CHAPTER 08

294 11 0
                                        

Kiana's POV

Shit! Ansakit nang parteng 'yun. Ano bang klaseng deck 'yun? Pang supalpal? Sobrang sakit nang katawan ko! Grabe! Ilang beses ba naming ginawa?

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Isang masamang pahiwatig 'to.

Lumingon ako sa kaliwang parte ng kama.

Ang baklang 'to ba talaga ang gumawa ng bagay na yun? Pag iisip nanaman kung paano malulusutan ang nagawang ito.

Yung mga pinamili pala kahapon! Aayusin ko na at makapagluto na rin ng agahan. Sure na ang baklitang 'to gutom na. Idagdag pa na may trabaho kami pareho ngayong araw.

Paika-ika akong naglakad papuntang kusina. At tumungo agad sa harapan ng ref.

"Shit kung malalaman 'to ni Chelsea, sure na nasapak na ako nun nasumbong pa kay Tita" bulong ko habang nag papatas na nang mga grocery.

Pagkatapos kong maayos ang mga pinamili ay agad din akong nag luto ng agahan. HIndi ko pa gaanong alam kung anong gusto ni Zyron, kaya kung ano na lang ang madaling lutuin ay siyang lulutuin ko.

Hindi din nagtagal ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan hudyat na gising na nga si Zy.

"Ang aga mo naman magising?" tanong niya habang papalapit sa lamesa.

Halatang nakaligo na siya at coat na lang ang kulang sa susuotin niya na maaring nasa kwarto pa..

"Ah yes, nakalimutan ko kaseng ayusin itong grocery natin." pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at kunwari'y hinahango na ang niluto ko. Ramdam na ramdam ko kase ang pamumula ng mukha ko.

"Oo nga pala. Pasensiya na hindi na kita natulungan" sabi niya habang nakatalikod pa din ako. "Gusto mo tulungan kita?" rinig ko agad ang pag usog ng upuan. Kaya nag panic ako.

"No need, kaya ko na 'to, mabilis lang naman 'to"

Pagkaharap ko ay nasa harapan ko na din siya. Halatang nagulat din siya, kaya ako na ang nagkusang I-abot sa kanya ang mga platong hawak ko.

"Oh ayan na ha" sabi ko at pumwesto na din ako sa kaharap na upuan niya.

Bale for 4 people ang lamesa pero mas pinili kong sa kaharap na lang niya para hindi kami gaanong magkalapit. Ramdam pa din kase ang tension between us, kaya mas mabuting medyo umiwas tayo.

Umupo na din siya sa harapan ko at nagsimula na nga kaming kumain hanggang sa siya na din ang umasag sa katahimikan sa kalagitnaan ng umagahan namin.

"Im going first kase may meeting akong dadaluhan and contract na I-aapprove outside the company, kaya I can't accompany you papuntang office" sabi niya nang walang lingon lingon.

Nagsisimula na naman tong baklang 'to sa attitude niya!

"Go lang, magcocommute na lang ako" hindi naman siguro ganung kahirap ang commute papuntang office.

"Syempre? Alangang lumipad ka diba?" tunog sarcasm ang boses nito. May kakaiba sa kilos niya o sa mata niya na hindi ko maintindihan pero hinayaan ko na lang.

"Try ko next time" pag sabay ko na lang sa kalokohan niya.

Inirapan niya na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Katulad nga nang sabi niya ay umuna siya sa pag alis at naiwan nga ako. Maaga pa naman kaya niligpit ko muna ang pinagkainan at naglinis bago gumayak papuntang office.

Medyo masama ang pakiramdam ko pero, kaya pa naman.

Mukang malalate ako dahil mahirap pala mag jeep papuntang office. Bukod sa hadya pa maka sakay ng jeep ay madami kang kaagaw sa jeep. Kaya ramdam mong halfbutt lang nakaupo sa pwesto ko. Halata ding manyakis nasa harapan ko.

Jusko naman! Kung nandito lang talaga Tatay ko edi sana ayos ayosn pa buhay ko? Having a father like him is like buhay prinsesa ka. But then, wala eh kinuha agad ni Lord. Ang damot kase nang kapalaran!

At sa wakas, kahit hindi naging smooth ang byahe ay malapit na sa waiting shed sa office naming kaya, dali dali akong bumaba at hinayaan na ang kirot nang parteng 'yun pagkababa ko.

"Shit" mura ko dahil masakit nga. Napuruhan nga talaga ata ako kagabi. hahaha

Lumipas ang buong maghapon na hindi ko nakita si Zyron sa opisina. Wala pa din yung binabanggit nila na mentor na dapat kahapon ko pa na meet. But then okay lang naman siguro na tomorrow or sa next day. Hindi ko sure kung bakit pero mukhang iba ang pakiramdam ko ngayon. May sakit ata ako.

"Ms. Morgan? Mali po yung audit na naipasa niyo po saakin. Yung another one po this month" lumapit sakin si Xyriel na may hawak na mga papel.

"My bad, sige send ko uli--" natigil ako sa pagsasalita nanng hawakan ako nang kaharap ko sa noo.

"Ate Kia. may sakit ka po ba? Ayos ka lang?" rinig mo ang pag aalala sa boses niya.

May sakit ba ako? Baka nga? Dahil siguro sa pagod. Wala pa akong matinong tulog, o pahinga. Shit naman o.

"Maybe meron nga" sabi ko at marahang inalis ang kamay niya sa noo ko. "It's fine Xy, pagkasend ko din ng mga file na kailangan mo, deretso uwi na rin ako" pagpapakalma ko sa kanya, na mukhang umepekto naman.

"Sige po. Pero want niyo po ng gamot? Ikukuha ko po kayo sa clinic?" turan pa niya at mukang decided na kukuha nga. Feel mo talaga ang pag aalala eh.

"No need na talaga. Thank you! Mag e-early out na lang ako tutal 4pm na naman" sabi ko na lang at umalis na siya sa tabi ko. Halatang may gusto pa siyang sabihin pero tumahimik na lang siya at tumango.

After ko ngang maipasa sakanya ang tamang file na kailangan niya ay, gumayak na ako at dumeretso na ulit pasakay ng jeep at naranasan ulit ang kalbaryo katulad kaninang umaga.

Mukang mas nadagdagan ang sama ng pakiramdam ko dahil sa byaheng yun ah.

Pagkauwi ko ay agad akong nahiga sa kama at hindi na nakapagpalit ng damit. Naliliyo na ako. Nagkumot agad ako dahil ramdam ko na nilalamig ang katawan ko. Lagnat na nga siguro 'to. Kailangan ko talaga nang pahinga,

Ni hindi ko alam kung nakauwi na din ba si Zyron, basta ang alam ko ay nakatulog agad ako nang walang kain. Binigay na siguro 'to para magpahinga ako.

Lumipas ang oras at ramdam kong may kung anong dumadampi sa katawan ko. Minamanyak na ba ako? Wag naman sana kase wala akong kalaban laban.

"Hindi mo naman ako in-inform na may sakit ka pala?"

Yun lamang ang narinig ko bago talaga ako kinain ng sobrang lalim na antok.

-----

A/n:

Let's try to fix this story.. Im in college na pala So sorry sa 3 years na pagaantay bago ulit maka update. Nasira phone ko noon at nawala halos lahat nang draft na ginawa ko. So that's why nawala ako dito. But then, im glad im back!

Am I Still straight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon