Chapter Twenty-five

2 1 0
                                    

We spend the whole morning at Cato's lab. Sobra akong namangha kasi ang laki para sa isang tao. Marami siyang pinapakita sa akin na talaga namang nakakamangha. Kaya lang hindi ko magawang mag-enjoy. Nandun pa rin yung kaba na idinulot ni Diem sa akin.

"Via!" tawag ni Cato. "Halika. This is what I've been talking about."

Lumingon si Via kay Cato at akma na sanang lalapit pero hinawahan siya ni Noah sa pulsuhan. Kumunot ang noo ko sa nakita.

"Ano?" tanong ni Via.

"Don't you dare."

"May ipapakita lang si Cato."

"Pero dapat bang ikaw lang?"

Umirap si Via. "Minsan wala na sa lugar yung selos mo."

I covered my mouth. Hala! Anong meron kina Via at Cato? Pabalik-balik yung tingin ko kina Cato, Via at Noah. Is this some kind of a love triangle?

"Hay. Naaalala ko pa noon na pinagselosan niyo akong dalawa kasi dikit na dikit ako kay Via," ngising pang-aasar ni Lucca sa dalawa.

Nakatanggap siya ng masamang tingin galing kina Noah at Cato pero parang wala lang ito sa kanya. Mukhang tama nga yung hinala ko. Love triangle nga.

"Relax. Naalala ko lang."

"You are not helping," irap ni Via sa pinsan. "Anyway, kaming dalawa ni Anna naman yung titingin, diba?"

Lumingon sa akin si Via at wala na akong ibang choice kundi ang tumango. She motioned her hand for me to come closer to her. Lumapit ako sa kanya at saka na siya binitawan ni Noah.

Tuluyan na kaming lumapit kay Cato sabay bulong, "Seloso."

Pagkatapos namin sa lab ni Cato ay sakto ding pinapunta na kami sa main house para sa tanghalian. Unang pumunta sina Via, Noah at Cato habang nanatili muna kami ni Lucca sa labas ng lab.

Bakit kami nandito?

A boy reaper— which turned out to be a gay— was looking for Cato. Doon silang tatlo dumaan sa back door habang kami naman no Lucca ay kinuwentuhan siya to buy them some time. Hindi naman sa ayaw sa kanya ng kaibigan namin. He just finds it uncomfortable.

"Was he always like that?" natatawa kong tanong kay Lucca.

"Hindi ko siya nakita noon. Ngayon ko lang siya nakilala," iling niya. "Cato is known among girls. Pati naman pala sa mga beki."

I chuckled as we took big steps towards the main house. Paniguradong kami nalang yung hinihintay doon. Nang marating namin yung bahay ay pinagbuksan ako ni Lucca kaya napangiti nalang ako.

"Oh! You're here!" Diem acted surprise.

Kumunot yung noo ko. Bakit siya nandito? Akala ko ba kami lang yung kakain.

"What are you doing here?"

She refused to answer me. Instead, she smirked and faced the dining room.

"Everyone! The traitor is here!"

Nagkatinginan kami ni Lucca. I started to feel nervous. Pakiramdam ko na hindi ito maganda.

Pumasok na si Diem sa dining room pero bago nun ay kinindatan niya muna ako. Kabado man ay sumunod na kami kay Diem at haloa lumuwa ang aking mga mata sa nakita sa hapag.

Si Kenjie.

Nasa aking ang tingin ng lahat. They all seemed disappointed. Tiningnan ko sila isa-isa at kahit sinuman ay walang ngumiti, maliban kay Diem na halos mapupunit na ang labi.

Kenjie's eyes and mine met. Hindi ko mabasa yung mata niya. He's dead serious and unreadable. He's handcuffed and tied to a chair.

"Explain," utos ni Tita Snow.

Hindi ko alam kung saan sisimulan. I opened my mouth to say something but nothing came out.

"Let me take the floor," Diem cleared her throat. "You came back, out of nowhere tapos malalaman namin na galing ka pala sa Ahedres. The Mafia who attempted to steal the island and almost kill all of us. Of course, I doubted you. The mafia is known to be loyal, pero isa ka ding reaper na hindi dapat pagkatiwalaan. You may be confuse of where to side. But I never gave myself the benefit of the doubt. You were fishy the moment you stepped on the island."

"We are not yet certain, August," sabay ni Via.

"Not yet certain of what?"

"Alam nating lahat na may issue ka sa kapatid mo. You may have taken this personally."

Diem scoffed. "She is not my sister. Ilang beses ko bang sabihin 'yan sa inyo? Besides, hindi ko naman ito ginawa para sa aking sarili kung hindi para sa isla."

"How can you be so sure? Ipaliwanag mo sa amin kung bakit ka namin pagkakatiwalaan," matapang na sabi ni Via.

Sinita na siya ng ina niya pero hindi siya nagpatinag. She stayed by my side.

"That motherfvcker," turo niya kay Kenjie na walang kaemo-emotion yung mukha. "I caught him sleeping beside the magnificent Heather Miller last night."

Nabaling sa akin yung tingin ng lahat. Ramdam ko din yung titig ni Lucca. My hand formed into a fist. Bumabaon na nga yung kuko ko.

"What were you doing in the guest house last night?" puno ng pandududang ni Via.

"I always got my eyes on her the moment she came back. I wasn't in the guest house last night. The window was open and from the balcony of my room, I can see everything," ngisi niya. Lumingon siya sa akin at ngumisi. "Prove to us your loyalty to the Grounds."

Kumunot ang noo ko.

"What are you thinking, August?" tanong ni Tita Ace.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang dinampot yung kutsilyo sa mesa at sumugod kay Kenjie. Adrenaline came rushing inside my body. Hindi na ako nagkaroon pa ng panahon para mag-isip at kusang kumilos yung katawan ko. I speed towards Kenjie's direction and instantly disarmed Diem before she could get to the Bishop.

Huli na nang maisip yung ginawa ko. Nakangisi na si Diem sa harap ko. Via's face was full of disappointment.

"Confirmed. She will forever be loyal to the mafia," ngisi niya. "Here's your proof, Legacy," lingon niya kay Via.

Hindi ko na pinansin yung reaksyon ng iba. My eyes landed on Lucca. He stared back at me with pain on his eyes.

"Lucca," I whispered.

He force a smile before turning his back and walked away.

The Lost ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon