sucked in

8.6K 252 64
                                    


"AHHH! Ang hirap maghanap ng trabaho!" inis na sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko ng building, kaya naman napatingin sa akin ang mga taong dumaraan. They're giving me weird looks. Hindi ko naman na sila pinansin. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. I don't care about what they think. 


Ilang beses na akong na-reject ngayong araw. Said na said na ang self-esteem ko. Some flat-out rejected me, others said they would contact me, but I know for a fact that they won't. 


Napatingin naman ako sa aking mga paa nang makaramdam ako ng matinding hapdi. Ugh, these high heels are killing me. Actually, these are not mine kaya hindi sakto sa paa ko. Hiniram ko lang 'to sa roommate ko. I'm a fresh graduate, kaya naman I'm still figuring things out. I need to survive. I. NEED. TO. FIND. A. JOB. AS. SOON. AS. POSSIBLE. 


Sighing, I made my way to the nearest bench and sat down to take a break. Ginawa kong pamaypay ang mga hawak kong dokumento. Ang init kasi. 


"Ineng."


"Ay tae mo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang bumulong sa aking tainga. A shiver ran down my spine. Hindi ko namalayan na may matandang babae pala na tumabi sa akin. Sobrang lapit niya, kaya naman medyo umusog ako palayo. 


"Tae mo rin, hija," nakangiti niyang sabi. Pasimpleng umirap na lamang ako. Muntik na akong atakihin. "Anyway, mukhang pagod na pagod ka. Ito, inumin mo," aniya at may iniaabot sa akin na bote ng tubig. 


I stared at it for a minute, thinking if I should accept it or not. Baka kasi may kung anong gamot na inilagay ang matanda sa tubig. Baka himatayin ako, tapos paggising ko ay nasa refrigerator na ako. 


Pero...


Uhaw na uhaw na ako at sobrang init ng panahon. Mukhang malamig pa naman 'yong tubig. I want to feel that cold liquid running down my throat. Imagine the relief I would feel. Napalunok ako. 


Pero...


Paano kung marumi 'yung tubig? Baka galing 'yon sa isang toilet bowl at gusto lang akong pagtripan nitong matanda? 


Pero...


Mukhang malinis naman, e!


"Hija, ano na? Kaya ba today? Ngawit na ngawit na ako. Gusto mo ba o ayaw mo?" inis na wika ng matanda. "Huwag kang mag-alala, kabibili ko lang nito. Naawa ako sa iyo, e." 


Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo, kaya naman tinanggap ko na. "Thank you po," I shyly mouthed. She just gave me a nod. "Ahh!" sigaw ko nang maginhawaan matapos uminom.  


"Ano bang problema?" tanong sa akin ng matanda. "Mukhang pasan-pasan mo ang mundo."


"Nahihirapan po kasi akong maghanap ng trabaho," malungkot na aniko. 


"Kaga-graduate mo lang?" tanong niya pa. 


"Opo," payak na tugon ko. "Pangatlong araw na 'to ng paghahanap ko. Wala pa rin." 


"Gano'n ba? Kaya mo 'yan, makakahanap ka rin ng trabaho. Magpakatatag ka lang." 


"Sana nga po," I muttered, followed by a deep sigh. I tilted my head up and closed my eyes, feeling the warm air. "I just want a world where I don't have to worry about money anymore," I whispered. 


"Really? You want that?" tanong ng matanda. Narinig niya pala ang sinabi ko. 


After realizing how ridiculous that sounds, I chuckled. "Just forget what I said. That would never happen. Not even in my dreams." 


"Nothing's impossible, hija," seryosong ani ng matanda at hinawakan ako sa balikat. An odd look suddenly appeared on her face. It's kinda creeping me out. 


"Uh... what's wrong?" I asked, puzzled. "Okay lang po ba kayo?" 


Hindi niya naman sinagot ang mga tanong ko. Instead, she pulled out something from her bag and flashed it in my face. It's a knife, and I can see my reflection in its blade. My eyes widened because of the sudden realization. She's still holding my shoulder firmly, kaya naman hindi ko alam ang dapat kong gawin. Baka saksakin niya ako kapag nanlaban ako. 


Is this the end of my pathetic life? What to do? Bakit ba kasi ang dali kong mauto? Stupid, Gwen!


"Huwag kang mag-alala, hija. Hindi kita papatayin."


As if I'm gonna buy that! Lumingon-lingon ako sa paligid at nalaman kong nasa ibang lugar na kami. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang nitong matanda. What is happening? Where am I? Am I hallucinating because of hunger? Or did I pass out and this is all just a dream?


Napabalik ang tingin ko sa matanda. She's still holding the knife in my face. My heart started pounding fast. What does she want from me? 


"Take a close look at your reflection in the knife," she told me. At dahil mahal ko ang buhay ko, sinunod ko kaagad ang sinabi niya. I stared at my reflection, and I noticed something. Oh no, this is bad! Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. How is this possible? 


"May problema ba?" the old lady asked when she noticed the look on my face. 


"May malaking pimple na tumutubo sa noo ko! Talagang sa gitna pa! Hindi ito maaari!" naiiyak na bulalas ko.


"Akala ko naman kung ano na!" inis na sambit ng matanda at inirapan ako. "Anyway, focus! Titigan mo lang ang sarili mo!"


"Tch," mahinang daing ko na lamang at sumunod na ulit sa utos niya. 


After staring at it for a minute, I started feeling drowsy. As if all my energy had been sucked off my body. Parang umaalis na ang kaluluwa ko sa aking katawan. What is going on?


"Sleep well, hija."


I blinked repeatedly, trying to fight the drowsiness, but I couldn't. It's too strong. As if I'm under a spell. The last thing I saw before everything went black was the old lady's smile. 


---

sucked inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon