Till we meet again

95 13 1
                                    

Isang linggo na pala ang nakakalipas mula ng umalis si Angel. Birthday ko pa naman noon.

Isang linggo na rin akong pabalik-balik rito sa lake.

Tuwing hapon pagkagaling ko sa work ay dumadaan muna ako dito. Walang araw na hindi ako nagbabakasakali na kahit saglit lang... kahit ilang segundo lang ay makita ko siyang muli.

Araw-araw rin akong nagdadasal na sana bigyan ako ni Lord ng isa pang chance na makita ko man lang siya. Kahit ilang segundi lang, makisulayan ko lang siya sa huling pagkakataon.

Araw-araw pa rin akong umiiyak, mula sa pagmulat ng aking mga mata hanggang sa pagpikit ay ala-ala pa rin niya yuong naiisip ko.

"Angel.... Angel.... Please... Kahit isang beses lang... kahit ilang segundo lang... makita lang kita for the last time... ", wika ko ng paulit-ulit habang pinagmamasdan ko ang bughaw na langit gaya noong una siyang nagpakita sa akin. Nagsisimula na rin tumulo ang aking luha.

"Lord... kahit ngayon lang po... kahit ngayon lang pagbigyan po niyo ako... gusto ko lang siyang mapasalamatan at makita... Lord, I will not ask for anything na po sa buong buhay ko...aayusin ko na po yung buhay ko, pangako yun. Magiging mabait na po ako.... hindi na ako gagawa ng mga bagay na makakasama sa akin.. hindi ko na pag-aalalahanin sina lolo at lola pati na rin si ate Faith.. Promise po Lord... Nagmamaka-awa po ako sa inyo...", wika ko ng mataimtim habang nakapikit ang aking mga mata at lumuluha.

Nagising na lang ako sa aking wisyo ng may nagsalita mula sa aking likuran.

"Ading... ading... ahhh....eh... pinabibigay ito sa iyo nung kaibigan mo?", wika nito na uutal-utal pa.

"Heto oh!", sabay abot sa akin ng  strawberry ice cream ni manong.

Nakakapagtaka  kung sino naman yun, eh sila Lily, Mia at Lemuel pa lang yung kaibigan ko, tapos busy pa naman yung mga iyon sa school nila dahil exam week nila.

"Sinong kaibigan po?", wika ko ng may pag-aalinlangan.

Napakamot tuloy ako ng ulo. Ano ito prank? Alangan naman si ate Faith ang may pakana nito eh sobrang busy nung tao na yuon. Saka hindi naman niya alam na naandito ako.

"Yung babaeng nakabistida tapos morena....mahaba yung buhok niyang brown tapos medyo kulot. Andito siya kanina sabi niya ibigay ko daw duon sa babaeng araw-araw na nakatambay dito na nakauniform ng kulay blue na polo at skinny jeans. Yung babae daw na bumili sa akin noon na may kausap pero wala naman. Eh ikaw lang naman yung araw-araw na naandito na nakablue saka namumukhaan kaya kita. Ikaw lang naman yung bumili sa akin noon na parang may kinakausap pero wala naman", wika nito sabay kamot ng ulo. Medyo nahiya pa siya sa huling sinabi niya.

"Sabi niya ibigay ko daw ito sa iyo para ngumiti ka naman. Nalulungkot daw siya na araw-araw ka niyang nakikitang umiiyak", wika nitong muli.

"Swerte mo ading at mukhang may crush sa iyo yuong babae. Bagay kayo", pahabol pa nito bago tuloyang tumalikod at lumakad papalayo.

"Angel...andito siya...", bulong ko sabay na mabilis na tumayo para hanapin siya.

"Manong! Manong! saan mo siya nakita?", sigaw ko. Paano inisa-isa ko ng tingnan yung mga tao dito sa paligid ng dock pero hindi ko siya nakita.

Lumingon naman ito at tumugon sa aking tanong.

"Doon lang ading sa pwesto ko", wika nito sabay turo sa cart niya sa hindi kalayuan.

"Salamat manong", tugon ko.

Tumalikod naman ako at muling humarap sa lake habang dinidilaan yung ice cream.
"Ang daya mo Angel", bulong ko habang patuloy sa pagdila ng ice cream.

Hindi ko naiwasan na mapangiti bigla dahil ang sarap at ang lamig ng ice cream. Favorite kasi naming pareho ang strawberry.

Isa pa, naalala ko yung moment namin ni Angel saka nakakatuwa rin pagmasdan yung namamangka sa lake.

"Hmmmm.... mas bagay sa iyo ang naka-smile Nica", wika ng isnag boses na labis kong kinasasabikan.

Agad naman akong napalingon at nabitiwan ang hawak-hawak kong ice cream at niyakap siya ng mahigpit.

"Nica gusto ko lagi kang naka smile... gusto ko happy ka parati... nalulungkot ako kapag nakikita kitang umiiyak. Gusto ko Nica ayusin mo yung buhay mo. Gusto ko maging maayos ka... gusto tuparin mo yung mga pangarap natin... gusto ko... gusto ko magreview ka para sa board exam kahit dito na lang... tapos gusto ko magpunta ka pa rin ng Canada... gusto ko rin na maghanap ka ng makakasama mo sa buhay... gusto ko kasi yung may mag-aalaga sa iyo... gusto ko may sasaway sa iyo... gusto ko may kasabay kang kakain ng sinigang at strawberries... gusto ko may katabi kang matutulog... makakasamang mamalengke at magluto... tapos may manood sa iyo pag naglalaro ka ng tennis.... may maglilinis sa bahay mo... gusto ko may maging katuwang ka sa buhay mo...", wika nito.

"Ikaw ang gusto kong makasama... ikaw ang gusto ko Angel... ikaw... ikaw lang ang mamahalin ko...", wika ko habang walang humpay ang pagtulo ng aking luha. Ang sakit ng dibdib ko.

"Gustuhin ko man pero hindi na maari", wika nito habang hinahaplos ang aking likuran.

"Bakit ka pa bumalik kung iiwan mo lang akong muli?", wika ko rito.

"Sana sinama mo na lang ako... gusto kong sumama sa iyo...gusto kitang makasama Angel", wika kong muli.

"Huwag Nica...Hindi pa ito ang tamang panahon... Asahan mo darating yun... magkakasama rin tayo...pero hindi ngayon...", wika nito habang inilalapat ang kanyang noo sa aking noo.

"Nagbalik ako hindi para saktan ka kungdi ipaalala sa iyo na sa kabila ng lahat ay mahal pa rin kita at hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Magkaiba man ang mundo natin,  handa ko itong tawirin para lang sa iyo", wika nitong muli.

"I love you Angel... I love you so much... thank you for everything...", wika ko rito sabay halik sa kanyang labi.

"I love you too... lagi pa rin kitang babantayan hanggang sa dumating yung tamang panahon na makagkasama tayong muli", wika nito habang unti-unting kumakalas sa pagkayakap ko.

"Susunduin kita Nica...susunduin kita... sa tamang oras at panahon....", wika niya habang nakatitig lang sa akin.

"Iintayin kita... maghihintay ako Angel...", tugon ko habang humahagulgol.

"Paalam Nica. Be good... I love you to the moon and back...", wika nito habang marahang lumakad papalayo ng lake.

Biglang may liwanag na nagmula sa langit at tumapat sa kinatoroonan niya. Nakakasilaw.

Lumingom siya at kumaway bago tuluyang nawala na parang kinain ng liwanag.

"Angel....my Angel.... I love you more than you ever know... I can't wait to see you again... Iintayin kita....", wika ko.

Bigla naman pumatak yung ulan. Tumingala ako at itinaas ang aking mga kamay.

"Thank you Lord....", wika ko habang nakatingala pa rin.

Hinayaan ko lang na hugasan ng ulan ang aking mukha na punong-puno ng luha.

Eight Days with my guardian Angel (short story/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon