V. Powerful

3.6K 106 14
                                    

EVEN if Gold did not want to go back there anymore, she has no choice but to go to her parent's residence for the last time. Pinalipas nga niya ang buong araw bago nagpasyang tumuloy kaya heto at inabot na siya ng gabi.

Finally, she will now be able to leave their place and start anew in her own home. It took her some time to get her belongings and go back and forth from north to south, but her hard work has paid off because today is the last time she will step foot in her childhood home.

When Gold parked her car in front of the mansion, all she can feel are mixed emotions. Natutuwa siya para sa sarili pero hindi rin niya maitatanggi ang pagka-miss niya sa bahay na ito. She will definitely miss her siblings, Nay Coring, and their household staff. Syempre, hindi niya mami-miss ang mga magulang na mula bata pa siya'y ikinulong na siya sa isang hawla at tinratong parang robot.

Gone are the days that Gold will follow what her parents want and agree to whatever they tell her. May sarili siyang dunong at sariling pag-iisip kaya hindi na siya basta magpapadala sa mga ito.

Gold went out of her car, locked it, and walked inside the mansion. Agad siyang sinalubong ni Nay Coring pagsara niya ng pinto.

"Mabuti naman at dumalaw kang muli rito, anak!" masiglang wika nito. Gold immediately hugged her.

"Syempre, Nay! May mga gamit pa ako rito eh," Gold answered then pulled back. "I'm only here to get my stuff, though. Sino ang andito ngayon sa bahay?"

Sasagot na sana ang mayordoma nang marinig nila ang malalim na boses ng kanyang ama. Nasa taas pa ito ng mansion at nakatingin sa kanya mula sa railing ng second floor kung saan nakikita ang buong foyer at living room.

"Kara, what a pleasant surprise. I thought you will not go home anymore, ilang linggo ka ring nawala."

Pilit siyang ngumiti sa direksyon ng ama pero muli na siyang bumaling kay Nay Coring. "Nay, pwedeng tulungan mo ako sa pagkuha ng gamit? Promise, 'di naman marami and 'di heavy ang mga 'yun!"

Tumango ang mayordoma sa kanya. "Syempre, anak, kailan ba kita tinanggihan?"

Agad na naglakad ang dalawa paakyat ng hagdan, at sinigurado ni Gold na hindi pansinin ang ama kahit nadaanan nila ito nang papunta sila sa kanyang kwarto.

Nang makarating sa kwarto ay hindi nag atubiling kumpunihin ni Gold ang mga natitirang gamit niya. What she left are mostly shoes and bags, some furniture decor. All of these can be fit in her car so she knows she doesn't have to go back here anymore.

May mga natira siyang gamit tulad ng beddings at large pieces of furniture pero hindi na niya dadalhin ang mga ito. Just a week ago, her new furniture and home decor arrived—the same ones she purchased together with Vaughn.

"Ikaw ba anak eh magpapa-house warming party doon?" tanong ni Nay Coring na sumulyap sa kanya habang maayos na nilalagay sa maleta ang mga gamit ng dalaga.

Umiling siya. "Ayoko ng ganoon, Nay. Bumisita na lang kung sino gustong bumisita. I just want everything about my home to be peaceful and quiet."

"Ah basta, mag-iingat ka roon," bilin nito. "Huwag kang mag-uuwi roon ng lalaki, Kara Gold!"

"Nay Coring naman!" she said, laughing at what she heard. "Syempre po hindi. Sila po ang nag-uuwi sa'kin doon sa bahay nila."

"Naku ka talagang bata ka. Napaka pilya!" komento nito. "Hindi ka pa ba mag-aasawa, Kara?"

"Ay, Nay! Wala man lang trigger warning," wika niya. "I don't want to get married. Well, not anytime soon."

"Hindi ka na rin bumabata, 'nak. Pero sige, basta ikaw eh masaya, 'yon ang mahalaga."

Boss Lady #3: Gold's ImpurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon