Chapter 07

3K 188 53
                                    


Pagdating namin sa aming destinasyon, nagbayad na ako kaagad sa taxi driver at bumaba na. For a moment, I stared at the building in front of me. It's a four-story building. Red told me na sa rooftop ng building na ito nakatira si Aaron. Pumasok na ako at sumakay na sa elevator.


Nang makarating ako sa rooftop, pumunta ako kaagad sa tapat ng pinto ni Aaron. Napansin ko na walang ilaw na nakasindi sa loob. Ang dilim. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Bigla akong kinabahan.


I knocked. "Aaron?" may kalakasang pagtawag ko sa kaniya.


No response.


This time, I knocked three times. "Aaron, are you there?" Nagsisimula na akong mag-panic. Baka napano na siya. I somehow feel like this is my fault.


Wala parin. Is he even inside?


Hinampas ko na nang malakas ang pinto niya. "Aaron! Open this door!"


I suddenly can hear grunts from the inside. That's him. Mukhang kagigising niya lang. I can now hear him approaching.


I just stood there, waiting for him to open the door.


"Mira? What are you doing here?" tanong niya sa akin pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. He seems surprised to see me.


Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong wala siyang suot na pang-itaas. Oooh. Are those abs I'm seeing?


"Mira?"


Nagising naman ako nang tawagin niya ako ulit.


"O-Oh. Y-Yeah. Uhm, I came here because Red said you're badly injured." My forehead creased when I realized something. I scanned his body. Wala naman siyang mga sugat at pasa. They lied to me? What the hell? Bigla akong nakaramdam ng matinding inis. "Sabi nila pumunta ka raw sa kuta ng Xenon ek ek na 'yon nang mag-isa at naghamon ng away, tapos pinagtulungan ka raw!" inis na pagsusumbong ko.


"Those idiots. I can't believe they fooled you," I heard Aaron whisper. Mukhang galit siya.


Bumuntong-hininga na lamang ako. "Anyway, I'm sorry, naistorbo kita," aniko. "S-Sige, mauuna na ako," pagpapaalam ko at tatalikuran na sana siya, pero bigla niya akong hinawakan sa braso, kaya napatigil ako.


My eyes grew wide. Sobrang lamig ng kamay niya. Is he sick?


"Aaron, are you sick?" I asked, staring at his face. Napaiwas naman siya ng tingin.


Nilapitan ko siya at hinawakan sa batok at noo to check his temperature. Malamig ang mga kamay niya, pero sobrang init ng batok at noo niya. Nilalagnat siya. Nagpaulan nga yata siya kagabi. I sighed.


"Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "At saka bakit wala kang damit? Please go inside and wear something."

sucked inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon