The Past

88 14 1
                                    

"Nica? Are you ok? Ui Nica.... sabi ko na nga ba eh sana hindi na lang tayo pumunta dito... ang kulit mo kasi.... Nica.... Nica, speak to me please..", wika ni ate Faith.

Naririnig ko naman siya pero para akong napako sa kinatatayuan ko tapos hindi rin ako makapagsalita. Biglang nandilim naman ang aking pangingin. Tapos pakiramdam ko nalunok ko yung dila ko.

"Shit! ano ito?", bulong ko. Paano padilim ng padilim yung paningin ko. Sobrang dilim tapos may konting liwanag pero blurred.

Si Angel... Si Angel... she's smiling at me... tumatakbo siya... parang nagpapahabol sa akin. Nasa beach kami. I can smell the sea and feel the breeze. She's wearing white beach dress tapos nakapaa. I can feel the sand on my feet too.

"Catch me Nica... catch me if you can...", wika nito habang tumatawa. Parang nag-eecho yung boses niya. Naririnig ko pa siyang humahagikhik. Ang sarap sa tenga ng kanyang boses, para akong kinikiliti. Shit bakit biglang nawala?

Heto nanaman biglang may pumasok na image.... nakahiga na kami sa buhanginan habang nagtatawanan. Yung mga ngiti niya... ang sarap panoorin. "I love you Nica...", wika nito sabay haplos sa mukha ko tapos unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sa akin.

Shit! bakit biglang nagdilim nanaman. Wala na akong makita. Teka boses yun ni Angel, bakit siya umiiyak.

"Angel? Angel?", sigaw ko sa dilim. Nagsimula ng bumilis yung tibok ng puso ko. Ang lakas ng kaba ko sabayan pa ng panlalamig ng katawan ko. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.

"Nica... tulungan mo ako Nica...Nica tulungan mo ako", sunod-sunod na sigaw ni Angel habang umiiyak ng malakas. Shit ano iyon? Bahagya naman lumiwanag, nakita ko yung mukha niyang luhaan. Tapos bigla nanaman dumilim. May mga boses... may mga boses na nagtatawan....

"Nica... Nica...", paulit-ulit niyang iyak. Umiiyak na rin ako.

"Kaya mo pa ba Nica?", sambit pa ni ate Faith na ikinagising ng wisyo ko. "Hoy Nica! Answer me!", pahabol pa nito. "Nica!"

Napamulat naman ako at nakita ko sa mukha niya na talagang nag-aalala na siya sa akin. Naandito kasi kami ngayon sa kalagitnaan ng Kennon Road. Nakapwesto kami sa isang liblib na sulok sa tabi ng bangin. Walang masyadong tao rito, tanging mga iilang motorista lang ang dumadaan. Hindi na rin kasi advisable dumaan yung mga turista dito.

"Ate Faith I saw her... I saw Angel... nakita ko siya...umiiyak siya ate Faith... she's calling my name.. she's asking me to help her... ate Faith I'm helpless... I want to help her but I can't.

"Nica, mag-ingat ka. Ano ba! bumalik ka nga rito!", sigaw ni ate Faith. Paano pilit akong lumapit sa mismong may bangin. Tapos bahagya akong sumandal sa isang bato na nakatayo na nagsilbing palatandaan na may nangyari dito na hindi maganda.

"Nica... huwag matigas ang ulo...sige na please...", sambit ni ate Faith habang inaabot yung kamay niya sa akin.

Hindi ko maiwasan na maiyak ng makita ko itong lugar na ito. Hindi ko akalain na babalik pa ako rito matapos nung may nangyari sa amin ni Angel. Unti-unti kasing may nagbabalik na alala-ala sa aking isipan. Flashes of images.

"Nica....Nica... Nica...", boses na paulit-ulit kong naririnig na humahagikhik. Its Angel's voice.

"Angel? Angel? Angel!", sigaw ko habang umiiyak. Paano ayaw tumigil yung boses na yun.

"I'm here Nica!", sabi nung boses. Na dahilan naman ng pagdungaw ko sa bangin kung nasaan yung boses.

"Angel?", sigaw ko.

"Nica, mag-iingat ka!", sigaw naman ni ate Faith.

"That tree... yung puno na yun... I remember that tree... Angel... Angel! Angel! Mag-iingat ka!", sigaw ko habang umiiyak at nakatitig sa isang puno na baliko ang katawan. Hindi ko namalayan na papalapit na pala ako sa bangin. Naramdaman ko na lang na may humablot sa akin.

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon