" mahirap ang hinihingi mo Gabbie " nagmamaktol si Andrei habang ako tahimik lang.
Ano ba ang mahirap sa space na hinihingi ko?
" pagod na ako " un lang ang naging sagot ko sakanya
tumingin sya sakin na parng nagmamakaawa..
" Gab wag mo naman gawin sakin to " konti na lang papatak na luha ng boyfriend ko.
" mas mahihirapan tayo kung di natin to gagawin intindihin mo naman napapagod na nga ako " tumaas na ang boses ko. Naiinis na ako sa takbo ng usapan namin.
" Gabbie... " malungkot ang mukha ni Andrei
" I've made up my mind.. " yun lang ang nasabi ko at tumayo na ako. Hindi ko na nagawang tapusin ang kinakain ko. Nawalan na ako ng gana.
" Gab ayoko " yumakap sya sa bewang ko na parang bata. Nakaramdam ako lalo ng inis.
" ano ba Andrei bitiwan mo nga ako tsk para kang bata "
" Gabbie please wag mo gawin sakin to "
" inaano ba kita? Space lang hinihingi ko para ka naman mamamatayan " muli akong umupo but this time salubong ang kilay ko. Nakatingin na samin ang mga taong kumakaen sa food chain na yun pero wala ako pakialam.
" Gabbie utang na loob naman para san ba ang space na hinihingi mo? "
" hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako sa apat na taon natin pagod at sawa na ako, konting kalayaan lang hinihingi ko. Kung ayaw mo ng cool off di sige BREAK NA TAYO "
di ko na hinintay na magsalita pa sya. Tumayo ako at umalis.
Mahal ko si Andrei pero nakakapagod na ang takbo ng relasyon namin. Kung baga sa pagkaen.. Nakakaumay na.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE