NAPATIGIL siya sa pagmamaneho nang may mahagip ang mga mata niya. Umawang ang labi niya at nabigla sa nasaksihan. May ibang lalaking kausap si Kiana. Dati ba niyang jowa 'to?
No! Hindi naman siguro?
I-pinark niya sa parking space ang kotse niya at dumertso papasok sa coffee shop.
Nang mabuksan niya ang pinto ay agad siyang nabigla sa narinig mula sa bibig ni Kiana.
"Salamat at mahal mo din pala ako" mga salitang binigkas nito.
Huminga siya nang malalim, saka pinilit na inihakbang ang mga paa palabas ng coffee shop. Pagkapasok sa kotse ay napatulala siya at may kung anong naramdaman sa dibdib niya.
And why the fuck was he acting this way? Wala siyang karapatan? At higit sa lahat parang biro lamang ang pagsasama nilang dalawa.
Hindi na siya magtataka kung bakit nito naturan ang mga salita nuong una nilang pag kikita at pag uusap. Maybe may kinakasama na talaga ang babae nuon pa lang at napagkamalang siya iyon?
Tinigil niya na ang pagiging lutang at agad na umalis duon at hindi na lamang siya dederetso sa Bahay nila.
'No. Bahay ko!'
Tinawagan niya ang dalawang bading na kaibigan habang nagmamaneho. Kailangan meron akong makausap ngayon bago si Kiana ang kausapin ko.
"Yes, baby boy?" pagsagot nito sa tawag.
"Andy, I need a friend today." 'yun lamang ang sinabi niya at pinatay na ang tawag. Nag usbong ang sakit sa dibdib niya at hindi na napigilan ang kani-kanina pang nagbabadya niyang mga luha.
Akala niya ay may something na sa kanila ni Kiana? Akala niya may tatanggap na sakanya kung ano siya. Akala niya ito na ang babago sa kanya. Mamamatay nga talaga ako sa akala lang.
Nang makapunta na siya sa building ng condo ni Andy ay nagpahid muna siya ng luha bago umakyat.
Mukhang nasa tamang panahon talaga ang tadhana at nakita niyang papaakyat pa lang din si Mage sa room ni Andy.
Hindi niya na napigilan at dali dali din siyang sumakay sa elevator at duon ay marahan uling umiyak. Para siyang kawawang bata na walang imik na naiyak sa harapan ni Mage.
"Oh? Ba't ka nag liligalig?" tanong nito na iiling-iling. " Sinasabi ko sayo, kung lalaki yan marami akong irereto sayo. There's so many merman in the sea bakit sa mga shokoy ka ata pumapatol" turan nito na may himig na pang aasar pa.
"Yun na nga, eh, maraming merman sa dagat pero sa siren ako nabihag!" pagkasabi niya nuo'y mas humagulhol siya nang makita ang disgusto sa mukha ng kausap.
"You need a doctor na! Tahong na ang nais mo? HIndi na talong?" tumango siya bilang pagsang-ayon ditto. At sinabayan na nga siya nitong mag drama.
Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamanag floor na sila ay agad nilang tinungo ang room ni Andy.
Nang akmang magd-doorbell na sila ay bumukas ang pinto at may babaeng lumabas mula dito at dumaan nang mabilis sa harapan nila. 'Yung part timer sa shop ni Andy?'
"Bakit may tahong din dito?" maarteng reklamo ni Mage. "Bakit napapalibutan ng sirena ang sang kabaklaan? Iiyak na talaga ako!" Eskandalosang turan pa nito bago pumasok sa loob ng condo unit ni Andy.
Pagkapasok ay pasalampak siyang naupo sa sahig na katabi ng sofa. Mas komportable siya sa bandang 'yun.
At dahil nga sa baliw ang kaibigan niyang si Mage ay nagsisigaw ito sa unit habang hinahanap si Andy.
![](https://img.wattpad.com/cover/291102985-288-k899723.jpg)
BINABASA MO ANG
Am I Still straight?
Romansa"Am I still the person I once knew?" - Zyron Morzilla, a stunningly handsome gay man grappling with the labyrinth of his own sexuality. A drop-gorgeous gay man who was still confused about his sexuality. "Maybe atleast, I know you?" A woman who does...