Day 6: A day to remember

74 13 0
                                    

Napamulat ako ng masilaw ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Nakalimutan ko kasimg takapan ito ng kurtina na maigi.

"Shit! Nasaan siya?", sambit ko sabay na mabilis na tumayo. Paano nang kinapa ko ang pwesto niya sa kama ay wala na siya rito. Hindi ko kasi namalayan ang oras dahil late na ako nakauwi kagabi galing kila lolo at lola tapos nanood pa kami ng movie pagdating ko kaya puyat ako.

Nagkwentuhan pa nga kami bago kami matulog eh tapos wala naman siyang nasabi na may pupuntahan siya.

'Angel?"

"Angel", sigaw ko pero walang sumasagot. Agad kong binuksan ang pinto ng banyo pero wala siya. Wala din sa sala o kusina. Hindi ko mapigilan na mapaupo sa sofa at mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Angel....nasaan ka bang babae ka?", wika ko sabay buntong hininga.

Hindi talaga ako nakatiis at bumaba na sa lobby paano tatlumpung minuto na ang nakakaraan pero wala pa rin siya. Kahit nakapaa ako wala akong pakialam gusto ko lang siyang makita. Pagkabukas pa lang ng elevator ay agad na akong tumakbo papunta ng front desk para mag tanong.

"Angel!....Angel! Angel!", paulit ulit kong sigaw pero wala pa din.

'Miss nakita mo ba yung babaeng lagi kong kasama? Morena siya tapos kasing tangkad ko lang. Mahaba ang buhok niya na wavy tapos kulay brown, payat tapos naka summer dress.. Basta yung lagi kong kasama", wika ko habang iniikot-ikot ang aking panimgin sa lobby. Hindi naman niya ako sinagot.

"Maam ok lang po ba kayo", wika ni manong guard.

"Hindi po. Nakita mo bang lumabas dito.yung babaeng lagi kong kasama? Anong oras siya umalis?"

"Maam sorry po hindi ko nakita", wika nito sabay kamot ng ulo.

"Paanong hindi mo nakita eh ikaw yung bantay diba? Dapat alam mo kung sino yung lumalabas at pumapasok", galit na wika ko rito. Paano kinakabahan na ako.

What if kung napano na siya... paano kung hindi na siya bumalik. At talagang hindi ko na napigilan yung luha ko. Lumabas ako ng condo at sinigaw ang pangalan niya habang umiiyak.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa gutter habang umiiyak. Sunod-sunod din ang aking paghikbi.

"Angel...Angel... nasaan ka na? Bumalik ka na please. I miss you... Angel...", sambit ko na parang batang umiiyak.

Ewan ko ba kung ano yung nararamdaman ko ngayon. For how many years hindi ko ito naramdaman.

"Hoy Nica! Tumayo ka diyan para kang tanga!", sigaw nitong babaeng salarin kung bakit ako nagkakaganito.

Agad naman akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Tuloy-tuloy pa rin yung luha ko sa pag-agos. Ang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Tahan na Nica....tahan na... andito na ako...sorry kung pinag-alala kita....sorry....", bulong nito sa akin habang hinahaplos-haplos yuong likod ko.

Hindi ako makapagsalita. Panay hikbi lang ang lumalabas sa aking bibig. Bahagya nitong inilayo ang sarili sa akin at pinagmasdan ang aking mga mata.

"Tama na Nica please...sorry na", sambit nitong muli habang pinupunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang palad.

"Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit mo ako iniwan?", tanong ko rito habang parang batang humihikbi.

Inabot ko naman ang kanyang mukha at itinapat ko ito sa akin na dahilan para maging pantay ang aming mga mata na patuloy sa pagtitig sa bawat isa.

"Pinuntahan ko lang saglit si inang. Yung lola sa palengke. Nangako kasi ako sa kanya na babalikan ko siya eh. Sorry na Nica", pagsusumamo nito sa akin.

Gusto ko siyang awayin pero hindi ko magawa. Natatakot ako... natatakot ako na baka kapag ginawa ko yun ay tuluyan na niya akong iwan.

"Huwag mo na uulitin yun ha! Mag promise ka... magpromise ka na hindi mo ako iiwan...", wika ko rito.

""Sorry na Nica...Sorry talaga...hindi na mauulit", tugon nito.

Muli ko siyang niyakap ng mahigpit sabay hinalikan ang kanyang labi. Hindi ko na kasi mapigilan yung emosyon ko. Bagama't nagulat ito pero hindi naman ito tumutol at hindi rin niya ito tinugunan.

Wala na akong pakialam kung nasa kalsada pa kami at kahit pa na nakapaa lang ako at naka pantulog. Wala rin akong pakialam sa mga taong nanonood. Bahala sila. Buhay ko ito.

"Nica...Nica... gusto ko mamasyal... gusto ko mamasyal tayo...", out of nowhere nitong wika habang nagbibihis ako. Kakatapos ko lang kasi naligo dahil walang tigil ito sa pang-aasar sa itsura ko.

"Saan mo naman gusto pumunta?", wika ko rito.

"Gusto ko... gusto ko pumunta sa farm. Gusto ko sa flower farm... tapos magpipiknik tayo sa John Hay... tapos kakain tayo ng strawberries... tapos hihiga tayo sa damuhan habang binabasahan mo ako ng kwento sa libro mo...diba may Grimm's fairytales ka? Gusto ko yun... gusto ulit marinig yuon...", wika nito.

"At paano mo nalaman na..."

"Nakita ko. Nakita ko yung libro mo. Gusto ko yun Nica... Dalhin natin yuon ha...", tugon nito.

"Sige ihahanda ko lang yung dadalhin natin. Hihiramin ko yung sasakyan ni ate Faith para may magamit tayo...", wika ko rito.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang na excite...

"Nica! Nica! Hoy Nica! Ang ganda-ganda parin dito ano?", sambit ni Angel habang inaamoy-amoy yung mga sunflower, lilies at roses.

Andito na kami sa isang malaking flower farm sa La Trinidad. Kanina pa kami nag iikot-ikot rito. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang isa-isa niyang inaamoy at hinahawakan ng marahan ang mga bulaklak.

"Nica, bagay sa iyo oh", wika nito sabay hawak sa ulo ko at inipit yung sunflower sa gilid ng tenga ko.

"Ayan ang ganda-ganda mo pala Nica eh. Huwag ka laging nakasimanagot. Dapat chill lang. Dapat lagi kang naka smile. Huwag kang malulungkot. Alam mo ba Nica, happiness is a choice... so chose to be happy ok? Kahit ano pa man yung problema mo o yung pinagdadaanan mo...dapat kayanin mo ok", wika nito sabay sipat sa mukha ko. Niyakap ko naman ito.

Hindi ko alam kung bakit nanaman ako naiiyak. Mukhang na-aatached na ako sa kanya. Kahit ilang araw pa lang kaming magkasama feeling ko ang tagal ko na siyang kakilala. Kakaiba yung dating niya sa akin. Ang hirap i-explain.

Bigla tuloy akong napaisip kanina noong wala siya....ganun na ba ako ka attached sa kanya? Paano kung isang araw na lang eh magdesisyon na siyang umalis? Magpapapigil kaya siya? Kakayanin ko kaya?

Hay! Ang gulo... Ayaw ko munang isipin yun. Basta ang importante masaya ako ngayon.

"Nica basahin mo na yung libro mo please", sambit nito habang akmang hihiga na sa nilatag kong mat sa damuhan. Andito na kami sa Camp John Hay. Punili kami ng pwesto kung saan maraming puno at wala masyadong tao. Gusto ko din kasi i-enjoy yung moment namin na walang mga taong nanonood o nakikiusyoso.

"Nica, next week nag wowork ka na. Galingan mo ha. Huwag kang tatamarin pumasok tapos makitungo ka ng maayos sa mga katrabaho mo. Huwag kang mahihiyang makipag-usap sa kanila. Mukha naman mabait yung boss mo duon kaya tiyagaan mo at pagbutihin ang work ok. Sabi ko sa iyo pagninenerbiyos ka himasin mo lang yung bracelet na binigay ko sa iyo at magiging ok ka na", wika nito habang humiga na sa mat at ipinatong yung ulo niya sa hita ko.

"Oo naman. Saka bakit mo ba sinasabi yan ha? Bakit uuwi ka na ba sa inyo?", wika ko rito na may halong lungkot.

Paano para naman kasi siyang naghahabilin eh. Kinakabahan tuloy ako sa sinasabi niya.

"Wala lang. Para hindi mo lang makalimutan. Pati pala yung training mo sa tennis at workout sa gym, seryosohin mo ha. Baka mamaya eh panay umpisa ka lang. Please Nica ayusin mo yung sarili mo ha...", wika nito.

Hindi alam kung bakit bigla akong yumuko at hinalikan siya sa kanyang labi. Tinugunan naman niya ito ng mabilis.

"Tandaan mo Nica. I care a lot for you. Sige na, basahan mo na ako ng kwento. Gusto ko yung Cinderella", wika nito sabay pikit ng kanyang mga mata. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa habang hinihimas-himas ko ang kanyag ulo at makatulog ito.

"Kakayanin ko kaya kapag umalis kana?", bulong ko sa isipan habang pinagmamasdan ang kanyang mukha kasabay ng pagtulo ng aking luha.

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon