"Pssssst! Pssssst! Hoy! Gising na. Late na tayo oh!", wika nitong brat na katabi ko sa kama habang niyuyugyog ako.
Eh inaantok pa talaga ako.
Paano hindi ako nakatulog sa paghihilik nito. Parang matanda kung matulog.
Sa labas sana siya matutulog kaso natatakot daw siya sa multo eh paano nanood ng nanood ng horror habang nasa kabilang unit ako.
Tapos ayaw pa magpalit ng damit. Kung hindi ko pa tinakot na huhubaran ko siya pag nakatulog siya eh hindi pa ito magbibihis.
Ano bang meron sa damit niya at mahal na mahal niya?
Biruin mo nilabhan pa niya agad ito. Eh ang dami ko naman damit na pwede ipahiram sa kanya tapos panay mamahalin pa.
"5 mins... 5 mins ok... sandali lang please", pakiusap ko rito.
"Ok 5 minutes lang ha. 5minutes", tugon nito.
Tumango naman ako sabay pikit ng aking mga mata at ganun din siya.
Bigla akong napamulat ako ng naramdaman kong may kung anong nakadagan sa dibdib ko.
Ang bigat pero ang bango. Shit ano ba itong nararamdaman ko.
Shit ang brat! Nakatulog na nakapatong ang ulo sa dibdib ko habang ang mga braso niya ay nakayakap sa akin. Yung 5 minutes mukhang naging 30 minutes...
Hay! Bakit kasi kailangan gumising ng maaga.
Mukhang ang payapa ng itsura niya ngayon compared noong isang araw.
Hindi ko muna siya ginising. Ewan ba parang ang sarap niyang pagmasdan.
Iba yung feeling ko... hindi ko ma-explain... the feeling is familiar, parang pakiramdam ko kilalang kilala ko itong brat na ito. I should discuss this to doc JM? Well, mas makakabuti na rin na ipakilala ko na rin siya kay ate Faith.
"Good morning", bati ko rito ng iniangat niya yung ulo niya. Ngumiti naman ito.
"Tara na!", sambit nito ngunit niyakap niya muna ako ng mahigpit bago ito tumayo.
Ewan ko parang naluluha ako na hindi ko maintindihan. Agad naman akong nagbihis gayun din siya.
Jogging. Ayan ang trip niyang gawin ngayong umaga. Nagpalibot-libot kami sa Burnham Park hanggang sa mapagod.
"Mamaya Nica mag tennis ka", out of nowhere na sambit nito habang nagkakape kami sa tabi ng lake.
"Ano?"
"Sabi ko mag tennis ka. Nakita ko mga pictures mo, varsity ka pala ng school ninyo noon ng tennis tapos lumaban ka rin sa national kaya gusto kita makitang naglalaro ng tennis", wika nito.
"Seryoso?", tanong ko rito. Mukhang mas marami pa siyang alam na impormasyon tungkol sa sarili ko.
Oo hindi ko nakakalimutan yung paglalaro ko ng tennis. Hindi naman lahat ng ala-ala ko ay nabura. May mga naalala pa rin ako, kaya lang mas marami ang hindi.
Meron din naman na mga bagong memories na pumapasok pero hindi ko alam kung totoo ba o hindi kaya yuon yung wino-workout namin ni Doc JM.
"Gusto ko...gusto ko Nica araw-araw kang mag-eexercise ha! Mamaya mag eenroll din tayo sa gym ok", wika nito.
Teka bakit parang ang dami naman niyang gusto gawin para sa akin."Tayo? So pati ikaw?", tanong ko rito. Sabi kasi niya tayo pero ako lang naman ipapasubo niya.
"Oo tayo! Sasamahan kita", sambit nito sabay ngisi.
"Please Nica. Para naman maging healty and strong ka. Papapangit kang lalo sige ka!", sambit nito sabay pindot sa ilong ko.
"Ah ganun ha! Pangit pala ha!", at pinindot ko rin yung ilong niya tapos gumanti ito ng palo.
![](https://img.wattpad.com/cover/274801204-288-k258885.jpg)
BINABASA MO ANG
Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)
Cerita PendekAnong gagawin mo kung pinaglalaruan ka ng iyong isipan? Kaya mo bang pigilan kung ano ang nakatadhana? Paano mo malalaman kung ano ang realidad o pantasya kung ang puso mo mismo ay pinaglalaruan din nito? Maraming katanungan ang mahirap bigyan ng k...