I Love You Always and Forever (The End)

173 16 9
                                    

"Hey! it's been a while.... sorry kung hindi kita nadalaw for almost a month... Pinadala kasi ako ni boss sa Ilocos... kung alam mo lang how much I miss you so..."

"Look at this... This is for you... without you... without your help I won't be able to achieve this", wika ko habang lumuluha at kinakausap yung puntod ni Angel.

Dala-dala ko pa yung certificate ko for passing the board exams. Kakagaling ko lang sa oath taking at nakaporma pa ako ngayon. 

"This is for you Angel.... natupad ko na yung pangarap natin na maging licensed architect.... mas masaya sana at kumpleto kung magkasama tayo... magkasama sana tayo sa panunumpa at magkasama din na lalaban sa buhay... pero ganun pa man, salamat... maraming-maraming salamat... without you, wala ako rito ngayon... I love you my Angel", wika ko habang hinihimas-himas yung bracelet na bigay niya.  

Umupo naman ako sa tabi ng lapida niya at pinunasan ko ito gamit ang dala kong basahan at nagtirik ako ng kandila. May dala din akong isang basket na sunflower na favorite niya. 

"Kain tayo babe", wika ko rito habang inihahanda ko yung dala kong strawberry na may creamcheese sauce.

"Oh ayan ha! Ang dami ko ng nilagay na cinnamon powder diyan tapos mapupula, matataba at malalaki yung strawberries gaya ng favorite natin. Kain na babe...", wika ko rito habang umiiyak at the same time kinakain ung part ko ng strawberry na may cream cheese sauce na nasa plastic container. Paano naalala ko yung moment namin noon sa condo noong una kaming kumain nito. Ayan tuloy umalat yung strawberries.

"Babe...hmmmm.... huwag kang magagalit ha... hindi ko na pala tinuloy yung pagsali sa competition ng tennis, pero naglalaro parin ako tuwing weekends kapag may time. Nag g-gym pa rin ako... yuon yung hindi ko itinigil. Nag-enroll pa nga ako sa yoga class eh. Marami na rin akong alam lutuin. Marunong na akong magluto ng kare-kare, paksiw, kaldereta at menudo. Kabisado ko na rin yung pangalan ng mga isda. Nagpapaturo din ako kay ate Faith mag bake... Kung matitikman mo lang yung luto ko, for sure maiinlove ka ng todo sa akin..."

"Saka na promote na pala ako. Associate architect na ako ngayon. Mabait naman pala si Architect Jessica. Medyo close na kami. Nakakaawa nga yung nangyari sa kanya saka kay Mia. Naalala mo si Mia? Yung kapitbahay ko na mahilig sa chickenjoy? naging magkarelasyon pala sila ni Architect. Hay, sad life. Akala ko nakakaawa na yung sitwasyon ko noon, mas worst pa pala yung naging sitwasyon ni Mia."

"And remember Lily? Hmmmm..... babe huwag kang magagalit ha... hmmmm.... close na kami ni Lily... Hindi ko naman sinasabi na pinagpalit na kita sa kanya... pero she's special to me na... since noong huli tayong nagkita one year and half ago, siya yung naging sandalan ko. Ang dami kasi niyang mga corny na jokes eh kaya ayun kahit ganun napapatawa niya ako. Hindi niya ako iniwan noong mga time na super lungkot ako sa pag-alis mo... She and ate Faith helped me to recover....kaya huwag kang magagalit ha. Ours is different from kung anong mayroon kami ni Lily."

"Babe sana kung dumating yung time na magkatuluyan kami huwag kang magagalit sa akin kapag sinundo mo ako ha... Mahal pa rin naman kita at hindi mawawala yuon. I am just looking forward kasi na baka si Lily na yung makakasama kong magluto at katabi matulog habang buhay. She's been so supportive sa mga ginagawa ko. She's helping me too kapag may personal issues ako or sinusumpong ng kung ano mang related sa sakit ko noon. Kapag may sakit ako inaalagaan niya ako saka nilulutuan ng sopas. Paborito din namin ang sinigang mo. Nagjo-jogging din kami together at naglalaro sa park. Duon na rin pala siya nagtatrabaho sa ArchiTexture sa ibang department nga lang. Ganun pa man sabay kaming pumapasok, kumakain ng lunch at umuuwi kaya huwag kang magtatampo ha. Yung plano pala natin na pagpunta ng Canada....hmmmm... hindi ko na sigurado yun eh.... sorry ha... pero kasi.... hmmmm... pag-uusapan pa namin ni Lily kung sakali... Ui, huwag kang magagalit ha!"

"I just want you to know na kahit nasa malayo ka man... mahal na mahal pa rin kita. I love you always and forever", wika ko habang walang humpay sa paghikbi. 

"Thank you for loving me unconditionally... thank you for your effort... thank you sa memories... salamat!....salamat sa lahat-lahat... iintayin ko ang pagbabalik mo...

"Love, halika na mukhang uulan na... Let's go...", wika ni Lily sa akin sabay yakap mula sa likod ko.

"Angel... Angel.. Si Lily ito... Salamat sa lahat ng ginawa mo for Nica.... Kung hindi ka nagbalik hindi siya magiging buo muli at hindi magtatagpo ang aming landas.... Angel, asahan mong hindi ko siya pababayaan... aalagaan ko siya gaya ng gusto mo... mamahalin ko siya at hinding-hindi iiwan... makakaasa ka... kaya makakapagpahinga ka na sa pagbabantay sa kanya... ako na muna ang gagawa nuon para sa iyo. Thank you Angel.. thank you for bringing her into my life", wika ni Lily habang umiiyak rin na kagaya ko. 

At bigla naman bumuhos ang ulan. Hindi na namin nagawang sumilong ni Lily. Hinayaan nalang namin ito to wash away our tears.

"Thank you Angel... Thank you for being my guardian Angel..."

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon