20

725 14 0
                                    

Sa loob ng isang buwan na pag sasama namin ni Blake masasabi ko na ang laki ng pinag bago nito lalo na sa akin na bumawi sya sa lahat ng pag kukulang niya bilang asawa at maging sa mga triplets.

Masaya kaming nasa pool area dito sa bahay namin wala si Blake dahil nasa meeting ito pero sinabi naman nito na babalik din after matapos ang meeting niya sa board dahil naka leave siya dapat pero kinakailangan sya dahil wala si Dad kaya labag man sa loob niya na pumasok ay pumayag din ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng snack ng tumunog ang doorbell agad akong tumayo at pumasok sa loob upang makita kung sino iyon nan laki ang mata ko ng makita ko si Andrea.

Nang akmang pupuntahan ko ito ay may nakita akong armadong kasama nito palihim kong pinindot ang buzzer sa gilid na syang mag aalert sa guard house.

Bago ako lumapit ay agad ang mga itong pumasok at agad naman akong umatras at puntahan ang mga anak ko.

"Eunice Eunice ganyan ba ang pag welcome mo sa akin?"tanong nito.
"What are you doing here Andrea?"tanong ko habang hawak ko ang mga anak ko.

"Naparito ako para tapusin na kayo kasi kayo ang hadlang kaya hindi bumalik si Blake sa akin kung bakit bumalik balik pa kayo"sigaw nito.

Ramdam ko ang panginginig sa takot ng mga anak ko.

"Mommy" iyak ng mga anak ko ng itutok nito ang baril sa amin

"Please Andrea wag mong idamay ang mga anak ko"mahinahon kong sabi ko

"Wag idamay damay sila dito"sigaw nito at nag pa putok ito ng baril agad ko hinarang ang sarili ko sa mga anak ko nakaramdam ako ng kirot sa bandang likod ko

"Mommy"iyak ng mga anak ko.
"Sshhh don't cry baby"sabi ko pero masidhi na ang kirot na nararamdaman ko

"Mag paalam na kayo sa isa't isa"sigaw nito at naka rinig muli ako ng putok ng baril agad kong hinarang sa mga anak ko ang sarili ko at naramdaman kong tumama muli sa akin at nakarinig ako ng sabay sabay na putok ng baril at iyak ng mga anak ko bago nag dilim ang paningin ko.

"Blake Pov."

Patapos na ang meeting ng tumunog ang cellphone ko kinabahan ako dahil hindi registered number ang tumatawag sa akin. Kaya agad ko itong sinagot.

"Hello who's this?"tanong ko agad.
"Sir Blake from guard house po ito meron po kami natanggap na buzzer sa bahay niyo sino po ba ang tao doon Sir?"tanong nito.

"My family"kabadong sabi ko. Nawala ito sa linya at agad din na bumalik.
"Sir Blake may dumating po na nag responde sa inyo meron daw po pumasok sa loob ng bahay niyo agad na dinala sa hospital ang mga sugatan"nagulat ako sa narinig ko.

Agad akong umalis sa at dumeretso sa ospital na sinabi ng guard sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa ospital sa bilis ng pag papatakbo ko wala ba akong pakialam kung mag ka violation ako.

Pag karating ko sa ospital ay agad akong dumeretso sa information.

"Nurse where's my wife and my kids?"alalang tanong ko.
"Sir ano pong name nila.
"Eunice Anderson , Kendrick Cedrick and Kiana"sabi ko.

"Ahm sir si Mrs.Anderson po kasalukuyan nasa OR ang mga bata naman po ay nasa ER at ginagamot"sabi nito.

Tinanong ko kung pwede ko makita ang mga anak ko hindi ako pinayagan kaya tinawagan ko sila Mom , Dad at parents ni Eunice at sinabi ko na andito sila sa ospital.

Lumipas ang tatlong pong minuto dumating ang Mom ni Eunice kasunod ang parents ko

"Blake what happen?"alalang tanong ni Mom Mommy ni Eunice
"I don't know Mom may tumawag lang sa akin galing sa guard house"pero naputol yun ng may dumating na mga police.

"Kayo po ba ang asawa ni Mrs. Anderson?" Tanong nito
"Yes what happen sino ang gumawa nito sa pamilya ko?"galit na sabi ko.

"Ayon sa imbestigasyon ay pumasok si Ms.Vallega sa loob ng tahanan niyo na may kasamang armadong lalaki at naki pag palitan ang mga ito putok ng baril sa mga guard ng village hanggang sa nakatakas si Ms.Vallega pero naka kalat na ang mga kapulisan para agaran na mahuli ang suspect"mahabang salaysay nito.

"Gawin niyo ang lahat para mahuli at mapanagutan niya ang ginawa niya sa pamilya ko."galit na sabi ko.

"Makakaasa kayo Mr. Anderson"at nag paalam na ang mga ito.

Lumipas ang dalawang oras ng lumabas doctor sa loob ng ER. At tinuro kami ng nurse agad kaming lumapit.

"Doc how's my son's and my daughter?"alalang tanong ko.

"The two boys are ok but the girl she's in nicu as of now for monitoring because of heart attack"sabi nito agad akong nanlambot.

"Doc gawin niyo ang lahat na maging ok ang anak ko"sabi ko
"Yes Mr. Anderson I'll go head"paalam nito.

Agad na nilipat ang dalawang anak ko sa private room na nag tamo ng dablis  gawa ng tama ng bala.

Iniwan ko muna ang dalawang anak ko para puntahan si Kiana pag ka kita ko dito ay nanghina ako sa dami ng aparato na naka kabit sa katawan nito.

Pinayagan ako na pumasok sa loob ng nicu ng ilang minuto. Pag ka lapit ko ay agad kong hinalikan ang anak ko na walang malay.

"Kiana sweetie andito lang si Daddy lumaban ka anak mahal na mahal ka namin ni Mommy at nila Kuya mo"bulong ko dito

Nang matapos ko sa nicu ay dumeretso naman ako sa OR kung saan andoon pa din sa loob ang asawa ko.

Habang nag aantay sa labas ng OR ay nag silent prayer ako hindi ako madasalin na tao pero sa ngayon dasal lang ang magagawa ko para sa kaligtasan ng asawa at anak ko.

Nag tagal ang operation ng halos pitong  oras hanggang sa bumukas ang pinto ng OR.

"Doc how's my wife?" Kabadong tanong ko.

"She's safe now nahirapan lang kami alisin yung mga tama ng bala sa katawan ng pasyente luckily wala naman natamaan na vital organs kay Mrs. Anderson"naka hinga ako sa sinabi nito.

"Thank you doc for saving my wife"sabi ko
"That's my profession to saved and to healed"naka ngiting sabi nito.
"Again thank you so much"sabi ko
"Any moment ililipat sya sa recovery room"sabi nito.

"Ahm doc ok lang ba na malapit sa mga anak ko?" Tanong ko.
"Ok ipapaayos ko"at nag paalam na ito.

Agad akong nag punta sa kwarto ng mga anak ko na ang bantay ay ang parents namin

"Blake how's my daughter and Kiana?" Ani Mom

"Mom kakatapos lang ng operation ni Eunice at successful ang operation sa kanya wala naman daw na nadali na mga vital organs niya si Kiana ay nasa nicu for monitoring"sabi ko

"Thank God"ani nila Mom.

Pumasok ang ilang nurse para ayusin ang pag lalagyan ng bed ni Eunice nag taka man sila Mom sinabi ko na sa iisang room sila Eunice.

Maya maya ay pinasok na ang bed ni Eunice malapit sa bed nila Kendrick at Cedrick.

Longing For My Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon