Dos
Nandito na ako sa kitchen ngayon and I'm so frustrated!
Nagtititigan lang kami ng electric stove dito. I don't know what to cook. Nagcheck naman ako sa youtube ng pwedeng lutuin pero nastress agad ako.
It's already past 7am pero nakatunganga lang ako rito. Naiinip na rin dahil kanina pa ako rito pero di pa rin siya bumababa!
Niloloko lang ata ako ng tanda na yon ah!
I went back sa room namin para tawagin na siya. I was about to enter pero nakalock yong pinto. I knocked multiple times nang malakas para naman aware siyang nandito ako na naghihintay for her.
No answer kaya tinodo ko ulit ang pagkatok. And there she was, nakadungaw lang sa likod ng pinto habang tumutulo pa ang tubig from her short black hair. I could see na nakatapis lang siya ng towel. Gulo-gulo pa ang hair niya na halos nakaharang pa sa face niya.
"What is it? May breakfast na ba tayo?"
"Di nga ako marunong magluto! Bakit ang tagal mong bumaba? Kanina pa kita hinihintay," reklamo ko at papasukin ko na sana siya pero agad niya akong pinigilan. May pwersang inihaharang niya ang pinto.
"I'll get dressed muna, okay? Just wait for me. Cook whatever is easy basta bababa rin ako."
"Can you open the door for me? Ako na ang magbibihis sa—what if 'wag ka na lang magdamit? Para mas mabilis tayo?" I said grinning.
Pilya rin siyang ngumiti sa'kin then she licked her lips.
"You want a round three di ba?"
"Oo kanina pa kaso sobrang tagal mo eh! Ano pa ba kasing ginagawa mo diyan! Tara na sa kitchen!"
"Maglaga ka na ng itlog. Promise, wait for me there. Mabilis lang akong magbihis. Susunod na rin ako," then she closed the door.
Bumaba na ako at bumalik sa kitchen.
"Wala namang itlog dito eh. Sobrang laki ng ref wala namang laman. Tubig lang. Akala ko ba mayaman siya," sambit ko sabay sara nito.
"Chiyo!" tawag ko ng ilang beses pero parang nag-eecho lang yong boses ko. Hinanap ko pero mukhang wala yong napakagaling na katulong na yon.
Sobrang tuwa ko kaya mabilis akong lumapit at niyakap siya sa likod nang makita kong bumaba na si Kira.
"Sa'n ka galing? I thought nagluto ka na?"
"Eh wala namang kalaman-laman 'yong ref. Sa'n naman ako kukuha ng itlog?"
"That's the other ref," turo niya sa isang color grey at malaking ref. Di ko naman napansin 'yon. Ba't kasi doon nakalagay.
Nakayakap lang ako sa kanya habang papunta kami don.
"Ang bango mo naman Kira! Anong sabon mo?" Nagpapabigat ako sa kanya kasi nakakatamad kumilos tapos ang bango-bango niya at matangkad kaya di naman siya mabibigatan sa'kin.
"Pawis ko lang 'yan."
"Ano nga kasi? Gusto ko siya i-try." Niyakap ko lang siyang lalo kasi ang sarap niyang yakapin.
"Uji, let go of me saglit. Mababasag yong itlog." Niluwagan ko nang kaunti para makakilos siya then halos i-drag na niya ako makalakad lang kami kasi nakakapit talaga ako sa kanya.
"If you can't cook, ba't di ka na lang nagpadeliver? " tanong niya sakin habang nagpeprepare sa electric stove.
"Eh sabi mo may round three kung magluluto ako. Sana sinabi mo na lang agad sa'kin. Pinapahirapan mo pa ako. Akala ko ba love mo ako?" kunwari'y nagtatampo kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Mama's Bestfriend (GL)
Ficção Geral"Ayoko Mama! Dito lang ako. Saka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahati...