Halos hindi ko malunok yung pagkain sa hapunan. Everyone returned talking in a casual way pero ramdam ko pa rin yung titig ni Via sa akin. Naiilang man pero hindi ko ito pinahalata. I was hungry and her stares will never stop me from filling my tummy.
I'm starting to think that she likes me. Noong una ko siyang nakilala sa resort ay sobra siyang naiyak at natuwa at the same time nang makita ako. Gaya din kanina nung gumising ako. She was smiling, looking at me. Nang sinabi kong hindi ko siya maalala ay dun na siya nag-iba. She started treating me coldly.
"Ang lalim ng iniisip natin a."
Umupo sa tabi ko si Lucca. Nakaupo ako sa isang kahoy na nakaharap sa karagatan. It felt so suffocating staying at the house kaya lumabas muna ako para makahinga.
Maganda yung gabi. Sobrang tahimik ng dagat. Nagkalat ang mga bituin sa kalangitan. Sobrang liwanag din ng buwan na nagbibigay ng ilaw sa gabi.
"Masanay ka na. Marami talaga akong iniisip," I paused and then looked up to him. "And you are here because?"
"Wala lang. Bawal?"
Napailing nalang ako.
"Nagtatanong lang."
He chuckled. "Nakita lang kitang mag-isa kaya naisipan kong samahan ka."
"Hindi na kailangan. Sanay naman akong mag-isa."
"Hindi masaya ang mag-isa."
Napahinto ako. I've been living alone. Marami akong kasama sa mansyon pero ramdam ko pa rin na nag-iisa ako. Kenjie's not always there and Freya doesn't like me that much. Well, hindi lang naman siya ang may ayaw sa akin. Ang buong mafia siguro.
Ibinalik ko ang aking tingin sa karagatan. May nakita akong pigura mula sa malayo na isang babae. May papalapit sa kanyang lalaki. I squinted my eyes, trying to recognize who they are.
"Si Noah at Via," biglang sabi ni Lucca kaya napalingon ako sa kanya.
"Anong ginagawa nila d'yan?"
"Sasayaw?" he chuckled. "Matagal nang gusto ni Via ang gabi at bituin. She always stares at them every night. Nang dumating si Noah, sinamahan siya nito. I often see them dancing under the stars. Romantic."
I chuckled. Akala ko pa naman bisexual si Via at may gusto siya sa akin.
"What's funny?" natatawang tanong ni Lucca na ikinailing ko.
"I thought Via likes me romantically. Kanina pa kasi siya titig na titig sa akin habang kumakain. I'm sorry."
Pinigilan ko yung sarili kong hindi matawa. Ang assuming ko naman masyado na naisip ko 'yun.
"She does likes you. But as a sister."
Napahinto ako sa pagtawa at nilingon si Lucca.
"What does that mean?"
"The story that I told about Anna Brion," bahagya siyang ngumiti. "Yung sinabi ko sa'yong may binabantayan siya na anak ng kataas-taasan. Si Via yun. Si Via yung binabantayan mo noon."
Napawi yung ngiti ko sa labi at nilingon si Via mula sa malayo. She's sitting on the sand while resting her head on the boy's shoulder.
"Para na rin kayong magkapatid kasi magkasabay kayong lumaki. Well, simula noong mas pinili mong bantayan siya at iwan ang responsibilidad dito bilang August."
Ngayon ko lang naisip kung bakit August ang tawag ni Nikolai sa akin. Naaalala ko din doon sa kuwento ni Lucca na isa ding August si Anna Brion. So I was the August of this island which explained why all the reapers bow their heads to me when we arrived.
BINABASA MO ANG
The Lost Reaper
ActionIt started with a long sleep. Darkness, violence and the barbaric world welcomed me. Confused with my identity, I still chose to be slaved under the power of my master we all called the Bishop. Like the game of chess, there is heirarchy inside the o...