Hindi malaman ni Gabbie ang mararamdaman nya ng mga oras na yun. Para syang napako sa kinatatayuan nya. Ilang minuto na ang lumipas mula ng umalis si Andrei ngunit nananatili pa rin syang nakatayo sa tapat ng bahay ni Andrei.
Samantala, gulong gulo ang isip ni Andrei. Hindi nya alam kung tama ba sabihin nya ang mga ganung salita kay Gabbie. Alam nya nasaktan nya ng sobra ang babae pero mas masakit ang ginawa sa kanya ni Gabbie. Iniwan sya nito ng walang dahilan.
Tinalunton ni Andrei ang daan patungo sa bahay ni Meg. Samantalang si Gabbie ay umuwing bagsak ang pag asang muli silang magkakaayos ni Andrei.
Hindi nila alam kung paano maibabalik sa dati ang lahat. Yung panahon na mahal nila ang isa't isa. Pareho silang nagdurusa sa damdaming di nila alam kung dapat pa ba dugtungan. Pagmamahalang di nila alam kung dapat pa bang balikan.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE