My Angel

213 18 2
                                    

Veronica

"It seems that you are in a good mood today Veronica. I am happy to see you like this. So can you tell me more about your friend", wika ni Doc JM na aking personal psychologist.

"Hmmm... (smiling) She's nice and.... Pretty? (chuckles)...hmmm... I mean she have this features na hindi head turner, pero the more you look at her the more you will be captivated. At first, I was so irritated to her", tugon ko.

"Nakakainis siya. Ang kulit. She would not stop talking, parang siyang may word bank kasi hindi siya nauubusan ng sasabihin. I even pushed her away... actually many times.. but then she sticks to me like my shadow kaya hinayaan ko na lang baka sakaling tumigil. Pero hindi... hindi siya tumigil. By the way I just met her yesterday but it seems that matagal na kaming magkakilala", wika ko pa habang napapangiti.

Ewan, hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman tuwing naaalala ko siya.

FLASHBACK

"Who the fuck are you?", angil ko dito sa babaeng napaka clumpsy. Kung hindi dahil sa kanya eh di sana masaya na ako ngayon. I was able to feel the bliss that I am longing for. Ang tagal ko kaya itong inintay tapos mapupurnada lang.

"Fuck talaga?" sabi nito.

"Nagsosorry na nga oh! Eto nga po oh, Sorry miss masungit, sayang maganda ka pa naman. Sorry na ulit", sabi nito at biglang lumuhod sa harap ko.

"So--rry na po miss... Soooo-ry", sigaw nito.

"Hoy tumayo ka diyan. Ano bang ginagawa mo? Tayo! Nakakahiya!", sigaw ko dito. Sabay talikod. Naiinis na talaga ako. Nagtinginan tuloy sa akin yung mga tao. Sobrang nakakahiya.

"Oi...Oi miss... miss... hoy! Intayin mo ako", sabi nito habang humahabol sa akin.

Binilisan ko maglakad pero ganun din ginawa niya. Bawat hakbang ko ganun din ang ginagawa niya.

Natawa na lang ako ng bigla itong sumubsob sa akin, paano bigla akong tumigil sa paglalakad.

"Aray! Bakit ka huminto?", angal nito.

"Eh bakit mo ba kasi ako hinahabol? Alam mo ba na nasira ang pagmomoment ko dahil sa iyo", sabay irap ko dito. Sobrang naiinis na kasi ako.

"Eh gusto ko lang naman malaman kung hindi ka na galit kaya hinahabol kita!", sabi nito na pa inosente. Hay naku kung mamalasin ka nga naman oh. At nagpapacute pa. Hayss. Bwisit.

"Ano ba kasi ginagawa mo sa may dock? Ang laki-laki ko hindi mo ba ako naiwasan?", sabi ko.

"Saka tigilan mo na yang pag be-beautiful eyes mo sa akin, hindi ka cute. Nakakadiri.", wika ko rito.

"Ah eh..ano kasi may hinahanap ako kaya hindi ko napansin yung... yung... ah yung nakausling kahoy sa sahig sa dock kaya nasubsob ako sa iyo", paliwanag niya.

Sabagay luma narin naman yung sahig ng dock, mukha naman nagsasabi ito ng totoo.

"Eh ikaw anong ginagawa mo sa dock", sabi nito.

"Ano ba ginagawa ng tao dun? Eh di nag momoment diba? At dahil sa iyo nasira yun.", inis na tugon ko.

"Eh bakit may dala kang mga gamot? May sakit ka ba ha? Anong sakit mo?", sambit niya saka sinipat-sipat ang aking leeg.

"Eh wala ka naman lagnat. Naku anong sakit yan? Nakakahawa ba?", tanong nito sabay takip ng bibig na akala mo nandidiri habang bahagyang dumistansiya pa sa akin.

"Hoy! For your information wala akong sakit at first of all wala kang pake kung ano man yung ginagawa ko. Bakit friends ba tayo ha? Hindi naman diba?", sabi ko dito na talagang konti nalang makakapatay na ako.

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon