Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang magsalita si Red, kaya napatingin kami sa kaniya.
"Dito kayo unang nagkita ni Boss Mira, 'di ba, Uno?" tanong ni Red kay Aaron, kaya muntik na akong mabulunan. Kinuha ko kaagad ang tubig sa harap ko at ininom iyon.
"Yeah." Aaron smiled.
"Ah, swerte talaga 'tong lugar namin. Dito nag-umpisa ang pagmamahalan niyo," aniya habang itinataas-baba ang kaniyang mga kilay.
I can feel my cheeks burning, kaya umiwas ako ng tingin. What is wrong with Red?
"I remember, gandang-ganda si Uno kay Boss Mira. Tinamaan sa unang pagkikita," he continued, laughing. Lalo tuloy akong namula. Napaubo naman ang katabi ko. Mukhang naiilang din siya.
Send help.
"Ano ba, bakit 'boss' ka nang 'boss' kay Mira? Empleyado ka ba niya?" medyo iritang tanong ni Lia kay Red.
"Tama lang na 'boss' ang itawag ko sa kaniya, love. Sa kaniya lang kasi tumitiklop si Uno, e," wika niya. Tapos ay nilingon niya ang mga kasamahan nila sa kabilang table. "Tama ba ako, mga pre?"
"Oo, tama 'yan!"
"Boss Mira number 1!"
"Saludo ako sa'yo, Boss Mira!"
"Boss Mira, apakan mo 'ko!"
Tapos ay napuno ng tawanan ang buong lugar. Hindi ko alam, pero natawa rin ako. Ang kukulit nila.
Napahinto naman ako sa pagtawa nang mapansin kong nakatingin sa akin si Aaron. Napakamot ako sa batok.
"They're funny," I said to him.
"What about me? Am I funny?" seryosong tanong niya sa akin.
"No," I answered in a serious tone, shaking my head. Napasimangot naman siya, making me burst out laughing. "Just kidding. You're funny too."
"Really?" paninigurado niya.
"Yeah. You made me laugh just now," natatawa paring aniko.
He smiled, kaya naman lumitaw ang dimple niya at nawala ang mga mata niya. Tapos ay ginulo-gulo niya ang buhok ko. Hindi naman ako kumibo.
Red faked a cough, kaya naman tinanggal na ni Aaron ang kamay niya sa ulo ko. "PDA!"
Aaron glared at Red. "Mag-uusap tayo mamaya," mahina, pero may halong pagbabanta na wika niya.

BINABASA MO ANG
sucked in
FantasyGwen got sucked into a cliché romance novel and ended up playing the part of an ill extra named Mira. Despite all the efforts she made to avoid drawing attention to herself, she still caught the attention of Caleb, the male lead. And that's when the...