni Mama na pamana sakin. Ang gulo ko ba?
Kailangan ko na talagang mag katrabaho kahit fresh from college graduate palang ako. Kaya ko naman siguro dahil BSBA- Accountancy naman ang natapos ko. Pasok naman sa pagiging employee or pag aacountant or business plan sa ibang company yung nigraduate ko nang 'di na mamalayan at himalang na ipasa ko. Madali lang naman talaga napili kong course Madali lang parang kagat lang ng dinosour.
"Hoy, ate ghurl ano 'di ka naman gutom sa lagay na 'yan." nabigla talaga ako sa pag sasalita niya nang biglaan mula sa tapat ng pinto. Kitang nag dadialogue pa ko e.
"Tara na nga love. Kain na tayo. Kainin mo na 'rin ako." asar bawi ko sa kanya akala niya ah. Buti na lang talaga pinayagan niya ko dito muna tumira if ever sa'n kaya ako pupulutin.
Dinaanan ko lang siya at nag padala sa amoy ng mabagong aroma ng pagkain papuntang kusina. hmm.
A/N;
O kalmahan niyo alam ko medyo parang sabaw pero marami akong info na ibinigay dito. At sana willing pa rin kayo na mag hintay sa next UD. lablab mga Love. Btw, time check already 2:46 ko 'to na tapos with mumukat mukat eyes. And im sstill happy with that. Sanay na ata.
PS: medyo matagal ang next UD kaya stay tune mga love. Tanong ko pala okay lang ba ang endearment na love? i felt cringe and cute with it at the same time e. Punyemas. Ahahha.
(memories saved sellf)
BINABASA MO ANG
Am I Still straight?
Romantik"Am I still the person I once knew?" - Zyron Morzilla, a stunningly handsome gay man grappling with the labyrinth of his own sexuality. A drop-gorgeous gay man who was still confused about his sexuality. "Maybe atleast, I know you?" A woman who does...
