Zyron's POV
Dinaanan niya lang ako at ako naman 'tong parang tangang biglang natulala na lang. Wth! Pinagsasabi na naman niya? At iniisip ng malikot kong utak ang mga pinagsasabi niya. Kainin siya? Ayt bet... Shocks wag ganon self. Kalma littlee sissy down there. Wag tatayo kung hindi kailangan.
Bago ako sumunod sa kanya kinalma ko ang sarili ko at kinuha ang phone ko para tanungin si Mage kung naka uwi ba siya ng maayos kagabi at sumagot naman siyang okay lang. At pati na rin I-text ang sekretarya ko na hindi muna ako makakapasok at para na rin i-pacancel yung ibang meeting for this day. Weekend naman ngayon at kunting gawain lang sa opisina ang maiiwan. Mga makukulit na model agency ang tumatawag at nangungulit.
Pagkapasok ko sa dining area hindi pa rin siya kumakain. Akala ko ba gutom siya.
"Love, ba't 'di ka pa rin kumakain?" asar ko naman. Iniintay niya ba ako?. Assuming self?. Siguro hindi naman nang mumuni muni lang 'yan.
"Love, 'di ba obvious na iniintay kita?" sabi niya sa malambing na boses. Kasasabi ko lang. Hula pala.
Paalala self BAKLA TAYO! Walang magbabago!
"Tigilan mo na nga yang kaka love mo nakaka irita na babawiin ko yung pinag usapan natiin e." pananakot ko sa kanya. Umupo na rin ako at nag simula nang mag sandok ng pagkain.
"Biro lang naman hehehe... Pray muna tayo"
"Uso 'yun sayo?"
Sinamaan lang niya ako nang tingin at nilahad ang kamay niya.
"Hokage moves ka lang ata e." pang aasar ko pa. Ang cute magalit. Sarap sapakin. hahaha... Wtf 'di ako 'yun haha...
"Dali na lalamig pa 'tong pagkain e. Akin na nga kamay mo!". Natawa na lang ako nang bahagya nang sapilitan niyang kinuha ang kamay ko. Grabe ha...
Nag usal siya ng simpleng dasal ng pasasalamat at binitawan agad ang kamay ko.
"Sanay lang ako na magdasal bago at pagkatapos kumain. Bilin sakin ng lola ko.. Masanay ka na lagi mo din akong makakasabay"...
Sinimulan ko na ring kumain. Pansin ko ang patingin tingin sulyap niya sakin. Problema na naman nito?.
"Bakit na naman,, may kailanangan ka pa ba?" tinanong ko na.., Naiilang na ko sa pasulyap sulyap niya. Nakain yung tao 'o. Nakakahiya sumobo e. Nakakairita na ha.
"Hmm.." nilulunok niya pa yung nasa bunganga niya. "Bakla ka ba talaga? As in? Seryoso yun? Ang gwapo mo"
"Oo, okay. And 'di ako gwapo, MAGANDA ang tamang term. I don't do learn sa mga language nila at cross dressing and sa voice. 'Di ko na mabago at ayoko uminom ng mga gamot o mag paretoke para sa itsura at boses ko. Okay na ko sa ganito." mahabang saad ko at muling sumubo.
"Edi, kaya mo pa rin talaga akong kainin?" tanong niya habang sinusubo ng dahan dahan palabas ang kutsara sa bibig niya.
Naknangputsha
Nasamid ako sa sinabi niya. At ginagawa niya at the same time ngayon.
"Gaga ka ba talaga?"
"Nag aask lang ako e. Kain ka na ulit, sa honeymoon na lang natin mo ako kainin." sabay bungisngis niya,
"Stop mo na 'yan ah." napatigil siya at ngumiti nang nakakaloko. Namumula na ba ako? Ays kaya pala parang mainit ang pisngi ko.
Tinapos na niya ang pag kain niya ng mabilisan. Hindi talaga ata siya nahihiya sa mga sinasabi niya ghadd.
Binilisan ko na ring kumain at sinunod ang kinainan ko sakanya. Iniligpit ko na rin ang lamesa para hugasin na lang ang atupagin niya.
Pumanta na ko sa studyroom ko at aayusin ang iba ko pang files na tinatapos last day para hindi na ganong kadami ang gagawin ko pag balik sa opisina.
BINABASA MO ANG
Am I Still straight?
Romantik"Am I still the person I once knew?" - Zyron Morzilla, a stunningly handsome gay man grappling with the labyrinth of his own sexuality. A drop-gorgeous gay man who was still confused about his sexuality. "Maybe atleast, I know you?" A woman who does...
