TO make sure that she will get Vaughn by the end of their date tonight, Gold took herself out on a quick shopping spree. She has never been turned down by anyone, and Vaughn will not be the first man to do such a thing towards her, so she is making an effort to get his attention.
Anyway, sino ba ang maglalakas ng loob na umayaw sa tulad niya? Like, hello? She is no other than Kara Gold Zamora, the supposed heiress turned famous celebrity fashion stylist and influencer. Nasa kanya ang ganda, talino, at pera.
Pwera na lang sa magandang ugali dahil ang tanging maganda lang sa'kin ay mukha ko, hindi ugali, she thought.
Bumili lang naman siya ng bagong dress at sapatos. She purchased a ruffle detail silk slip dress and a pair of leather point-toe pumps from Burberry.
Nagpasya rin ang dalaga na dumaan saglit sa puder ng magulang para muling kumuha ng iilan sa kanyang mga gamit na naroon pa. Siguro mga dalawang balik na lang, mauubos na ang mga gamit niya na naiwan.
Gold knows she will celebrate as soon as she gets the last piece of item she owns from her parents' house. If possible, she wants to get out of there fast.
"Magandang hapon, Kara," bati sa kanya ng mayordoma pagbukas nito ng pinto ng mansyon.
Ngumiti si Gold. "Good afternoon, Nay Coring. Na-miss kita at ang luto mo."
"Ikaw naman kasi, saan ka nagsususuot? Ang Daddy mo, galit na galit kakahanap sa'yo!" kwento nito. Naglakad na patungo sa kanyang kwarto si Gold habang nakasunod sa kanya ang mayordoma.
"Hayaan mo lang siya, Nay. Alam mo namang hindi okay 'yung relasyon namin ni Daddy, 'di ba?"
Gold started to put some of her clothes and bags inside a large suitcase while conversing with Nay Coring.
"Eh oo, bata ka pa lang, sinusuway mo na sila. Hanggang ngayon pa rin nga, anak."
"I don't want to be caged, Nay. I don't want to be controlled," sabi niya habang nagtutupi ng mga damit. "Anak nila ako, 'di naman ako robot."
Nay Coring sat beside her on the floor and gave her a side hug. Gold appreciates her very much ever since she was a little girl, dahil ito na ang nag-aalaga at nakakaintindi sa kanya noon pa man. When her parents are not around because of work, Nay Coring stands in as her guardian slash yaya. Kahit sa kanyang mga kapatid, naging ganoon din ang role ng mayordoma.
"Hay naku, Kara... napaka tigas talaga ng ulo mo, anak. Pero hanga ako sa tapang mo dahil ginagawa mo talaga kung ano ang gusto mo at hindi ang gusto ng iba," wika nito sa kanya.
"Syempre, Nay. You know how smart your alaga is," Gold grinned. "At saka alam mo namang hindi ako gagawa ng desisyon na hindi ko pinag-iisipan. I just wish they could trust me more."
"Matalino ka talaga, anak. Sana lang magka-ayos na kayo ng Daddy at Mommy mo," Nay Coring admitted. "Teka, ano ba itong ineempake mo? May trabaho ka?"
Gold zipped the suitcase closed and pulled it up to make it stand. Napuno niya 'yon ng mga damit at bags at iilang accessories mula sa kanyang walk in closet. Ang mga natirang gamit doon ay magkakasya sa isang malaking maleta ulit. Sisiguraduhin niyang babalikan niya 'yon sa ibang araw.
"Secret lang ha, Nay Coring?" sabi niya sa mayordoma. Sinundan siya nito palabas ng kanyang walk in closet patungo sa harap ng kama.
"Anong secret? 'Ku, ayoko ng mga sikreto sikreto!" angal ng mayordoma.
Gold cannot help but laugh. "Basta secret lang ha? May sarili na akong bahay!"
Halata ang gulat sa mukha ng mayordoma. "Ano? Teka, anong ibig mong sabihin?"
BINABASA MO ANG
Boss Lady #3: Gold's Impurity
عاطفيةBOSS LADY series tells about different stories of strong, independent women from varying walks of life as they conquer a men's world and be the own boss of their life and of their heart. BOSS LADY series presents: Boss Lady #3: GOLD'S IMPURITY WARNI...