I woke up the next day with an empty house. Guest house lang naman ito. Yayamanin nga kasi may guest house pa. Ako lang yung nag-ookupa sa bahay na ito kaya sobrang tahimik.
I glanced at the wall clock. 6:24 AM. Sobrang aga. Nasanay na kasi akong maagang gumising kahit na puyat. Hindi ko kasi malaman yung schedule ni Kenjie noon. Minsan may transaksyon sa gabi at madaling araw. Kaya minsan dalawang oras lang yung tulog ko. Kadalasan hindi ako natutulog. Last night was the longest sleep I had for a long time.
Nanghilamos muna ako at nagsipilyo bago lumabas ng bahay. Nagulat ako nang bumungad agad sa akin ang mga reapers. Gising na din sila sa mga oras na ito!
Some of them were smiling at me and some doesn't seem to recognized me pero ngumiti na rin sila gaya nung iba. Ngumiti ako pabalik.
"Your first morning," lumapit si Diem sa akin na seryoso pa rin yung tingin. "How was your sleep last night?"
"One of the best. Thanks for asking," I smiled. "Ikaw?"
"The usual. Why do you care?"
"Una mo akong tinanong at tinanong lang kita pabalik. Bakit ang attitude mo?"
I was smiling at her genuinely tapos sasabihan niya ako ng ganyan? Wow ha. I thought that we're okay when she asked me first.
"Just so you know, hindi mo ako mapapahulog sa patibong. You are not really forgetting everything. You can't trick me."
Napangisi nalang ako at napailing.
"Paano mo nasabi?"
"I can still feel your hatred."
"Girl, I don't hate you. Pinapakita mo kasi sa akin kung ano yung nararamdaman mo sa akin. I'm just returning the favor."
"Cut the bullsht. Alam kong gusto mo lang kunin mula sa akin ang titulo. I have worked hard to become the August at hindi mo ito makukuha mula sa akin."
I nodded. So siya yung August ngayon? No wonder why she acts all great and mighty. Hawak niya pala lahat ng reaper kaya nasa kanya ang kapangyarihan.
"I don't need to be an August. Sayong-sayo na 'yan."
"Stop provoking me."
Tumaas ang kilay ko. "Provoking you? Saang banda ba?"
"Just because the reapers bowed down to you doesn't mean you have the power. Unang araw mo pa lang ang siga mo na."
Tumirik ang aking mga mata. Hindi ko na alam kung saan tutungo ang usapang ito. Siga daw ako?
"Ang aga-aga binu-bullsht mo ako. Tumabi ka nga. Sinisira mo lang araw ko."
Lalagpasan ko na sana siya pero tinulak niya ako para mapaharap sa kanya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko sa mga bastos at higit sa lahat, ayokong hinahawakan ako.
"Ano?" nagtitimpi kong tanong.
Pinagtitinginan na kami ng reapers. Gustong-gusto ko na siyang sapakin pero pinipigilan ko lang yung sarili ko. Palamunin na nga ako dito, makikipag-away pa ba ako?
"Ang hangin mo."
"Eh ano ngayon?"
"Ang sarap mong sapakin."
I smirked. "Edi sapakin mo."
Hindi ko inaasahan na sapakin niya ako. Sinabi ko lang naman 'yun para panghamon pero hindi ko akalaing totohanin niya.
Napalingon ako sa gilid at napangisi. I heard gasps from all that witnessed. I tasted blood from the side of my lips kaya pinahiran ko ito gamit ng aking kamay at hinarap siya na nakangisi.
BINABASA MO ANG
The Lost Reaper
AcciónIt started with a long sleep. Darkness, violence and the barbaric world welcomed me. Confused with my identity, I still chose to be slaved under the power of my master we all called the Bishop. Like the game of chess, there is heirarchy inside the o...