Day 4: Find A Job

83 14 0
                                    

"How do I look?", sambit ko rito sa kasama kong brat paano na tetense na ako, pinilit kasi niya akong mag-apply ng work. Biruin mo magdamag ba naman ngumangawa na parang batang nagtatantrums na ayaw tumigil hanggang hindi ako napapa-oo. Kulang na lang eh maglupasay sa sahig at may paiyak-iyak pang nalalaman. Kaasar. Kung hindi lang talaga ako inaantok kagabi eh hindi ko ito pagbibigyan.

Pag-gising ko nakahanda na ang lahat. Pati porfolio ko inihanda din niya. Siya mismo ang nag-ayos ng mga sample designs ko. In fairness, maganda at organize ang pagkakaayos niya. Mukhang may taste din siya sa designs ah at mukhang mas alam pa niya kung nasaan mga gamit ko kesa sa akin hindi ako makapaniwala kung paano niya ito nakuha... hay sabagay pakialamera naman talaga siya eh.

Kahit ganun pa man, sa isang banda eh nakakatuwa din siya dahil siya pa mismo ang naghanda ng mga personal na gagamitin ko, pati damit ko siya din ang pumili. Parang legit na girlfriend tuloy ang dating niya. Kalma lang self....hindi mo siya type... pang kumbinsi ko sa aking sarili. Hindi pa nga ba? Mukhang more than that na yata....

"Isuot mo itong salamin Nica para mukha kang matalino", sambit nitong brat na ito habang isinusuot sa akin itong eye glasses ko na pang porma lang.

"Ano?"

"Sabi ko mag eyeglass ka para magmukha kang matalino at matanggap", wika nito habang inaayos yung kuwelyo ng blazer ko. May isinuksok din itong panyo sa aking bulsa.

"Shit!", sambit ko ng bigla akong na out of balance.

"Hoy Nica! Ok ka lang ba? Huwag mong sabihin na hihimatayin ka na sa nerbiyos eh hindi ka pa naman iniinterview."

"Ayos lang ako. Dumilim lang yung paningin ko", sambit ko pero sa totoo lang nakita ko nanaman siya. Yung babeng walang mukha. Andito siya pero parang parehas sila ng damit nitong kasama ko. Nakakatakot. Parang doppelganger sa pelikula ganun.

"Sure ka ba na ok na itong porma ko?", sabay ayos sa pagkakatupi sa suot kong dark brown na blazer. Nacoconscious kasi ako medyo matagal-tagal na rin noong huli akong pumorma ng ganito. Naka plain black na blouse ako sa loob na pinatungan ko ng blazer na tinernuhan ng black na fitted slacks tapos flats. Naka light make-up din ako. Ito kasi yung pinili nitong brat na ito na isusuot ko. Girl na girl tuloy ang itsura ko. Malayo ito sa araw-araw ko na porma na either white t-shirt or naka hoodie lang tapos joģging pants or skinny jeans at rubber shoes.

"Ayos na yan. Ayan! Ayan! Ang ganda ganda mo na Nica. Mukha ka na talagang matalino niyan. Galingan mo sa pagsasalita ha. Huwag kang mahihiya. Sisipain kita kapag hindi ka umayos. Huwag kang nenerbiyosin kapag kausap mo sa si Architect Enriquez", sambit nito. Teka paano niya nakilala si architect? Sabagay sikat nga pa yuong tao na yun rito sa Baguio.

"Nica! Sandali", sambit nito kaya tumigil muna ako sa paglalakad. "Ano yun"', tugon ko pero hindi naman ito nagsalita bagkus lumapit ito at isinuot sa akin yung bracelet niyang yari sa maliliit sa bato na kulay red at black.

"Pampaswerte. Pag ninenerbiyos ka o natatakot himas-himasin mo lang ito, mawawala yung negative feelings mo. Tapos isipin mo lang na katabi mo ako ok. Good luck Nica. Kaya mo yan", sambit nito sabay halik ng mabilis sa aking pisngi at biglang tumalikod ng mabilis na animo'y nahihiya. Napangiti tuloy ako ng malapad. Paano kinilig ako. Hay! Ang sarap ng feeling. Konti na lang mapapakanta na ako ng "I can't fight this feeling".

Andito na ako sa loob ng ArchiTexture Designs and Construction Co., kung saan ako nag OJT noon. Hindi naman masyado kalayuan sa town ang office nila, actually para itong isang malaking warehouse kung saan nahahati sa apat na division para sa planning and design, HR and marketing, finance and auditing at logistics. May showroom din sila at malaking conference room. Meron din itong attic kung saan may veranda na tanaw ang kabuoan ng opisana. Yuon ang opisina ni Architect Enriquez, nakakatakot talaga siya.

Naririnig ko pa lang yuong pangalan niya ninenerbiyos na ako. She's perfectionist kasi super mabusisi sa designs at sobrang matanong yung tipong huwag kang tatanga-tanga or else magbeast mode siya pero sa isang banda napakagaling kasi niya at mga high end pa yung projects na nakukuha niya kaya kahit natatakot ako sa kanya, I want to be like her someday.

"Have a seat Ms. Montero", sambit ni Miss Ysa. Mukhang hindi niya yata ako namukaan.

"Good morning po", sabay ngiti ng todo kulang na lang mapunit yung labi ko. Paano ito yung turo sa akin ng kasama kong brat. Parang naririnig ko pa nga yung boses niya na sinasabing "smile... smile... Nica smile..."

"Hmmmm... I see...", sambit nito habang binabasa yung resume ko. Pagkatapos nuon ay tiningnan naman niya yung portfolio ko.

"So, I remember you na... I remember you and your girlfriend... you are both good", sambit nito.

"Girlfriend?", bulong ko. Ako may girlfriend? Talaga. Bakit wala akong naalala. Baka hindi ako yuon. Pero hindi na ako umimik. Tibo ako? As in? Alam ko noong high school may boyfriend ako pero girlfriend? Totoo ba yun?

"Follow me. Archirect Enriquez wants to see you", sambit nito pagkatapos niya itong tawagan. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Kinakabahan ako sobra. Pinagpapawisan din ako ng malamig.

"Umayos ka sisipain kita!", sambit ng isang boses na parang si brat pero wala naman siya. Hay! Ano ba yan pati ba rito eh ayaw niya akong tantanan.

Agad ko naman inayos ang aking sarili bago pumasok ng kanyang upisina at binati siya.

"Miss Ysa will assist you regarding your requirements. You can go. Thank you", wika nito.

Dalawang oras niya akong pinagdesign ng layout ng bahay at Farm tapos nag present pa ako sa kanya. Hay! What an experience. Mabait naman pala siya strikto lang at very particular sa mga details. Sunod-sunod pa ito kung magtanong. Hindi ko tuloy maiwasan na himas-himasin itong bracelet ni brat. Tama nga siya, tuwing hinihimas ko ito ay nakakasagot ako sa tanong ni Architect.

"Nica!!!! Nica!!! Ano? Anong nangyari?", sigaw ni Angel habang humahangos na papalapit sa akin. "Hoy! Nicsaaaaaa!", sigaw nito.

"Huwag kang maingay!", sambit ko rito paano ang ingay sobra. Hinatak ko siya pagilid sa daan at niyakap ng sobrang higpit na tinugunan naman niya. Natutuwa kasi ako sa naging outcome ng pag-aaply ko. I'm hired.

"Thank you Angel...thank you. May work na ako... Next week na ako magstart", bulong ko rito. Hindi ko alam king bakit bigla ko siyang nahalikan. Namula tuloy yung isa.

"Sabi ko naman sa iyo eh, kaya mo yan Nica. Ikaw pa! Ang galing-galing mo kaya", sambit nito.
Bahagya naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya paano pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Tara", aya ko sa kanya sabay hila sa kanyang kamay. Bigla tuloy akong napangiti ng hawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay. Seriously? Holding hands while walking? Kinilig ako duon ah. So confirmed nga na tibo ako ganun?

"Nica bilihan mo ako ng strawberries. Kahit yung nasa madadaanan lang natin basta strawberry please", wika nito.

"Oo... naman..strawberry...as you wish", tugon ko rito habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay at hinalikan ko pa ito.

Hindi ko alam if saan ba ako na-eexcite, sa strawberry with creamcheese at cinnamon ba o kay Angel? Hayss... basta masaya ako. Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko ngayon.

May gusto na ba ako sa kanya?

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon