Lucca promised that he will show me the whole island which he did. Una naming pinuntahan yung training grounds kung nasaan yung mga reapers in different ages. May mga bata na din na nag-eensayo.
"Walang pili dito. Bata man o matanda ay dapat mag-ensayo."
I nodded while looking at the children being taught how to throw a punch. Sa tingin ko nasa 9 o 10 years old pa sila.
"Isn't that too harsh for their age?"
Lucca shrugged her shoulders.
"May choice naman silang tumanggi. Most of them were street children with nothing to eat. It's like we give them another chance for a new life. Dito hindi sila magugutom."
"But they will be risking their lives," iling ko.
Nabaling ang tingin ko sa iba pang reapers. Some of them flashed their smile when our eyes meet. Some were avoiding eye contact. They seemed intimidated by my presence.
"E sila?" Turo ko sa iba.
"Well, sila yung mismong lumalapit sa kataas-taasan. Yung iba naman ay kinamuhian ng kanilang pamilya at nagrebelde kaya sila nandito."
"Hindi ba kayo natatakot na baka babaliktad sila? Na baka kalabanin kayo?"
Nandito silang lahat dahil sa iba't-ibang dahilan. Tinuruan sila ditong pumatay without receiving anything in return. Nakakatakot isipin na baka may bumaliktad sa kanila.
"Subukan lang nila," ngisi niya. "Mas makapangyarihan pa rin ang kataas-taasan. Wala silang laban."
"Kataas-taasan?"
He nodded.
"This place was founded by Via's mom, Tita Snow. Kagaya mo ay reaper din si Tita Snow ng kilalang organisasyon na pinunuan ng isang Stein, Lolo ko."
Napakurap ako at nilingon siya.
"Lolo mo?"
"Nalaman nila na hindi totoong anak ni Lolo si Tita Snow at ang anak niya lang talaga ay si Daddy. Long story short, lolo's organization collapsed and left Tita Snow with nowhere to go. Kaya naisipan niyang bumuo nito. A place for the lost. Mahirap ang buhay sa mga nawawalan ng landas. So she guve meaning to their lives. Kahit papaano ay tinuruan nila silang lumaban."
"So hindi lang iisa ang hangarin ng mga reapers?"
Umiling siya.
"That's why we don't trust reapers. Hindi natin alam yung tumatakbo sa isip nila. In this competitive environment, I'm sure na pumasok din sa isip nila yung kapangyarihan. The power they might hold kung sila ang kinatatakutan," he paused. "But they do have one single goal in common."
BINABASA MO ANG
The Lost Reaper
ActionIt started with a long sleep. Darkness, violence and the barbaric world welcomed me. Confused with my identity, I still chose to be slaved under the power of my master we all called the Bishop. Like the game of chess, there is heirarchy inside the o...