I'm in a bookstore right now. I'm looking for something. Sabado ngayon. Hindi ko alam kung may trabaho ba ako tuwing Sabado, pero wala na akong pakialam. Wala ako sa scene ngayon, kaya walang makakapigil sa akin.
Nilapitan ko 'yong sales lady para magtanong. "Ate, meron po ba kayong book na pwedeng reviewer sa mga magte-take ng law school entrance exam?" tanong ko.
"Meron, Ma'am. This way." She led me to the next aisle. "Here, Ma'am." May kinuha siyang libro at iniabot iyon sa akin. "This is what they usually purchase," she added.
"Okay po. Thank you," I said with a small smile. She just gave me a nod at lumayo na.
Tinignan ko ang back cover ng libro to check the price. Napanganga ako nang makita ko kung magkano ito. Mapapa-aray ka talaga sa presyo. Still, I should buy it. Para naman sa kaniya 'to. Kahit na hindi niya na maalala ang mga pinagsamahan namin, I still want to support him.
Nagkibit-balikat na lamang ako at lumapit na sa counter para magbayad.
Paglabas ko ng bookstore, may nakita akong ice cream stall sa 'di kalayuan. Excited na lumapit ako kaagad doon para bumili.
"Pabili nga pong isang cone," wika ko sa tindero.
"Anong flavor, Ma'am?" tanong niya at nginitian ako.
"Chocolate po," payak na sagot ko naman.
"Alright," he muttered as he pumped the ice cream into the cone. "Here ya go." Iniabot niya na ang ice cream sa akin matapos niyang lagyan ng sprinkles sa ibabaw. Tinanggap ko naman iyon kaagad at nagbayad na.
"Thank you, Ma'am. Enjoy!"
I just smiled at him before making my way to the nearest bench to sit down.
Tahimik na kinakain ko lang ang ice cream ko nang may biglang lumapit sa akin, kaya napatingala ako.
"Hi, Miss," pagbati niya sa akin at ngumiti. I don't know him yet, but I can tell he's one of those guys. You know, those guys.
"Uh, hi?" medyo nag-aalangang pagbati ko naman pabalik.
"Are you alone?" tanong niya.
That's creepy. Why would someone ask that?
Umiling-iling ako. "N-No. I'm with someone. Nag-CR lang siya saglit," pagsisinungaling ko.
"You're very easy to read, Miss." He chuckled. "I can tell you're lying. You're alone, aren't you?"
I'm starting to feel uneasy. This guy is creeping the hell out of me.
"No. I told you, I'm with someone," I said, trying to act calm.

BINABASA MO ANG
sucked in
FantasyGwen got sucked into a cliché romance novel and ended up playing the part of an ill extra named Mira. Despite all the efforts she made to avoid drawing attention to herself, she still caught the attention of Caleb, the male lead. And that's when the...