Chapter 09

3K 145 62
                                    


"Alright, class. You're dismissed. Goodbye," our teacher announced.


"Goodbye, Ma'am."


Cheers filled the room the moment our teacher stepped out. Finally!


"Ugh, that quiz was brutal," I whispered, stretching my neck. I feel drained.


"Girl, una na ako. My boyfriend's waiting for me," tila excited na excited na wika ni Lia.


"Sure. Sure."


Dali-dali naman na siyang lumabas pagkarinig sa tugon ko. 


I'm gonna treat myself. I want a really refreshing drink. Should I go to the milkshake shop outside our school? I guess I should.


Isinuot ko na ang bag ko at bagsak ang mga balikat na naglakad na palabas ng room.


Napahinto naman ako nang makita ko si Aaron na naghihintay sa labas ng classroom namin. He's leaning against the wall with his hands in his pockets. Napansin kong pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ng mga kaklase kong babae.


"Oh, my God. His new hairstyle suits him. Lalo siyang gumwapo!" I heard a girl whisper to her friend.


Tumingin ako ulit kay Aaron. Nagpalit nga siya ng hairstyle. Hindi ko napansin kanina dahil kinakabahan ako at nagmamadali. Napansin ko na hindi siya gumamit ng hair wax ngayon, hinayaan niya lang na bumagsak ang buhok niya. His hair looks bouncy. Tapos nasa gitna 'yong hati. Ganito 'yong usong hairstyle noong 90s. I believe it's called curtain hairstyle. It really suits him.


"I totally agree. He's a total hottie. And hey, did you notice na naka-complete uniform siya ngayon? He used to just wear t-shirts at school right? Oh, my God," bulong naman pabalik no'ng isa.


Ibinalik ko ang tingin ko kay Aaron. She's right. Himala nga at naka-complete uniform siya ngayon. Bagay niya. Mas luminis siyang tignan. Tumango-tango ako. I agree. He's a total hottie. 

 

Napakurap naman ako nang bigla niyang iangat ang ulo niya at nagkasalubong ang mga tingin namin. Geez. He caught me staring! Nakakahiya. I saw him chuckle. He then went near me.


He's too close. I can smell his cologne. God, he smells sooo good.


"Uhm, h-hi!" I tried to sound lively, but it came out awkwardly.


"Hi," he greeted me back. "Pauwi ka na?"


"Yeah. Pero balak ko munang dumaan sa milkshake shop sa labas ng school," I responded.


"May kasama ka?" he asked.


"Wala. Ako lang mag-isa," tugon ko.

sucked inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon