"You always call me Brion pero agad mo ding babawiin. You acted like we've known each other for years. Yung babae na kasama mo noong araw na kinuha kita mula sa kanila, she called me Anna. It's Anna Brion, diba?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. Matagal na akong curious kung ano yung meron sa tattoo na nasa pulsuhan ko. Hindi ko sigurado pero malakas yung kutob ko na tama ako. I've been deciphering this tattoo. Hindi ko na din sinabihan si Kenjie tungkol dito. Natatakot ako na baka hindi siya magiging tapat sa akin kapag sinagot niya mga katanungan ko.
"Naalala mo?"
Umiling ako. "Naitagpi-tagpi ko lang." I sniffed.
"Hindi kita pipilitin na paniwalaan ako. I don't want to rush you," he paused. "But I believe that you are Anna Brion and I'm sure of it."
Pinahiran ko yung mga luha ko sa pisngi.
"Then prove it," hamon ko. "Make me believe that I am really Anna Brion."
"How can I do that?"
"Just do anything. Papaniwalain mo ako."
He stared at me, looking so worried. Hindi ko siya masisisi. If I am the person who he says I am, talagang mag-aalala siya bilang isang kaibigan. He sighed.
"Sa tattoo mo may simbolo ng buwan," he started. "It shows the other life you were living."
"And that is?"
"Underground fighting," he slightly smiled. "Nakikipagbakbakan ka noon kalaban yung mga taong basagulero din. It was a decent dome. You fought with other gangsters."
"Bakit ko naman gagawin yun?"
"Kasi pinalaki ka nina Tita Ace at Sky. Bilang tagabantay ng anak ni Tita Snow, kailangan mong patunayan sa kanila na kaya mo. Sa ganung paraan mo naipatunay sa kanila. The underground called you the Luna. That explains the moon on your wrist."
Yumuko ako at napatitig sa tattoo. Protect? I was a protector noon pa man?
"Ano pa?" hamon ko sa kanya. "Hindi iyon basehan para masabi mong ako nga yung babaeng tinutukoy mo. You could be lying."
Bumaba ang magkabila niyang balikat. He looks disappointed. Konti nalang talaga maco-convince na niya ako na ako talaga si Anna Brion. Pero gaya ng sabi ko, pwede siyang nagsisinungaling.
"You have a birthmark on your arm," walang gana niyang sabi.
Agad kong hinubad ang aking jacket at tiningnan yung braso ko sa kaliwa. I'm not sure if I have birthmarks. Hindi ko pa napansin iyon.
"Wala akong birthmark," sagot ko at ipinakita yung braso ko. "You're lying."
"Sa kabilang braso. Sa left mo."
Mukhang nauubusan na siya ng pasensya. Napairap nalang ako. Ang init naman ng ulo nito.
Tiningnan ko nga yung braso ko sa kaliwa at halos lumuwa ang aking mga mata sa nakita. It's like a coffee stain on my arm!
Natulala ako saglit bago siya hinarap. He smiled sadly.
"What are you gonna do?" tanong niya.
Napakurap nalang ako. Ano na nga ang gagawin ko ngayon. It looks like I am Anna Brion gaya ng sabi niya. If I am her, then why did Kenjie told me that I am Heather Miller? Why does he have to lie to me?
"Hindi ko alam," iling ko.
"Naniniwala ka na?"
"If you are lying right now, I will kill you," pagbabanta ko sa kanya but I only received a scoff.
"Why would I lie to you? Ano naman ang mapapala ko kapag ginawa ko 'yun? I'm trapped inside a den of a lion tapos itong maliit mong room lang ang safe zone ko. Pinalilibutan pa ng mga taong pumapatay kapag may nakikitang estranghero para sa kanila. Tell me, why would I lie?"
We glared at each other as if our pride depends on it. I'm impressed that he's able to look at me straight on the eyes and glaring at me. Walang ibang makakagawa nun kundi siya lang. Pati nga si Kenjie pumipiyok kapag tinitigan ko ng masama. Lucca is something.
"If I am Anna Brion, what are we?"
He was taken aback by my question. Hindi niya iyon inaasahan. Una siyang umiwas ng tingin. He cleared her throat before looking back at me.
"What do you mean?"
"Kanina tinawag mo akong witch. Hindi iyon ang unang beses mo akong tinawag nun."
He swallowed. "Para tayong aso't-pusa," ngumisi siya. "Ewan ko kung bakit tayo palaging nag-aaway. Siguro ganun na nga tayo."
We had a bond? Was the bond true? Naramdaman ko din kasi na magaan sa loob siyang kasama. He's like a best friend I never had. Or maybe he was really my best friend.
Nagulat nalang ako nang may biglang kumatok sa pinto. Napabalikwas si Lucca ng tayo at dali-daling lumapit sa closet at nagtago s loob nito. I fixed myself before standing up para buksan yung pinto. Pinihit ko yung siradora at binuksan na nga yung pinto.
A pawn greeted me. "Kanina pa naghihintay ang Bishop sa'yo."
Kumunot ang noo ko. Akala ko ba after one hour pa bago yung lakad namin? Was he in a hurry?
"Sige, lalabas na ako."
Tumango siya bago ako tinalikuran. Agad kong sinara yung pinto at nilingon si Lucca na kalalabas lang ng closet.
"Aalis ka?"
I nodded. "Dito ka lang. Gaya noon, huwag mong basta-bastang buksan yung pinto. Ako lang yung makakapasok kasi nasa akin lang naman ang susi."
He smiled and then nodded. "Don't worry about me. As long as nandito lang ako sa silid mo, walang mangyayaring masama sa akin."
Napangiti nalang ako. Why do I feel like I have to protect him at all cost? Siguro dahil naniniwala ako na kaibigan ko nga siya.
"I'll be back. Ubusin mo pagkain mo," turo ko sa dala kong pagkain. He chuckled.
"I forgot about it," iling niya. "Take care."
He waved his hand at me na ginantihan ko naman ng ngiti. Tuluyan na akong nakalabas ng silid at siniguradong nakasara yung pinto. As much as possible, I need to be sure na nakasara nga.
Nagsimula na akong maglakad papalabas. Pagkalabas ko pa lang ay nakita ko na si Kenjie na nakakunot ang noo. He's not the patient type kaya paniguradong badtrip ito ngayon kasi pinaghintay ko siya. Napunta sa akin yung atensyon niya kaya mas binilisan ko yung paglakad ko.
"What took you so long?" naiinis niyang tanong.
"I'm sorry. Ang sabi mo kasi isang oras pa. I didn't know that it's ten minutes."
I tried not to sound sarcastic pero nabigo ako. Ang satcastic kong pakinggan. Laking gulat ko lang na wala lang sa kanya 'yun.
"Hurry up!" sigaw niya.
Dali-dali akong pumasok sa driver seat at nag-seatbelt. Mula sa rearview mirror, nakita ko siyang pumasok kaya pinaandar ko na yung makina.
"Saan tayo?"
"Ituturo ko lang yung daan."
Tumango ako at tuluyan nang lumisan. Nagmukha tuloy akong taxi driver.
Paniguradong isang sekretong transaksyon na naman yung pupuntahan namin na walang kaalam-alam yung mafia. Kapag ako lang kasi yung kasama niya ay confidential. I just wish that he won't get caught. If that happens then he's into a lot of trouble.
BINABASA MO ANG
The Lost Reaper
ActionIt started with a long sleep. Darkness, violence and the barbaric world welcomed me. Confused with my identity, I still chose to be slaved under the power of my master we all called the Bishop. Like the game of chess, there is heirarchy inside the o...