Day 7: Self

79 13 0
                                    

"Oh kamusta na ang little sis ko? You look different today. Blooming ah", wika ni ate Faith habang yakap-yakap ako ng mahigpit.

"Ate? Tama na", tugon ko rito paano feeling niya baby ako kung yakapin at halikan. Nakakahiya tuloy sa kasama kong brat.

"Oh bakit ang aga mo yata?", sambit nito.

Paano may session kami ni Doc JM ngayon pero sinadya ko na pumunta ng mas maaga para ipakilala itong kasama kong brat. Noong last session kasi namin eh yuon pa yung day after namin magkakilala ni Angel kaya hindi ko ito naisama pa.

"Ate Faith meet.... teka asan na ba yung babaeng yun?", inis na sambit ko paano kasunod ko lang kanina tapos bigla-biglang nawawala. Asan na man kaya nagpunta yung taong yun nakakahiya tuloy kay ate Faith.

"Yohoo! Nica! Nica!", sigaw nito sa akin sabay kaway.

"Dito muna ako, maglalaro kami", pahabol pa nito.

Ang loka nasa labas lang pala kasama si Charlotte yung anak ni ate Faith. Magkatabi silang nakaupo sa damuhan habang naglalaro ng luto-lutuan.

"Tita! Tita! She'll play with me", sigaw din Charlotte habang sabay silang kumakaway ng brat kong kaibigan. Tumayo pa silang pareho at kumembot-kembot pa. At mukhang magkasundo yung dalawa.

Pero bakit mukhang hindi masaya si ate Faith, hindi ba niya gusto yung kaibigan ko?

Ah siguro dahil mukhang isip bata kaya feeling niya immature, knowing ate Faith napaka practical at smart nitong tao na ito.

"Halika kumain ka muna. Nag bake ako ng chickenpie saka coffee creampuffs", wika nito sabay hila sa akin papasok.

"Pero... yung friend ko...", tugon ko. Hindi naman ako nito pinansin bagkus hinila ako paupo sa dining area.

"Saan mo nakilala yung friend mo? Anong pangalan niya?", sambit nito habang hinihiwa yung chickenpie.

"Sa park. Angel. Angel ang pangalan niya", tugon ko.

"Ay shit!", sambit nito ng mahulog niya yung kutsilyo na ginagamit niyang panghiwa.

"Sorry. Anong sabi mo? Angel ang pangalan niya?", tanong nito na hindi ko mabasa ang mukha.

"Yes ate Faith. She lives with me. Inampon ko muna siya. Kawawa naman eh wala na raw siyang pamilya", kwento ko rito. Hindi naman siya umimik.

"Ah...maganda siya ano?", tanong nito. Natawa naman ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinilig.

"Oh andito ka na pala. Start na tayo?", sambit ni doc JM habang ngumunguya ng creampuff. Grabe parang hindi siya professional ang takaw niya.

"Kamusta ka ngayon Nica? Mukhang maganda ang aura mo lately. That is a good sign", wika ni Doc JM habang nakaupo kaming pareho sa magkatapat na couch. Nasa office na niya kami ngayon at simula na ng therapy session ko.

"Of course doc (chuckles) hmmm... happy ako sobra."

"What makes you happy in particular?", tanong nitong muli.

"I"m happy because I am able to do things that I don't usually do."

"Like what?", tugon niya habang may kung anong tinititigan sa kanyang notepad.

"Hmmm...cooking...marunong na akong magluto ng sinigang, fried tilapia, chicken teriyaki, chopsuey, fried chicken, at sinangag. Marunong na rin akong mamalengke at maglinis ng fish", sambit ko na natatawa-tawa paano bukod sa natutuwa ako sa achievement ko eh naalala ko kung paano kami magtalo ni Angel habang tinuturuan niya akong magluto at maglinis ng isda.

"Good memories huh?",  wika nito. Pero bakit ganun parang mapakaseryoso niya.

"Yes doc. I remember how we banter while we are cooking together"

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon