CHAPTER 15

215 8 0
                                        

Malapit na siya mag end, i guess? AHHAAHA. Well i'm glad na nasusundan ko na yung story na gusto ko AHAHHA.

Enjoy!



THIRD PERSON POV

"MISS Kiana Morgan." tawag pansin sa kanya ng nurse.

"I'm here na po" sabi niya habang hinihingal dahil nga sa galing pa siyang bahay niya para maayos ang mga gamit nila pabalik sa Maynila.

It's  been a year and a half at gusto na niyang kahit papaano ay makita sila Chelsea at Tita Rachel dahil ilang beses na siyang kinukulit ng mga ito na dumalaw pa Maynila. And she took the courage kase kailangan na din niyang makahanap ng mas stable na trabaho lalo na't iba na ngayon ang sitwasyon niya.

Nagkaanak na ang Atty na tumulong sa kanya. Nag pa IVF sila ng partner niya to have a baby. And she's really happy for them. Idagdag pa na super pogi at cute talaga ng baby ng mga ito.

The Atty give her a chance to survive ng sobra sa nakalipas na taon. Also, sila Chelsea at Tita Rachel give her help and moral support na din na hindi niya malilimutan. Hindi din niya alam kung bakit may mga buwan na may nag iiwan ng rosas at pera sa tapat ng bahay niya pag walang wala na talaga siyang pera.

Nakakapagtaka pero kinukuha niya 'yun at tinuturing na lamang na blessing in disguised dahil ayaw niya na umasa pa na ang lalaking mahal niya ang gumagawa noon sa kanya.

Lumapit siya sa kwarto na tinuro ng nurse. "Simpleng lagnat lang naman po at pag susuka ang nangyari. Wala na po kayong dapat ikaalala dahil dinala naman po ninyo agad siya ng mas maaga sa ospital kaya naagapan din po agad." turan ng Doctor na kausap niya.

"Sure na po ba kayong pwede na siyang lumabas? Wala na bang dapat i-check?" 

"Opo, naibigay na naman po ang reseta para po sa kanya. At na test na naman po ang mga dapat na ma-i-test." tugon nitong muli.

Tumango tango siya at tiningan ang bata na nasa higaan at mahimbing na natutulog.

"Sige po doc." pag paalam niya dito. "Ako na po ang bahala sa kanya." sabi naman niya sa nurse na nagbantay din sa loob ng kwarto.

"Pwede niyo na po siyang i-uwi within the day kase bayad na po ang bill ninyo."

Duon siya nabigla at napaharap muli sa Doktor. 

"Ano pong sinasabi niyong bayad na? As far as i know po, wala pa po akong nabibitaw na pera" may himig pagtataka na sabi niya dito.

"May dalawang mag asawa po na nagbayad sa bill niyo." mukhang nagmamadali na ang doctor at nag paalam na din agad sa kanya.

'Anong kagaguhan nanaman ang nangyayari sa kanya?'

"Who the hell? Na naman? This is too much." nasabi na lamang niya.

Dapat pasalamatan o kahit malaman man lamang niya kung sino ang nagbayad ng bill nila. Dahil ilang beses na itong nangyayari sa kanila. Hindi na ito basta coincidence lamang for her.

Pupunta siya sa security team para kahit papaano ay matanong kung may cctv ang mga ito ngunit bago pa niya magawa ang balak gawin ay may mga kamay ang dumampi sa braso niya.

"M-ma" tawag pa nito sa kanya. May mga maliliit itong mga kamay pero magtataka ka kung 10 months old nga ba ito dahil sa mataba ito na mas i-kina-cute nito kaya masarap panggigilan.

"Oh hello po baby ko!"nilapitan niya ito at tinabihan sa kama. "Ayos na po ikaw?" tanong niya dito.  

Hindi pa ito agad nakakapag salita pero kahit papaano ay natugon tugon na rin kung chichikahin nga niya.

Am I Still straight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon