"Ok na ba ito? Sure ka?", sambit ko rito sa kaharap kong brat.
"Wow improving ka na Nica. Ang sarap kaya!", wika nito habang walang humpay sa pagngata ng chicken teriyaki na niluto ko habang kumekembot-kembot pa. Hindi kaya zumba instructor ito dahil grabe siya kung makakembot lalo na kapag natutuwa siya.
"Hoy! Tama na iyan, dadalhin pa natin yan kila lola mamaya ano.
Ang takaw mo talaga!", sambit ko rito sabay kuha sa kanya nung container.
"Ay grabe! Ang damot naman!!", sambit nito sabay simangot.
"Oh eto... eto ang kainin natin. Diba favorite mo ito", wika ko sabay abot ng isang mangkok ng stawberries na may creamcheese sauce at cinnamon.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa nakita niya. Paano favorite niya ito bukod sa sinigang. Nakakatuwa talaga siyang pagmasdan.
"Hoy! Hoy Nica! Yung bibig mo isara mo. Sabi ko na nga ba nagagandahan ka sa akin eh. Oi baka mamaya niyan ma-inlove ka sa akin", wika nito sabay lapit ng mukha sa akin.
"Uy nagb-blush siya. Nagb-blush si Nica...Ayieeee', wika pa nito sabay pindot ng ilong ko. Kaasar. Ewan ba naman kung bakit kasi ako kinikilig. Kaasar sobra.
"Nica ayos ka lang ba? Para ka kasing tanga diyan. Pumasok ka na dali... bilisan mo....", wika nito sabay tulak sa akin.
Kanina pa kasi kami nakatayo dito sa labas ng gate ng bahay nila lolo at lola. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat yung paa ko na parang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magalaw ito. Bigla din akong pinagwisan ng malagkit at feeling ko parang masakit yung tiyan ko.
"Hoy Nica! Ano ba!", bulong nito sa tenga ko kaya nagtayuan naman yung balahibo ko.
Matagal na kasi akong hindi nakakapunta dito. Mula ng may nangyari sa akin eh hindi na ako bumalik dito. Ilang taon na rin yuon. Kaya mula ng lumabas ako ng hospital sa condo na ako tumira.
Never na akong pumunta dito. Dinala lang nila yung ibang gamit ko sa condo. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit.
Si lola minsan pinupuntahan ako sa condo para bisitahin. Yung kasambahay nila ang laging pumupunta para sa supplies ko.
"Hayaan mo Nica hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo. Iabot mo sa akin yung kamay mo", sambit nito sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.
Kinakabahan ako sobra.
"Tara Nica. Pasok na tayo", wika nito at sabay kaming lumakad papasok sa gate.
"Ni-Nica? Nica! Apo ko! Ang apo ko! Daddy ang apo natin andito", sigaw nito ng makita akong papasok ng pinto. Hindi ko naman maintindihan kung bakit para akong robot kung lumakad.
Agad naman tumakbo si lola palapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Apo ko.... ang apo ko... magbalik ka na apo ko...mahal na mahal ka namin", sambit nito habang lumuluha.
Niyakap ko rin ito ng mahigpit, muntik ko na ngang mabitiwan yung hawak kong paper bag na may laman na isang container na chicken teriyaki.
"Halikan mo yung lola mo", bulong ni Angel. "Sabihin mo din I love you", pahabol nito. Ay ewan ba bakit nakakalimutan ko yung ganung bagay.
"Apo, halika pumasok ka", wika nito habang masayang lumalakad.
"Lola...hmmmm... si Angel po pala....", hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng lumabas si lolo at agad akong niyakap. Kagaya ni lola, umiiyak din ito.
"Lo at La, si Angel po pala, kaibigan ko", wika ko. Ngumiti naman silang dalawa at inaya kami na pumasok na sa loob ng bahay.
"Lola bakit po naka lock yung kwarto ko? Nasaan po ba yung susi?', wika ko rito paano kanina ko pa gusto pumasok para ipakita sa kasama kong brat yung mga pictures ko noong bata ako.
"Ha? Hindi naman yan nakasara eh. Nilinis pa nga namin kahapon. Baka nasira yung lock, hayaan mo apo pabubuksan ko bukas para pag balik mo eh makapasok ka na", sambit ni lolo.
"Oh brat, sayang hindi ko mapapakita yung kwarto ko sa iyo. Hindi bale balik tayo sa susunod na weekends", sambit ko sa brat na kasama ko. Napakamot naman ng ulo si lolo. Bakit ayaw ba nila na bumalik ako rito?
"Pssssst.... Pssssst! Hoy Nica! Labas muna ako sandali. Intayin kita sa condo. May importante lang akong gagawin", sambit ni Angel.
"Ano? Eh kakain pa tayo ah? Ano ba yang importante na yan?", gigil kong wika. Paano naghahanda na sila lola ng pagkain saka naman aalis itong brat na ito.
"Basta nga eh! Saka para magbonding muna kayo ng lolo at lola mo. Uuwi na lang ako sa condo mamaya ok? Please saka sinamahan naman na kita diba", sambit nito sabay mabilis na lumakad palabas.
"Bye Nica! See you later. Ingat ka sa pag-uwi. I love you...Mwaaaaah!", sambit nito kabang kumekembot pa. At ang loka nag flying kiss pa. Haysss! sinasabi na nga ba eh marunong itong mag hypnotize eh. Nauto nanaman niya ako sobra.
"Ano nga yung pangalan nga kaibigan mo apo?", wika ni lola.
"Angel. Angel po ang pangalan niya", tugon ko habang kumakain ng lecheflan.
"Ang sarap po nito lola. Pahingi po ako para ipapasalubong ko kay Angel", wika ko habang sarap na sarap sa aking kinakain.
"Angel ba kamo? as in A-N-G-E-L?", tanong nito.
"Oo nga po. As is in. Bakit po ba?", tugon ko.
"Wala naman apo. eh nasaan na siya ngayon?", tanong ni lolo habang humihigop ng kape.
"Umalis na po. May importante lang pong gagawin. Inihatid lang niya ako. Kanina po kasi kinakabahan ako eh", wika ko.
"By the way, may work na po ako. Pinilit po ako ni Angel na mag apply ng trabaho sa ArchiTexture eh sinuwerte po at natangap ako. Magsisimula na po ako sa susunod na linggo", wika ko.
"Salamat sa Diyos Anak at ok ka na. Salamat kay Angel", wika ni lola.
"Kung alam mo lang apo kung gaano kami kasaya ngayon na nagbalik kana. sana hindi ka na muling mawala pa. Sana lagi mo kaming bisitahin ng lolo mo. Matanda na kami, sandali na lang eh kukunin na kami ni Lord kaya sana sa natitirang oras namin ay muli ka pa naming makasama. Kaya maraming salamat sa Diyos at ibinalik ka niya sa amin", wika ni lola habang walang humpay sa pagluha.
"Ang tagal namin inintay ng lola mo itong oras na ito. Walang araw na hindi ka namin ipinagdadasal apo na sana bumalik ka na sa dati... na sana magbalik na ang Nica namin. Salamat sa Diyos at tinupad niya ang matagal na naming panalangin", wika ni lolo na umiiyak din.
Hindi ko na rin napigilan yung sarili ko at naiyak na rin ako.
"I love you lo... I love you la! I'm back", wika ko sabay yakap sa kanilang dalawa.
"Thank you Lord at hinayaan po ninyong mag krus and landas namin ni Angel.... kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ito", bulong ko.
"Angel.... salamat..", wika ko kasabay ng paghinga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)
Short StoryAnong gagawin mo kung pinaglalaruan ka ng iyong isipan? Kaya mo bang pigilan kung ano ang nakatadhana? Paano mo malalaman kung ano ang realidad o pantasya kung ang puso mo mismo ay pinaglalaruan din nito? Maraming katanungan ang mahirap bigyan ng k...