CHAPTER 06

393 14 2
                                        


Kiana's POV

Mali tong nararamdaman ko. Maaga pa para sa mga ganitong bagay. Mali ito. Wrong as fuck.

It's tooearly to feel this shit.

"Ms. Morgan?.." lumingon ako sa tumawag sakin. Si Ms. Gonzela. "Are you still with us? You've been silent staring sa kung saan. Okay ka lang ba?" she asked and please insert the sarcasm .

Pinakilala niya ako sa mga magiging katrabaho ko na 'di ko naman natandaan dahil sa bilis niyang mag salita. Makikilala ko rin ang mga yan if time will passes by.

"Opo, kinakabahan lang po. Pasensiya na."

"It's fine, total first day mo naman...." lumapit kami sa may kanang sulok na merong cubicle na mukang kaayos lang. " This will be your part space in our department. Andayan na lahat ng kailangan mo. Pc, Flashdrives, saved data sa file and other thing you'll need so yeah. And feel free to ask anyone here if you have questions or indeed needs, got it?" mahaba niyang paliwanag at least medyo mabait siya na ewan,

"Opo, thank you po. Mag sisimula na po ako." umupo na ako sa pwesto ko. Hayss iba ang feel na parang pwede na akong mag asawa agad at mag pakasal dahil may trabaho na ko.

"And by the way"- Ms. Gonzela. Hindi pa pala nakaka alis.

"Po"

"Here's the manual for your task here and managing stuff for being a member in my team. And i'm still at 30's so don't look at me like i'm your lola and bawasan mo pagiging magalang. Got it?" tumawa siya at muling humarap sakin. "Again Good luck and welcome to my team"

"Welcome"- yung babaeng nakasalamin kanina na mukang seryoso.

"Glad to have you here Ms. Morgan ang cute mo pi"- ito ata yung Xyriel na mas bata sakin ang itsura mukang mabait siya.

"Thank you po" sabi ko na lang at ngiti.

Yung iba na dumadaan sa gilid ko winewelcome ako at yung iba tinatakot na matapang daw ang magiging mentor ko para mamaya dahil wala pa. Meron pa palang mga mentor mentor na yan.

Sinimulan ko nang aralin ang pag aayos ng mga binigay saking trabaho at inopen ang mga files na dapat kung basahin at pag aralan din.

----------

ANO BA YAN!!

Ito ba talaga ang dapat pwesto ko? Ang ingay ng mag jowang katabi ko. Kanina lang tahimik dahil andyan yung team leader pero ngayon arghh. INGAYY!

"Naniniwala ka ba sa love at first sight? O gusto mong dumaan ulit ako?" yung lalaki. Angelo daw pangalan.

Kanina pa yang banatan na yan.

"Bebe nemen, kenekeleg eke weg ke genen". ito naman Hetty na 'to kanina pa din ganan parang bingot na sa kakaganan.

Wala ba silang mga trabaho?

ISANG ISANG BANAT PA BABANATAN KO NA TALAGA ANG DALAWANG 'TO. Dito pa talaga may pag haharutan jusmiyo!

"Di ko naman pinipilit na maging akin ka eh, ang sakin lang naman.."

" Pwede po ba..!" hinahon self kakapasok mo pa lang sa trabaho. " Kayong team ANGHET mamaya na po ang ka cringe-- este sweet time niyo po? Nag tatrabaho po ako at medyo hehe.. 'di po ako makafocus." sabi ko na lang at iniiwasan na mag tunog galit.

"Okay pasensya na. Wala ka sigurong jowa?"

ABA'T..

"Parang ganun na nga po nakakinggit po kase ang love team niyo ehehe TEAM ANGHET!." pang aasar ko. Ang bantot.

Am I Still straight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon