"What??? Anong pinagsasabi ninyo? Hindi totoo yan...hindi totoo yan... ate Faith sabihin mo sa kanila na totoo si Angel... ate Faith...nakita mo siya diba? Diba ate Faith? Sabihin mo sa kanila na totoo si Angel", wika ko habang humihikbi.
Paano sabi sila ng sabi na hindi daw totoo si Angel... na she never really existed. Yes I know that I am crazy but Angel is real... Angel is real... totoo si Angel...
"How dare you all to tell me that she is not real? Nakasama ba ninyo siya? Nayakap ba ninyo siya? Now tell me?", sigaw ko sa kanila.
Tumahimik naman ang lahat. Paano nahahalikan ba nila si Angel? Ilang araw ko siyang kausap. Ilang araw kaming magkatabi matulog. Nag-uusap kami, naghaharutan, kumakakain ng sabay at saka nayayakap ko siya at nahahalikan tapos sasabihin nila na she never existed? Namamasyal kami, we been into public places together may mga tao kaming na meet so paano yun?
Feeling ko niloloko lang nila ako. Paano mangyayari yun?
"No! Hindi ako anniniwala sa inyo.... Mga sinungaling kayo. Angel lives here. She lives with me...Huwag niyo ako lokohin. Ano ito it's a prank?", wika ko habang nanginginig ang boses.
"Eh gurl, wala ka naman talaga kasama dito sa unit mo eh. Naririnig ka namin nagsasalita mag-isa", sambit ni Lemuel.
"Oo nga Nica, nakikitaka namin nagsasalita mag-isa sa hallway na para kang may kausap", wika ni Mia.
"Ano ito? Pinagkakaisahan ba ninyo ako?"
"Promise friend wala talaga. Pati nung pumunta ka sa unit, mag-isa ka lang noon. Sinilip muna kita bago ko buksan yung pinto nagsasalita kang mag-isa", wika ni Lily.
"Anong wala? Katabi ko siya nun. Hindi mo lang nakita."
"Tama na yan Nica. Kalma lang", wika ni Doc JM.
"Now listen to me... your friend did not exist. I know... I know that she is just a product of your mind from the start... but I did not say anything about it yet... dahil nakita ko na malaki ang naitutulong nito sa improvement ng recovery process mo from your situation. Look at you lately? Ang laki ng pinagbago mo diba? Kaya although I knew from the start that your "friend" is not real hindi ko ito sinabi sa iyo... and as your psychologist, I'm sorry", wika pa nito.
"Anong sinasabi mo doc? Nakita pa nga siya ni Charlotte. Yung...yung... yung anak ninyo nakikipaglaro sa kanya. Nakikita siya tapos sasabihin mo na she's not real? Ano yun?", wika ko sa kanya habang walang humpay sa paghikbi. Sumasakit na yung ulo ko at sumisisikip yung dibdib ko.
"Maam, sorry po pero wala po talaga kayong kasama tuwing umuuwi kayo lately pero may kinakausap po kayo", wika ng guard at nung front desk clerk dito sa condo.
"Pati ba naman kayo lolokohin ako? Bakit kampi-kampi kayo? Si doc JM ba nag-utos a inyo ha?", sigaw ko sa kanila paano naiirita na ako.
Pati ba naman sila eh ganun in yung sasabihin. Ano ito parte ng therapeutic process ko? Anong method ito?
"Eh....maam wala naman po kaming mapapala if magsisinungaling kami. Ilang araw na po namin kayo nakikitang may kausap kapag umaalis at dumarating. Magsimula po ito mga 1 week na noong gabi na kayo umuwi tapos parang naiirita kayo duon sa kausap ninyo na sabi ninyo sunod ng sunod sa inyo", wika ni manong guard.
"Maam, tingnan po ninyo ito", wika ng IT ng condo. Hindi ako makapaniwala kung paano nila burahin si Angel sa cctv footage.
Hindi ko napigilan na mapasalampak sa sahig ng mapanood ang buong footage mula ng unang araw na sumama siya sa akin pauwi rito. Mula sa pagpasok ko ng entrance hanggang sa elevbator at sa hallway papunta ng unit ko. Napanood ko rin yung pagpunta ko kila Mia na may dalang manok kung saan nagtatalo kami dahil pinipilit niya akong makipagkaibigan kay Mia.
"Ate Faith?", wika ko habang sunod sunod ang pagpatak ng aking luha.
"Tahan na Nica....You need to know the truth... Aalis tayo bukas...fixed your self Nica", wika nito.
Hating-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi parin kasi tumitigil yung luha ko sa pagbnaksak.
"Li'l Sis, sleep ka na", bulong ni ate Faith habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"Halika, lapit ka..", wika nito sabay yakap sa akin habang magkatabi kami sa higaan. Dito kasi siya natulog sa unit ko. Pinauwi niya si Doc JM para magbantay sa anak nila. Super thankful ako at hindi ako iniwan ni ate Faith. I feel so low now.... Parang gusto ko na lang magpakamatay.
"In Loving Memory of Angel S. Rosales, You will always be in our hearts", hindi ako makapaniwala sa aking paulit-ulit na binabasa.
"No this is not real... This is just a dream... Bukas pag-gising ko... pag-gisng ko katabi ko ulit si Angel... Pupunta pa kami sa park... kakain pa kami ng strawberries...sasamahan pa niya ako sa training ko... manonood pa siya ng laban ko... sasamahan pa niya ako sa work... ate Faith... bakit ganun? Bakit niya ako iniwan...", wika ko sabay hagulgol.
"Hey... hey stop it! Tama na Nica", wika nito habang pilit na pinipigalan ang aking kamay na walang humpay sa paghampas sa aking mukha.
"Ate Faith... Ate Faith.... gisingin mo ako... gisingin mo ako please.... panaginip lang ito... hindi totoo ito ate Faith please... please help me...", pagsusumamo ko rito. Niyakap naman ako nito ng mahigpit.
"Enough na Nica.... Tama na... hindi na natin maibabalik ang wala na... tanging ang alalala na lang niya ang andito...andito sa pa puso mo Nica", wika nito sabay turo sa puso ko.
"Girlfriend mo si Angel...You were both in love and young at that time... In time you will know the truth... not today Li'l sis", wika nito sabay iginiya ako palayo sa puntod ni Angel.
Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi siya totoo.
"Manang, si Lola po?", tanong ko kay manang na tindera ng strawberry. Pinilit ko si ate Faith na dumaan dito sa palengke paano alam ko na nakita rin nila si Angel na kasama ko. Kausap pa nga nun lola si Angel eh. Nagtatawanan pa sila at nagpaalaman. Noong isang araw nung nawala siyang bigla sabi niya pinuntahan niya si yung lola. So for sure pumunta siya rito. Gusto ko lang i-confirm... baka.. baka sakaling may himala...
"Ni-Nica... wala na si Inang... Wala na siya nung isang araw lang", wika nito na naiiyak na.
"Ha? Paano pong wala", tanong ko.
"Wala na siya...kinuha na ni Lord...", sambit nito sabay tingala at nag sign of the cross pa.
"Ano po?", nagtatakang tanong ko.
"Si Angel... Si Angel... sinundo siya ni Angel... hinatid na niya si inang kay Lord...Noong pumunta ka rito sabi niya kasama mo daw si Angel pero wala naman kaming nakita na kasama mo. Pero may kinakausap ka. Sabi ni Inang bumalik daw si Angel para tulungan kang ayusin yung sarili mo. Saka nalulungkot daw siya na nakikita ka niyang naghihirap at nalulungkot kaya gumawa daw siya ng paraan para bumalik. Para maging maayos ka... Para daw matupad mo yung mga pangarap ninyo. Iintayin ka daw niya sa susunod na buhay. Noong bumalik siya para kunin si Inang, sumigaw pa si inang... sabi niya dumating na daw si Angel at sasama na daw siya", wika ni manang habang umiiyak na.
"Nica anak, hindi na iba yung turing namin sa inyo ni Angel noong nabubuhay pa siya. Parati kayong sa farm kumukuha ng mga prutas tapos pinapasyal pa kayo ni Inang duon sa amin", wika nito. Kagaya niya ay umiiyak na rin ako.
"Sorry po...", mahinang sambit ko. Paano hindi ko alam yung sasabihin ko. Niyakap naman ako nito ng hahigpit.
"Masaya ako at nagiging maayos ka na Nica", bulong nito a tenga ko kaya mas lalo akong umiyak.
"Tara na ate Faith, hindi ko na kaya yung mga natutuklasan ko", wika ko habang pinupunasan ko ang aking mga basang mata.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ako tingnan ng mga taong nakakasalubong ko. Yung nagtitinda ng ice cream at mangga pati na rin yung mga tao noon sa rose garden habang naghaharutan kami pati narin yung tindera ng isda at mga tao sa paligid na nanonod sa amin... sa akin.
"Ate Faith... bakit? Bakit kailangan mangyari ito sa akin?", wika ko sabay muling tumulo ang aking luha.
BINABASA MO ANG
Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)
Historia CortaAnong gagawin mo kung pinaglalaruan ka ng iyong isipan? Kaya mo bang pigilan kung ano ang nakatadhana? Paano mo malalaman kung ano ang realidad o pantasya kung ang puso mo mismo ay pinaglalaruan din nito? Maraming katanungan ang mahirap bigyan ng k...