"What?????", ikaw na noh! Ikaw nakaisip niyan eh!", sambit ko rito sa brat na ito sabay padabog na umupo sa sofa.Paano pinipilit akong makipagkaibigan duon sa kapitbahay kong estudyante.
"Eto o ibigay mo sa kanya, narinig ko sa kasama niya kahapon na mahilig daw siya sa chickenjoy, kaya i-share mo itong fried chicken na niluto mo.
Magugustuhan niya iyan, mas masarap pa nga yan sa chickenjoy eh", sambit nito sabay abot sa akin ng plato na may dalawang quarter legs.
Nag grocery din kasi kami kagabi nung lumabas kami kaya marami na akong stocks na food lalo na manok at pork. Bumili din ako ng maraming keso at cream cheese.
"Ano pa hinihintay mo? Tumayo ka na diyan. Ibigay mo na dun sa babae sa kabila dali at baka lumamig pa yan", wika nito na pinadidilatan pa ako ng mata. Akala naman niya eh masisindak ako, eh mas malaki kaya ang mga mata ko sa kanya.
"Hoy!! Hoy!!! Hoooooooy! Nicaaaaaa! Nicaaaaa!", sigaw nito.
Haysss... ayan nanaman yung boses niyang nakakairita.
"Sige na nga para matapos na", tugon ko sabay tayo at hinablot yung dala niyang plato. Kagigil. Bakit kaya hindi na lang siya yung magbigay dun sa babae sa kabila. Lagi pa naman yun may mga bisita. Ang iingay pa nung mga kaibigan niya lalo na yung bading.
Saka pagod pa kaya ako. Maaga kaya ako pumunta kila doc JM kanina para sa session namin. Nagmamadali pa naman akong umuwi dahil naiisip ko itong brat na ito paano kahit anong pilit ko eh ayaw nitong sumama.
Nagdahilan pa na masakit daw ang tiyan dahil sa dami ng strawberries na kinain namin kahapon. Hindi bale next time isasama ko siya talaga para ipakilala.
Nakatatlong katok na ako pero walang nagbubukas sa Unit 508.
Ang kulit kasi nito eh. Kung bakit kasi pinipilit akong makipagkaibigan kung kani-kanino.
"Katukin mo pa. May tao diyan. Narinig ko kanina na may nag-uusap dito sa may pinto", tugon nito. Tinulungan pa niya akong kumatok muli.
"Yes?", sambit nung babae na biglang niluwa ng pintuan. Teka hindi siya yung kapitbahay ko. Maganda kaya yung kapitbahay ko, mahaba at alon-alon yung buhok tapos kamukha ni Jennylyn Mercado eh eto medyo chubby ng konti tapos straight na layered yung buhok.
"Ah...eh... ako pala si Nica, yung nakatira sa kabila", sambit ko sabay turo sa nakabukas kong unit. Aba nasaan na yung brat na iyon?
Mukhang naloko nanaman ako ah at mukhang tumakbo pabalik ng unit. Kanina lang katabi ko tapos bigla ng nawala. Hayss!
"Ako si Lily. Friend ko si Mia yung nakatira dito", wika nito sabay lahad ng kamay niya.
Shit bakit ba ako biglang kinakabahan para akong pinagpapawisan ng malagkit kahit malamig naman.
"Lily, sino yan?", wika ng isang napakasweet na boses. Shit siya yung legit na kapit bahay ko. Ang sexy at talagang kamukha ni Jennylyn Mercado sa malapitan.
"Ah...Ni-Nica. Ako si Nica yung nakatira sa tabi mo. Hmmmm... i-share ko lang itong niluto kong fried chicken", wika ko. Nanlaki naman yung mata niya at mukhang natuwa sa dala kong manok.
"Halika Nica, pasok ka. Kwentuhan muna tayo. Ako nga pala si Mia", tugon nito sabay shake hands.
Ay... ang ganda niya... Pero bakit ganun parang mas ninerbiyos ako dun kay Lily. Ah ewan.
Pumasok naman ako at nakipagkwentuhan. Galing pala ng Manila si Mia at dito lang nag-aaral, si Lily naman eh taga Cagayan Valley.
"Hello mga bakla! Aba may bago na kayong BFF ha. Nawala lang ako ng saglit may pumalit na sa akin", wika nito na tawa-tawa pa.
Hayss! siya yung bading na maingay na kung makatawa eh wagas na hanggang sa unit ko rinig.
"I'm Lemuel at your service and you?", sambit nito sabay hagod sa akin ng paningin mula ulo hanggang paa.
"Nica", sambit ko rito habang ngiting- ngiti. Ang pogi niya, hindi naman talaga siya mukhang bading, huwag lang siyang magsasalita.
"Taga saan ka Nica", tanong ni Lemuel.
"Hmmm.... taga rito lang din sa Baguio", sambit ko.
"Bakit mag-isa ka lang sa unit mo?", tanong naman ni Mia.
"Ah eh kasi gusto ko maging independent", sagot ko.
"Nasaan parents mo?", si Lily naman Hay! wala bang kamatayan na question and answer portion ito.
"Nasa Canada yung dad ko. Si lolo at lola naman nasa Outlook drive nakatira", tugon ko ah.
"Nag-aaral ka ba o nag-wowork?", tanong naman ni Mia. Grabe naman talaga oh. Kasalanan ito ng brat na iyon, napasubo tuloy ako sa mga ito. Hindi ko naman inakala na ang dadaldal pala nila.
"Ah may part time ako... graphic designer...homebased. Graduate ako ng architecture", tugon ko. Feeling proud naman ako kahit hindi pa ako nagboboard exams.
"Wow! Galing mo naman girl! Bakit Hindi mag-apply sa ArchiTexture Designs and Construction Co.?", sambit ni Lemuel.
"Ha? Naku...big time yun na company eh. Ang hirap kaya makapasok duon. Noong nag-aaral pa ako nag OJT ako dun, ang higpit dun saka... saka super metikuloso at strikto yung boss", sambit ko. Ewan ba bigla silang nagtawanan tapos pumalakpak pa si Lemuel na parang nang-aasar habang nakatingin kay Mia.
"Bakit may nasabi ba akong mali? Eh sa totoo naman scary si Architect Enriquez. Maganda nga, kamukha pa ni Angel Aquino kaso sobrang strikto pati na rin yung assistant niyang si Ms. Ysa ni hindi mo makausap dahil nakakatakot magtanong", sambit kong muli at mas lalo pa silang nagtawanan.
"Hayaan mo papagalitan ko yung tao na iyon para sa iyo. Gusto mo awayin ko pa siya para sa iyo eh", sabi ni Mia sabay kindat sa akin.
Hay! ang wiweirdo naman nila. At lalo silang natawanan may pa apir-apir pang nalalaman at pagpadyak padyak habang tumatawa.
Ganun pa man, nag enjoy ako kausap sila, lalo na si Lily mahilig kasi ito sa jokes. Si Lemuel naman maharot at si Mia medyo reserved parang ate nila ganun pero sobrang bait.
Hindi ko namalayan na late na pala. Paano nanood kami ng movie.
"Dito ka na mag hapunan Nica", sambit ni Mia sabay baba ng dalawang box ng pizza, isang container ng pasta at dalawang bucket ng chicken joy sa center table. Paano naubos na nila yung dala kong manok kanina habang nagkukuwentuhan kami pati na rin yung mga tinapay at chichiria nila kaya wala na silang food.
"Naku, sorry late na kasi... saka may kasama pa ako sa bahay kawawa naman siya wala siyang kasabay kumain", wika ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang tatlo.
Hayss! Ano naman feeling nila nag jojoke lang ako.
"Hmmm.... Nica, dito ka na lang kumain tapos dalahan mo na lang yung kasama mo sa bahay ng food", wika nito sabay akbay sa akin.
"Sige na Nica, minsan lang naman tayo mag bonding", sambit ni Lily.
"Hayss! Cge na nga. Pero uuwi na rin ako after kumain ha", sagot ko. Tumango naman sila.
"Gusto mo ihatid ka pa namin para makilala namin yung friend mo", wika ni Lemuel.
"Aray!!", wika nitong muli. Paano kinurot ito ni Mia. Ang wewierd nila. Pero ganun pa man eh nag enjoy ako na kasama sila.
"Uy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?", sambit nitong brat na kaharap ko habang nilalantakan yung pizza.
"Wala. I'm just happy", sambit ko habang inaalala yung tawanan namin kanina.
I think I am starting to enjoy being with other people.
BINABASA MO ANG
Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)
Kısa HikayeAnong gagawin mo kung pinaglalaruan ka ng iyong isipan? Kaya mo bang pigilan kung ano ang nakatadhana? Paano mo malalaman kung ano ang realidad o pantasya kung ang puso mo mismo ay pinaglalaruan din nito? Maraming katanungan ang mahirap bigyan ng k...