Day 1 begins: Do Something new

130 16 1
                                    


"Hoy!!! Hoy!!! Ho-ooooo-ooy!!! Bangon na!!! Tanghali naaaaaaaa!!!! HO----oooy!!!", sigaw nitong brat na kasama ko.

Ai grabe siya kung makasigaw, basag ang ear drums ko,  paano ang tining ng boses niya kulang na lang mabasag din yung mga salamin at baso ko dito sa bahay. Pati balahibo ko grabe nagtayuan din.

Seriously? Ganun ba talaga siya ka isip bata.  Nagkamali yata ako sa naging desisyon ko na ampunin itong babaeng ito.

"Hoy!!! ano ba Nica....tanghali na oh....hoy!", sambit nito habang hinihila ang paa ko paano pumikit ulit ako kanina sabay talukbong ng kumot. Eh sa inaantok pa kasi ako paano alas singko pa lang ng umaga nangigising na siya...kaasar diba? Tapos ang lamig pa.

"Oo na...Oo na po. Sandali!", tugon ko.

Bahagya naman akong bumangon pero nakapikit pa rin yung mga mata ko. Lumapit naman ito sa akin at ibinuka yung mga mata ko gamit ang mga daliri niya. Kaasar talaga. Nabunutan pa tuloy ako ng pilik mata.

"Sinabi ng bumangon eh! Babangon ka o babangon ka? Or else.... hahalikan kita sige ka!", sambit nito sabay akmang nilalapit ang kanyang nakausling nguso. Nabato ko tuloy siya ng unan sa mukha.

"Eh pareho lang naman yung sinabi mo! Me choice pa ba ako?", gigil na tugon ko rito sabay sabunot sa buhok ko. Kainis ang kulit.

At dahil sa sobrang antok pa talaga ako, nang ito ay bahagyang lumayo ay humiga akong muli. Hindi ko kasi mapigilan ang aking mga mata sa pag-pikit.

First time ko kaya na gumising ng ganito kaaga, feeling ko kakatulog ko lang. Hayss!

"Aba! Aba! Aba! Hoy!!! Anong ibig sabihin niyan?  At talagang wala ka pang planong bumangon?", sigaw nito ng napansin na nakahiga na akong muli.

"Hoy! Bangon na, Ano ba? Maghilamos ka na para magmukha kang tao, ang pangit mo na kaya Nica... ang payat payat mo...", wika nito habang pakembot-kembot pa sa harap ko.

 Akala mo naman siya ubod ng ganda at linis eh ayaw nga niya palitan yung damit niya. Pinahiram ko na nga eh kaso ayaw talaga magpalit.

"Aba! Sino kaya sa ating dalawa ang mabaho aber? Ikaw nga eh hindi ka nagpapalit ng damit tapos kung mapintasan mo ako wagas. Ewan ko sa iyo", asar na tugon ko rito.

Huminto naman ito sa pang-aasar at tumayo sa harap ko na akala mo kung sinong inapi eh totoo naman yung sinasabi ko, malay ko ba kung saang lupalop siya nangaling ano tapos ayaw magbihis. Mamaya niyan may hepa pa ito o kung anong sakit tapos mahawa pa ako. 

"Hoy! hoy! hoy! aba! aba! Hinahamon mo ba ako?", sambit nito sabay damba sa akin at siniksik niya yung ulo ko sa kili-kili niya.

"Shit! bitawan mo ako! bastos! yuck!", sambit ko habang nagpupumiglas.

Pero in fairness, ang bango ng kili-kili niya amoy cocoa butter.

Hmmm...parang familiar yung amoy na iyon sa akin. Bigla tuloy akong kinilig na ewan buti na lang hindi niya nakahalata.

"Suko na ako...suko na ako ok? tigil na please", paano hindi na ako makahinga sa kaharutan niya.

"Sige na sige na... eto na nga oh!", sabay tayo.

"Ayan! Good girl", sambit nito sabay irap sa akin. Ang kapal. Eh kung palayasin ko kaya siya?

"Saan ba tayo pupunta? Bakit sobrang aga naman natin?" , paano alas singko pa lang ng madaling araw, ang lamig-lamig pa. 

"Basta! bilisan mo!", sambit nito sabay irap sa akin. Ang kapal! sobra at siya pa itong may ganang mang-irap.

"Sige na maghihilamos na ako saka magbibihis ok? Ano masaya ka na?", wika ko sabay lakad ng nakapikit papuntang banyo.

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon