Day 8: Birthday

73 13 0
                                    

"Surprise!!!!", sabay-sabay na wika nila Lemuel, Mia, Lily, ate Faith, Doc JM, lolo, lola, tita Jen at asawa niya.

"Happy birthday to you...happy birthday to you...happy birthday... happy birthday... happy birthday to you!"

"Happy birthday Nica!", sabay-sabay nilang wika.

Hindi ko inaasahan na maghahanda pala sila para sa birthday ko.

Kakauwi lang namin ni Angel dahil nagsimba kami since birthday ko. Sabi kasi niya dapat hindi ko kinakalimutan na pasalamatan si God tuwing birthday ko dahil isang malaking gift yung buhay ko. Hindi daw lahat ng tao ay nabibigyan ng  pangalawang pagkakataon para mabuhay. Sabi niya huwag ko daw sayangin yung chance na binigay sa akin ni God kaya ayusin ko raw yung buhay ko.

Tama naman siya. Nakakatuwa lang dahil parang kilalang-kila niya ako.

Oo this is my second life. Kaya nga nag the-therapy kami ni doc JM kasi gusto kong gumaling kahit pa may times na hindi ko mapigilan yung emosyon ko kay nagawa kong magpakamatay.

Buti nalang God is good at biglang sumulpot itong babaeng ito out of nowhere.

Hayss... life is msyterious indeed.

"Hoy Nica, nag s-spaced-out ka nanaman. Lapitan mo kaya sila oh", bulong sa akin ni Angel.

"Happy birthday apo!", wika ni lola sabay yakap sa akin ng mahigpit ganun din si lolo na dinamba kami ni lola.

"You're looking good. Blooming yata ang aking paboritong pamangkin...its a good sign and I am happy for you", wika nito sabay yakap ng mahigpit at halik sa aking noo. "I miss you Nica", bulong pa nito.

"I miss you too tita. Thank you po for coming...", wika ko rito habang lumuluha. Na touched ako grabe paano nagbiyahe pa talaga siya para lang sa birthday ko. Knowing her at yung asawa niya eh super busy kaya nila.

"Hoy girl! Happy birthday. Oh regalo namin sa iyo... Congrats din girl sa bago mong work", wika ni Lemuel sabay abot ng regalo niya sa akin.

"Happy birhday Nica... hangout tayo minsan ha", wika naman ni Lily.

"Ui pasyalan  mo naman ako sa kabila. Luto tayo ng friedchicken", sambit naman ni Mia sabay halik sa pisnge ko.

Ang sarap pala ng ganitong feeling...yung ramdam mo na may mga tao na nag-aalala sa iyo. I feel so special.

"Oh nag dadrama naman ang Little sis ko... happy birthday! Wish ko na magimg ok na ang lahat. Happy ako for you sis", wika ni ate Faith sabay yakap sa akin ng mahigpit na mahigpit.

"Thank you ate Faith. Thank you sobra...thank you sa lahat ng tulong mo sa akin... without you hindi ko alam kung paano ako makakasurvive. Thank you din dito sa party. Alam ko ikaw ang may pakana nito", wika ko rito.

Paano siya lang naman ang may susi ng unit ko. Siya lang kasi yung pinapapasok ko rito at nagdadala ng foods ko.

"I love you Li'l sis. Welcome back. Huwag ka ng mawawala ulit ha!", bulong pa nito. Tumango lang ako.

"Happy birthday Nica. I am very proud of you", wika ni doc JM sabay halik sa pisnge ko.

Hindi ko tuloy maiwasan na naiyak habang pinagmamasdan ko yung mga bisita ko. Hindi ko inakala na darating yung oras na makakasama ko ulit ng ganito sina lolo, lola at tita Jen. Bonus pa yung may mga bago akong kaibigan.

Teka nasaan na pala si Angel? Kamuntik ko na siyang makalimutan.

"I'm ok. Don't worry about me. Ayos lang ako dito", wika nito habang nakaupo sa isang stool sa  may bintana at pinagmamasdan ako ng mataimtim.

"Happy birthday Nica...Sige lang...ayos lang ako... I love you", wika pa nito na nakangiti. Pero bakit ganun parang may kakaiba sa kanya.

"I love you too", tugon ko sa kanya.

Literal naman na nanlaki ang aking mga mata sa dami ng pagkain na inihanda nila ate Faith. May palabok, lasagna, crispy pata, fried chicken, lumpiang sariwa, caldereta, potato salad, leche flan at cake. Grabe effort niya kaya swerte ni doc JM kay ate Faith.

"Nica make a wish na...", sambit ni ate Faith habang sinisindihan yung kandila sa cake. Pagkatapos nun ay muli nanaman nila akong kinantahan ng happy birthday.

Pumikit muna ako bago ako nagsalita, "Kung panaginip lang ito ay sana hindi na ako magising", sambit ko sabay ihip sa kandila. Totoo naman yun ang wish ko. Sana totoo itong mga nangyayari. Natatakot ako na baka isa lang ito sa mga panaginip ko. Pero hindi... hindi ako makakapayag.

"Maraming salamat sa lahat ng pumunta ngayong kaarawan ko. Kung alam lang ninyo kung gaano ako kasaya ngayon. Very thankful ako at nandiyan kayo para sa akin. Lolo at lola salamat sa pag-intindi sa akin. Salamat at lagi ninyo akong iniintindi. Sorry kung hindi ako naging mabuting apo", wika ko sabay ngiti kila lolo at lola na umiiyak na.

"Doc JM thank you sa pagtulong sa akin. Salamat sa pagtitiyaga...", wika ko rito. Nag thumbs-up naman siya paano hindi siya makapagsalita dahil punong-puno ng pagkain yung bibig niya. Hay! Si Doc talaga kahit kailan ang takaw.

"Ate Faith. Thank you sa lahat-lahat. Sorry sa pagiging pabigat ko sa iyo. Promise magbabago na ako. I love you ate Faith", wika ko rito.

"I love you too Li'l sis", sigaw nito.

"Sa mga bago kong friends. I hope mapagtiyagaan ninyo ako. Thank you sa pagtanggap ninyo sa akin", wika ko.

"Love you girl", sigaw ni Lily. Paano si Mia at Lemuel busy sa pagkain ng fried chicken. Haysss! Ano ba naman etong nga bago kong kaibigan mas inuna pa kumain. Sabagay masarap naman talaga yung luto ni Ate Faith.

"And lastly, gusto ko magpasalamat kay Angel. Lahat ng ito... lahat  ng pagbabago na naganap sa sarili ko ay dahil sa kanya...", wika ko habang hinahanap ng aking mga mata kung nasaan na yung babaeng yuon.

"Angel? Angel?", wika ko pero hindi ito sumasagot.

"Nakita ninyo si Angel?", tanong ko sa kanila pero ni isa ay walang gusto magsalita..

Nagsimula nanaman akong mataranta. Kinakabahan ako sobra.

Agad akong tumakbo papunta sa silid pero wala siya duon. Wala din sa CR kaya nagmamadali akong lumabas ng unit at tumakbo papuntang elevator.

Narinig ko pang tinatawag ako ni ate Faith pero hindi ko na ito pinansin. Kailangan kong makita si Angel. Hindi siya dapat umalis. Hindi niya dapat ako iniwan. Bakit kung kailan ok na ako saka naman siya biglang mawawala. 

Bakit ganun? Ano yun? Parang tinakam niya lang ako? Iniwan sa ere? Ano yung mga moments na pinagsamahan namin? Wala lang ba sa kanya yuon? Ang labo.

"Angellllll.....Angellllll", sigaw ko ng paulit-ulit habang unti-unting bumabaksak ang aking katawan. Namalayan ko na lang na nakaluhod na ako sa kalsada.

"Angel....nasaan ka...bumalik ka na please...huwag mo akong iwan...promise... promise....gagawin ko ang lahat ng gusto mo para hindi ka na umalis... Angel please....", wika ko habang patuloy sa paghagulgol.

"Tama na yan Nica. Tara balik na tayo sa itaas", wika ni ate Faith.

"No ate. Dito lang ako. Iintayin ko si Angel...babalik siya...babalik siya.... hindi niya ako iiwan...dito lang ako ate Faith", wika ko ng paulit-ulit.

Umupo naman ako sa gutter habang ang aking mga kamay ay nakatakip sa aking mukha. Hindi ko lubos naisip kung paano niya ito nagawa sa akin. "Angel....nasaan ka na", paulit-ulit kong bulong sa isipan.

"Halika na. Pag-usapan na lang natin sa itaas", sambit ni ate Faith.

Labag man sa aking kalooban ay sumama pa rin ko sa kanya.

"Bakit Angel...Bakit ngayon pa.... bakit kung kailan mahal na kita", paulit-ulit ito sa aking isipan.

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon