THIRD PERSON POINT OF VIEW
MATAPOS ni Kiana na makipag-usap sa attorney ay agad din siyang umuwi para agad makwento kay Zyron ang good news na pamana sa kanya. Ilang oras na lang din naman ay uuwi na nga ang binata at balak niyang antayin na ito upang makapag dinner sila nang sabay.
Masayang siyang nakauwi at pagdating nga ay agad din siyang naghanda ng hapunan nila. Pasayaw sayaw pa siyang nagluluto at kung minsa'y kumakanta din. Lumipas ang mahigit ilang oras at wala pa din ang kanyang boss.
'Baka may in-attendan pang mga meeting? Over time siguro.' pangungumbinsi niya sa sarili.
Minabuti niya na lang na mag antay pa ng ilan pang oras sa kusina. Nagugutom man ay mas minabuti niyang mag antay pa.
"Nasaan na kaya ang bading na yun?" bulong niya sa sarili. Nang malapit nang mag alas dose ng gabi ay kumain na nga siya dahil ilang beses nang kumalam ang tyan niya.
'Abort sa plan A. Plan B tayo, aantayin ko na lang siyang makabalik.'
An hour passed at wala pa din kaya, minabuti na lamang niyang I-text ito kung nasaan na. Ngunit ang bading ay hindi man lamang nag rereply kahit isa. Palakad lakad siya sa kanyang pwesto habang hawak pa din ang phone niya.
'Tawagan mo na kase!' himig ng maliit na boses sa utak niya.
Kinalma niya ang sarili. "Tama! Tatawagan ko na lang nga ang bading na yun!" pagkasabi niya nga ay tinawagan niya nga agad ang number nito. Kinalma niya agad ang sarili.
Two rings and someone answered. Kiana was expecting a voice na kay Zyron but ibang bading ang sumagot sa kanya.
"What?... Andito siya sa Condo ko! Yes... Yes... Were having sex! And girl! You're disturbing us!" sabi nito sa parang lasing at malanding boses. She pressed her lips together, para walang makatakas na hikbi sa kabilang linya. "You know, patayin ko na 'to! Bye-" ito na din mismo ang nagbaba ng tawag.
She's not expecting something like that. Nag intay siya ng mahigit limang oras sa lalaking yun. Tangina naman! Nag alala pa siya dito pero nakikipag sex lang sa ibang lalaki! Pakshet siya!
'Grabe namang sakit sa puso ng hayop na 'to! Nag alala ako eh!'
Ano pa nga bang magagawa niya? Bading ito simula pa nung una. Anong magagawa niyang parang naging testingan lang siguro dahil sa pagka curious?! Akala niya may something na sa kanila ng lalaki? Pero mali pala talaga ang mag akala, nakaka matay.
Bumuhos ang iba't ibang emosyon na maging siya ay hindi alam na may mga ganun pala siyang nararamdaman. Luha na lamang ang naging sandalan niya upang kahit papaano ay mawala ang sakit.
Isa lang ang alam niyang dapat gawin para hindi na lumala ang nararamdaman niya kay Zyron. Kailangan na niyang makaalis sa bahay na 'to! Tutal may pamana na naman sa kanya na lupa at sariling bahay na pag mamay ari na talaga niya.
Hindi na pwedeng madagdagan pa ang mga panahon na magkasama sila ni Zyron kung ganitong masasaktan lamang siya.
'Tama! Aalis na ako sa bahay na 'to. Bukas na bukas agad!'
Hindi niya ugali na umalis na lamang nang walang ginagawa o walang masabi ang bunganga niya. At isa pa dun din naman ang tungo ng pagsasama nila. Hanggang sa sarap at pakilig lamang siguro. Free trial kumbaga.
Natulog na siya pagkatapos niyang maligpit ang hinain na pagkain kanina. 'Sayang lang sa effort!'
'Bukas na bukas din aalis na ako sa pamamahay na 'to! Gago! Free trial lang pala! Wala pa palang subscription na naganap!'
BINABASA MO ANG
Am I Still straight?
Romance"Am I still the person I once knew?" - Zyron Morzilla, a stunningly handsome gay man grappling with the labyrinth of his own sexuality. A drop-gorgeous gay man who was still confused about his sexuality. "Maybe atleast, I know you?" A woman who does...
