CHAPTER 18

179 7 0
                                        

Enjoy reading.


THIRD PERSON POV

HINDI agad nakapagreact si Kiana sa sitwasyon niya dahil mukhanag pinagsakluban ng langit at lupa na si Zyron na anytime ay magliligalig na din.

Pero laking gulat nito ay casual lamang itong tumayo at humarap sa kanya. Mukhang magpapaalam na.

"Kiana, aalis na ako. Babawi na lang siguro ako next time" pagkasabi nun ay agad din itong tumalima paalis.

At dahil nga nakaupo na siya at may hawak na bata ay hinayaan na lamang niya itong magtuloy tuloy na umalis.

"Sige, Ingat ka! Thank you sa pa' food!" pahabol na lamang niya na sigaw. Muli ay natawa siya sa mga naging reaksyon ni Zyron.

Ang akala pa naman niya ay magwawala ito at magsisisigaw kagaya ng dati nung nag talo sila pero, sa pagkabigla niya ay kalmado lamang itong nagreact, na ikina tuwa talaga niya.

Sa kabilang banda naman ay ang gulat na si Allen. Dumaan sa harap niya si Zyron at masama pa ang tingin nito sa kanya. Dinaig pa ang uwak sa sama ng tingin.

Dapat magalit siya sa kilos ng lalaki pero gaya ni Kiana ay nakuha din siya sa kapogian ng Binata na talaga namang ikinagulat niya. Kahit sinamaan na siya nito ng tingin ay talaga namang sige pa din ang hormones ng kanyang kalandian. Panty ingatan.

At nang makalampas na sa kanya si Zyron ay doon lamang natauhan si Allen at dali dali naman siyang pumunta sa kanyang kaibigan na tinuring na din niyang kapatid sa tagal ng panahon.

"Oh, anong balita?" bungad ni Allen kay Kiana. 

Alam na alam ni Kiana na magtatagal ang baklitang ito para chumismis sa lovelife niya at itama ang mga desisyon niya sa buhay.

"Kayo na ba ulit? Kailan pa? At bakit niya nalaman ang bago mong address? Hindi mo ba pinaprivate ang info?" sunod-sunod na tanong pa nito. Halatang halata sa kachismusahan.

Tumatawa na lamang na sumagot si Kiana. "Kalmahan  mo naman ang bibig mo Attorney. Ikaw na nga nambulabog sa moment namin. Sayang eh!"

Minutes later bago niya nasagot ang bagong bwesita dahil nga natatawa pa siya sa kaganapan na nangyari sa apartment niya.

"Ang balita ay, two days ago kami lumipat ng anak ko dito. Next is, wala pang kami ulit ni Zyron kahit dati pa naman wala din. Nagkangkangan lang at nagpatira sa isa't isa" biro  pa niya at binulong lamang ang huling mga salita na sinabi niya.

"Tapos?" asik pa nito.

"Hindi ko alam kung bakit niya nalaman ang address ko. At wala na akong balak i-private pa ang address namin ng anak ko. Nahihirapan na din kase ako na parang itinatago ko ang anak ko o kami ng anak ko. Idagdag pa na gastos nanaman." umihip ata ang hangin at naging seryoso si Kiana.

Allen agreed to what she just said. "And what about dun sa plano mo?"

Umayos siya ng upo at humarap ng mas maayos sa kausap. "Okay na kami  ng kapatid ko at ni Mama. Trabaho na lang siguro at pag amin kay Zyron na kabahagi niya ang anak namin na 'to" nguso pa niya sa anak niya.

 "Aba tama yan! Tamang desisyon!" Pumalakpak bigla si Allen at doon nabigla ang anak niya na pumapalakpak din habang humahagikhik. Kay naman napuno ng tawa ang loob ng kusina.

Nang matapos na silang kumain at maayos ang pinag kainan ay agad din niyang dinaluhan ang bisita.

Hindi naiwasang mapansin ni Allen ang saya sa mukha ni Kiana. "You look happy ha, Kiana. Hindi pa nadidiligan pero parang naka first base na agad ang itsura mo ha! Kurutin kita sa singit eh!" biro sa kanya nito ng makaupo siya sa katapat nitong sofa.

Tanghali na at napatulog na niya ang anak niya.

"Hoy, hindi ha. Normal 'to." pa humble pa niyang turan

Inirapan siya nito. "Ulol ka. Tigilan mo yang pa ganan mo. Nakakasura sa paningin." muling pang aasar pa ni Allen.

Umikot ang mata niya dito. "Ikaw ang mag tigil." Naalala niya bigla yung nangyari ulit kanina. "At anong pinagsasasabi mo kanina?"

Takang tumingin naman sa kanya si Allen.

"Alin sa mga yun?"

"Umayos ka Allen! Yung sinigaw mo pagkapasok. eh wala ka namang kasamang anak. Nasaan ba ang asawa mo?"

Wala sa sariling napatanga si Allen. "Ah yun ba? Tunay naman na maglalaro ang mga anak natin. Susunod sila dito kasama ang Daddy niya at si Sam." patukoy pa niya sa asawa at sa anak na lalaki na two years old na.

"Magpaliwanag at magsorry ka kay Zyron ha. Baka na misunderstood ng tao na yun ang pinagsasabi mo. Malilintikan talaga ang buhay ko at mga plano ko." mahinhin niya pakiusap.

"Oo gagawin ko. Tuloy niyo na yan ha! Tama na ang pull and push. And be honest na din ikaw. Baka mamaya same mistake na naman ang magawa mo." pangaral pa ni Allen.

Sumang-ayon naman siya dito. "Syempre, ayoko ng maulit ulit yun."

At nagchismisan na sila tungkol sa iba't ibang bagay at kung sino sinong tao. Natapos ang araw nila na may bagong chismis at ngiti sa mga labi.

'Sana ibigay na talaga sakin ni Lord si Zyron'





SA KABILANG banda naman ay si Zyron na masama ang loob dahil sa nasaksihan sa bahay ni Kiana. Tunay na nakakatampo dahil hindi man lamang siya pinigilan ni Kiana na umalis. Hinayaan lamang siya nito. Nakakatampo talaga. Parang 'di nagsama. Hmp

'Pero ginusto mong umalis agad' pag iisip niya sabay buntong hinga.

Sa bagay desisyon naman niya ang umalis. Pero nakakabaliw kase para sa kanya na baka may ginagawa ang mga ito sa apartment na hindi maayos para sa kanya. Pero hindi dapat siya mag isip ng ganon dahil wala namang sila ulit, ni Kiana. Wala pa siyang karapatan. At sigurado siyang hindi yun gawain ni Kiana.

'Dapat akong mamatay sa pag iisip ng ganun tungkol kay Kiana.' pagsa-OA.

Ang mahalaga sa ngayon ay alam na niya kung nasaan ang babae at aalamin pa ang mga ginagawa nito. Gagawin niya ang lahat makuha lang pabalik si Kiana dahil, kahit anong mangyari alam niya sa sarili na, sa kanya lamang nababagay si Kiana.

'Sa kanya lang. Sa akin lang.'

Nang mapuntahan niya ang destinasyon na gusto niyang puntahan ay bumaba na agad siya ng kotse.

"Andito na ba lahat ng performer na ni request ko?" tanong niya sa bumungad sa kanyang staff.

"Opo, kayo na lang po talaga ang iniintay. Ready na din po sila." 

Nginitian niya ito. "Thank you. Lead the way ng masimulan na din natin ang ganap." sabi pa niya at nagpatianod siya sa kung saang kwarto siya dadalhin ng staff na 'to.

Napapantastikuhang tumigin siya sa mga tao na makakasama niya at maging sa paligid na pag iistayan niya ng mga ilang buwan. This plan needs to happen successfully.

"We will guide you sir, in everything you need po."

At sa sinabing yun ng mentor sa loob ng kwarto na yun ay alam niyang may maganda siyang patutunguhan sa mga planong binabalak niya sa isip. 

Pasalamat talaga niya sa kung sinong tao ang nagbigay sa kanya ng letter at binigyan siya ng ganitong idea.

I'm too determine to be by her side. In all cost, I'm in. Wait for me Kiana and i'll make our future intertwined.





--------

Love you! See you!

Am I Still straight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon