Agad na inasikaso ang anak ko sa emergency room nilagyan agad ito ng oxygen at panay naman ang iyak ng dalawa kong anak.
"Shhh don't cry pumpkins magiging ayos din si Kiana"pag alo ko
Agad kong nakita si Les na papasok at agad itong nag tanong.
"Anong nangyari kay Kiana Eunice?"alalang tanong nito.
"I don't know hindi pa nalabas ang Doctor na nag check sa kanya"sabi ko.Maya maya ay lumapit ang attending physician na nag asikaso kay Kiana.
"Doc how's my daughter?"kabadong tanong ko.
"She's ok for now na bigyan agad sya ng remedy"sabi nito "but i suggests na iwasan ang sobrang pag sama ng loob o sobrang pag iyak dahil makakasama sa puso niya"gulat ako sa sinabi nito
"Come again Doc?"tanong ko uli
"Meron akong nakita na maliit na butas sa puso niya pero makukuha naman yun sa pag take ng medicine na hindi na kailangan ng surgery"sabi nito.
Bigla akong nakaramdam ng takot para sa anak ko anytime pwedeng atakihin sya. Madami pa itong sinabi sa akin
Nilipat na ang anak ko sa private room at agad kong tinawagan sila Dad sa facetime at sinabi nila na dalhin na agad si Kiana sa manila kaya pumayag ako.
Tulog pa rin si Kiana at nasa tabi nito ang dalawang kuya niya na bakas ang pag aalala sa kapatid.
Kinabukasan ay sinundo kami ni Tay Tony kahit sinabi ko na wag na dahil dala ko ang Van pero sabi nito papa drive na lang niya iyon sa anak.
Dumating ito ng umaga sa hospital kasama si Gerald ang anak nito.
Agad akong nag bayad ng bill at pag ka labas namin ay umuwi muna kami para ayusin ang gamit namin.
Agad naman sinakay ni Gerald sa sasakyan na dala nila ng ama niya ang mga gamit namin at kami ay agad na sumakay sa Van.
Bago umalis ay dumaan muna kami kela Tita at nag paalam saka nag byahe pabalik ng manila nasa likod naman namin si Gerald.
Pag karating namin ng manila ay dumeretso na kami sa mansion bukas ang check up ni Kiana sa Doctor.
Pagkarating namin ay sinalubong kami agad ni Nay Loida.
"Kamusta ang byahe hindi ba kayo na pagod sa haba ng byahe?"tanong nito
"Ok lang po Nay"sabi ko
"Oh sya nag luto ako ng meryenda alam kong gutom na ang mga bata"ani Nanay
"Thank you Nay"sabi ko.
Agad kami na dumeretso sa dining habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain pumasok si Gerald at sinabi na nasa living si Blake nagulat man ako maging ang mga bata na nakita ko ang kislap sa mga mata nila dahil alam ko na namimiss nila ang Daddy nila.
Tumayo ako at pinuntahan ito sa living.
"What are you doing here Blake? Baka mamaya sumugod nanaman ang asawa mo"sabi ko
"Eunice let me explain hindi ko sya asawa hindi ko alam bakit yun ang sinasabi niya dahil kahit kailan hindi ako nag pakasal sa kanya"sabi nito
"Blake ano man ang relasyon niyo ni Andrea please spare us kasi alam mo sino ang unang nasasaktan hindi ako ang mga anak ko e"sabi ko" saka ilang beses na syang sumugod Blake ilang beses pa ba na makikita ng mga anak ko na susugurin ako ni Andrea alam mo ba kung gaano kasakit para sa mga bata yun sa mura nilang edad nararanasan na nila yon"nilabas ko na ang lahat ng sakit at sama ng loob ko "Blake hindi kita aalisan ng karapatan para sa mga bata pero please wag muna ngayon lalo na kay Kiana"sabi ko
BINABASA MO ANG
Longing For My Husband (COMPLETE)
RomanceAnong silbi ng love kung ito ay one sided lang na ikaw lang ang nag mamahal dahil ang mahal mo ay may mahal na iba. Nag umpisa ito sa isang arrange marriage na kahit nag sasama sila sa isang bubong ay parang hangin lang sya kung daan daanan. One ti...