Hindi niya sinabi kung saan kami tutungo. Panay lang yung turo niya kung saan liliko. Hindi man lang naisipang sabihin nalang para hindi na hassle. Napailing nalang ako.
"Stop right there," turo niya sa isang parking lot.
Gaya ng utos niya, ipinarada ko yung sasakyan. Agad niyang binuksan yung pintuan at lumabas. Ganun na din ang ginawa ko. Pagkalabas ko lang ay namangha ako sa nakita. It left my mouth open.
There were lights and rides. Maraming tao na parang nag-e-enjoy pa. Napahawak ako sa aking dibdib. I feel so overwhelmed. Yung energy na nagmula sa mga tao ay nararamdaman ko. Yung ambiance ng lugar ay ibang-iba sa ambiance na nakasanayan ko. Everyone is smiling. There is no threat or whatsoever.
Nagulat nalang ako nang may brasong pumulupot sa beywang ko at idinikit sa katawan niya. Nang lumingon ako ay naabutan ko si Kenjie na nakangiti sa akin. It wasn't his usual smirk. It's genuine.
"What is this place?" tanong ko.
"Amusement Park. We're on a date."
"A date?" kumunot yung noo ko. "Pero bawal ito."
He sighed.
"Let's pretend that the rules doesn't exist. Ngayong araw lang, Hee."
"Pero--"
"Please?"
He's giving me the eyes and I can't say no. Marupok ako pagdating sa kanya. One smile, my knees will melt. Ganun.
Tumango ako na siyang ikinangisi niya.
"Call me babe," utos niya.
"Babe?"
"Let's also pretend that we are in a relationship. Ngayong araw lang naman. Pagbigyan mo na ako, hmm?"
Lumingon-lingon ako sa paligid. Baka kasi may nakakarinig sa amin mula sa Mafia. Baka madeds kami.
"Okay."
"Yes!"
He instantly hugged me kaya napatawa nalang ako. I hugged him back before letting go. We smiled at each other and held hands.
Nagsimula na kaming maglakad habang magkahawak ang aming kamay. I stared at it, hindi mapawi yung ngiti sa labi. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya at ganun din ang ginawa niya.
As I was about to look up to him, I felt someone coming near us from the back. Adrenaline came rushing inside of me at dali-daling itinago si Kenjie sa aking likuran at hinarap yung lalaking papalapit sa amin.
May dala siyang headbands sa kamay.
Nagulat yung lalaki sa biglaan kong pagharap sa kanya. Napahinga naman ako nang maluwag. I see no threat.
"Chill, babe," Kenjie chuckled while whispering to my ear.
"Headbands po," natatakot na sabi nung lalaki.
"Nagbebenta lang ng headbands," sabi ni Kenjie at lumapit sa lalaki. "Dalawa po."
Binigyan nung lalaki ng headbands si Kenjie. Isang headband na tenga ni Mickey Mouse at isa naman ay kay Minnie Mouse. Agad nagbayad si Kenjie at hinarap ako.
"You startled him," ngisi niya.
"I'm sorry. Akala ko kasi kung sino."
"Lossen up, will you? Nandito tayo para mag-enjoy," nguso niya.
"Baka may gustong pumatay sa'yo dito. Hinahanda ko lang sarili ko."
"Walang gustong papatay sa akin sa lugar na ito," iling niya. "Who will dare to make a crime with a lot of witnesses?" turo niya sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Lost Reaper
AksiIt started with a long sleep. Darkness, violence and the barbaric world welcomed me. Confused with my identity, I still chose to be slaved under the power of my master we all called the Bishop. Like the game of chess, there is heirarchy inside the o...